Birthday ni DOC Rio!
Saturday, March 28, 2009 | 30 comments
 Hello sa inyong lahat... Ako pala si Lalaine, ang pakielamerang kaibigan ng may ari ng blog na ito. Birtday nya ngayon kaso wala man lang syang post kaya naisip kong lagyan sya ng update. hehehe... sana okay lang sa readers nya :D
Elementary pa lang kami eh magkaibigan na kami... kaya kahit papaano eh alam ko na ugali nya... at dahil hindi nya alam kung ano ang ipopost ko dito eh ibubuking ko sya ng konti (konti lang naman :D).
Heto at umpisahan na natin:
- Nung nag-aaral pa kami... dalawa beses lang ata sya magsuklay ng buhok. Bago pumasok at kapag uwian na. (pero in fairness, very shiny ang long black hair nya).
- Nagsosyo din kami sa business nung High school kami, tuwing uwian eh bibile kami ng pwedeng maibenta sa school... dagdag din sa baon yun, at marami kaming suki dahil sa nasa 5th floor kami at tamad na bumama mga kaklase namin at pati na din yung mga nasa ibang room. hahaha (mga gummy candies, dingdong, kirei na tig pipiso at kung anu ano pang makukot ang tinda namin :D)
- Kapag break time eh hati kami sa isang mountain dew at isang piattos. (Hanggang ngayon eh hindi kami nakakaubos ng isang boteng softdrinks).
- Dati pinaglakad nya kami papuntang bahay nila na mala bulubundukin na kelan ko lang nalaman eh pwede naman pala mag-tricycle. (pinagod pa kami.)
- At tuwing lunch naman eh lagi kaming palit ng baon... gustong gusto nya ang ulam kong porkchop at ako naman eh gustong gusto ko ang ulam nyang isda!
- Sagot nya ako sa lahat ng subjects na may memorization at sagot ko naman sya sa lahat ng may numbers (kaya wala akong alam sa history. hahaha).
- Hindi sya mahirap pakainin kase lahat ng edible eh willing syang tikman. =D
- Sya ang tipo ng tao na walang arte sa katawan.
- Pareho kaming size 9 ang paa... pero hindi kami pareho ng taste at ng way mamile.. kung gaano ako katagal mamile ng sapatos eh ganun sya kabilis makabile. hehehe
Hmmm... madami dami pa akong pwedeng ibuking... pero hanggang dito na lang muna kase kapag tinuloy ko pa ang pagbubuking eh baka dito na matapos ang pagkakaibigan namin. HAHAHA.
So... paano DOC RIO! Happy BIrthday na lang uli! =)
P.S. Wag nyo pala syang paiinumin ng alak kung gusto nyo maging masaya ang party nyo! hanggang ice tea lang kami! hehehe =)
Love you!
(image via, Cake Central)
Labels: birthday, friends, lalaine, personal
CLICK HERE TO READ MORE
Rio @ 27
Thursday, March 19, 2009 | 36 comments
Sakto Dalawamput pitong taon ko na ngayon dito sa mundong ibabaw. Dalawamput pitong taon na punong puno ng kasiyahan at konti o halos walang kalungkutan sa buhay ko.{joke lang na wala pero meron ..ibinaon ko na nga lang sa lumang baul at itinanim sa lupa}
Dalawamput pitong taon na ngayon simula ng mapagdesisyunan ko at ng nanay na kailangan ko ng lumabas sa kanyang sinapupunan { free food at accommodation na nga ako..tulog pa ako ng tulog sa tyan nya at kapag nababadtrip pa daw ako ay panay pa ang sipa ko sa tyan nya..kaya ayun..niluwal nya ako after 9mons..Hmmm…may bata kayang iniluluwal ng higit sa 9mons??.tao pa kaya yun?basta ako, ang alam ko, tao ako..yan ay base sa paniniwala ko na tao ako ha??} Nay, salamat sa pag aaruga at pagmamahal mo sa akin. Sa pagpapalaki sa aking bilang isang kyut at mabuting anak..{nay, wag ka ng kumontra..hindi ko naman buburahin kung sakaling mabasa mo ang blog ko na mabait at cute ako..paminsan minsan lang ako magbubuhat ng bangko at araw ko naman ito kaya PLEASEEEEEEEE nay…pagbigyan nyo na ako..ok?}. salamat sa pagpapasensya at pagtyatyaga nyo sa akin. Nagpapasalamat din po ako sa inyo sa mga itinuro nyo sa akin kung papaano harapin ang buhay…tama nga kayo nay, mahirap nga po makipagsapalaran pero swerte ako dahil gumagaan ang pakikipagsapalaran ko dahil may mabuti at cute akong nanay na handang tumulong sa akin tuwing ako’y nadadapa .
Kung pagpapasalamat sa inyo nay ang isusulat ko ngayon dito sa aking blog..kulang na kulang ang espayo ng blog ko at baka manghiram pa ako ng ibang blog para lang masabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa inyo pero ganumpaman gagamitin ko na ang maliit na espayo ng blog ko para makapagpasalamat sa po sa iyo…………….
Dalawamput pitong taon na ang nakakaraan ng maging isang ganap kayo na ama.. Alam kong tuwang tuwa kayo nun dahil maraming nagsasabi na kamukha ko daw kayo..{tay naman, hindi nyo ba naisip na sinasabi lang nila na mukhang lalaki ang anak nyo..mukhang brusko..lols}. pero sige na nga tay..magkamukha na tayo kung magkamukha ..aangal pa ba ako..e nakasanayan ko na mukhang lalaki ang nakikita ko tuwing ako’y haharap sa salamin..actually, nakikita ko ang mukha nyo tuwing haharap ako sa salamin..kaya kahit nasa malayo kayo parati tay..palagi ko po kayong naalala..
Tay,salamat sa pagsasakripisyo nyo na ginagawa para sa amin..alam kong mahirap para sa iyo ang malayo sa amin pero kinakaya mo para sa ikabubuti namin. Alam ko naman tay na kung may magandang opportunidad lang kayo dito sa pinas ay hindi nyo ng naanaisin pang mapalayo sa amin .alam kong gusto nyo din po akong makitang lumalapad lumalaki pero dahil nga po mas maganda ang opportunidad na meron sa ibang bansa ay mas pinili nyo po ito para sa ikabubuti namin.
Tay,hindi ako isang manunulat pero alam kong wala pang naimbentong salita na aangkop para masabi sa inyo kung gaani po ako nagpapasalamat sa lahat ng ibinibigay at sinasakripisyo nyo para sa akin, sa amin. Tay, Nay, sa dalawamput pitong taon kong pamamalagi dito sa mundo hindi sapat ang mga salitang meron ako ngayon pero gusto kong iparating sa inyo na maraming maraming salamat sa lahat ng ibinibigay nyo sa akin…simula sa pagmamahal, pagpapasensya, pagpapalaki hanggang sa mga material na bagay..muli, maraming maraming salamat po sa inyo …wala po ako sa kinaroroonan ko ngayon kung wala po kayo sa tabi ko…
Papa God, Dalawamput pitong taon nyo na po akong ginagabayan , binibiyayaan, minamahal at patuloy na pinapatawad…Hindi ko po alam kung paaanong pagpapasalamat ang gagawin ko..Salamat po sa magulang ko na nag alaga, gumabay at patuloy na nagmamahal sa akin ngayon. Salamat sa mga kapatid na ipinadala nyo {thru LBC..lols} galing langit para di ako malungkot dito sa earth{magkaroon ka ba naman ng mga kapatid na makukulit ..ewan lang kung hindi gumulo buhay mo..}, sa mga kaibigan na simula po ata ng nagka isip ako, natutong magmahal,nasaktan..naks..ay andyan sa tabi ko at walang sawang magpautang ay este magbigay payo..salamat po… Papa God, salamat sa 27 years ko na pamamalagi dito sa mundo…hindi ko po alam kung hanggang kelan nyo ako papayagang tumira dito sa mundo pero nagpapasalamat po ako sa inyo ng taos puso..Hindi nagging madali ang pagtungtong sa edad ko na ito..marami po pagdapa ang nangyari sa akin pero ganun pa man andyan pa din po kayo para tulungan akong tumayo…{kita nyo naman po ngayon....bibang biba ako..=D} Papa God..without YOU, I am nothing..
p.s hindi ko pa birthday..siyam na araw pa simula ngayon pero dahil sa nagloloko si internet ko..minabuti ko ng mag post ngayon..baka kasi may magbalak na magregalo…sayang naman…hehe{hindi po ako tumatanggi sa grasya..paki abisuhan nalang po ako kung nababalak kayong magbigay ng giftssssssssss para sa nalalapit kong birthday=D }.
CLICK HERE TO READ MORE
|