<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=7104466110941077934&amp;blogName=Diary+of+a+dentist&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Friotooth.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Friotooth.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
   

Dear Salmo
Friday, September 25, 2009 | 11 comments

dear salmonella,

kumusta ka na diyan sa loob? ok ka lang ba? ako kasi dito e bumubuti buti na. Namalayan mo ba na nag stay tayo sa ospital ng 4days and 3 nights? dun nga tau nag eid mubarak e. Nadinig mo ba na isinakay tayo sa ambulansya?sayang! andyan ka kasi sa loob ng tyan ko kaya di mo nakita ang itsura ng loob ng ambulansya. Alam mo din ba na sa kakakulit mong palagi tayong mamasyal sa loob ng banyo e nanakaw yung celphone ko na naging dahilan para di ko makontak agad ang pamilya ko sa pinas.sabagay, nung una naman talaga ay wala pa akong balak sabihin sa kanila na nagbabakasyon tayo sa ospital.akala ko kasi overnight lang ang drama mo e.akalain mong naka book pala tayo ng 3 araw.. alam mo ba na first time ko na magbanyo ng more than 20 times sa isang araw..feeling ko nga e linis na linis mo na ang tyan ko.kung pwede ka din sigurong makalinis ng kaluluwa e malamang pwede na akong matawag na isang anghel sa galing mong maglabas at maglinis ng dumi ng katawan.infairness ha, nakipag deal na ako kay papa J, naghabilin na din ako sa kanya.nag usap na kami ng masinsinan nung mga araw na yun.akala ko kasi e kailangan na nya ako sa langit at ikaw ang ipinadala para sunduin ako...hindi pa pala..mas kailangan pa daw ako dito sa lupa..(bhelat!).At alam mo ba kung gaano mo ipinaparamdam sa akin ang sakit sa tuwing naglalaro ka dyan sa loob ng tyan ko?? halos magpang abot ang tuhod at ulo ko sa pamimilipit,tumatayo ang mga balahibo ko sa sakit at napapaluha mo lang naman ako.sabi nga nung isa mo pang nabiktikma na nanay e para daw syang manganganak ulit sa sakit.samakatuwid, naranasan ko na palang mag labour pain na hindi tao ang nasa loob kundi pupu.

syanga pala, salamat! dahil sa iyo e pumayat ako ng husto.ngayon ko lang nakita ang sarili ko na pumayat ng ganito..infairness, bagay pala sa akin..hihi..epektib ka palang pampapayat pero sensya at di kita irerekomenda sa iba...baka kasi di nila kayanin ang mag field trip sa banyo ng more than 20 times/day.

salmo, baka naman pwede ka ng lumabas sa tyan ko..kasing sexy ko na si judy ann e..salamat=D

your temporary host,
rio





Links to this post:

11 Comments:

Anonymous karmi, at September 25, 2009 5:25 PM said:
ate ate ate. ok ka na ba? well, gusto ko ring magpapayat pero parang ayoko rin ata ng ganyang method hehehe.

grabe. basta ingat na lang sa mga kakainin ok? =) *hugs*

Blogger Rio, at September 25, 2009 5:49 PM said:
@karmi
ok na ako karmi pero under medication at observation pa din.
salamat ng madami.. *hugs*
yup.nag iingat na ako=D

OpenID theonoski, at September 25, 2009 6:46 PM said:
doc rio, buti naman ok kana.oo marami nadadali ng salmo dito sa saudi.diko rin alam baket! baka naman kasi nasobrahan ka ng kabsa :D.

ingat lagi!

Blogger Rio, at September 25, 2009 6:52 PM said:
@theo
may kinalaman kaya ito sa pagpapalit ng panahon? dami na kaming naging biktima e. sa sans rival ko daw nakuha to.

salamat theo=D

Anonymous Lalaine, at September 26, 2009 12:27 AM said:
pre, yngat kase sa pagkain-kain... amuy amoyin muna bago kagatin at lasapin! pero in fairness, epektibo talagang pampapayat yan... buti nakayanan mo ang bago mo bisita!

sakin naman dati amoeba (tama ba isfeling?) ang bumisita sakin... muntikan na din ako ma ospital... buti kinaya ng powers ko yun... nakakapanghina talaga! at mapapaiyak ka talaga!

pero one day lang nun pumayat ako! nawala naman energy ko... kaya panget talagang irecomenda sila sa iba :P

yngat tol!

Blogger domjullian, at September 26, 2009 1:33 PM said:
awwww.get well soon

Anonymous bertN, at September 27, 2009 8:23 PM said:
I hope you finally got rid of salmo and you are as good as new now. Take care,lalo na't malayo ka yata sa "one and only" mo.

Blogger Rio, at September 28, 2009 3:01 AM said:
@lalaine
thanks tol! bagong luto naman lahat nung food e, di ko lang talaga alam bat nagkaganun.

hirap pag magkakasakit dito lalo at malayo ako sa pamilya ko..=c
pero ok naman na ako..salamat ng madami=D

pero laki talaga ng pinayat ko..haha..

@ dom
thanks dom=D

@Bertn
medyo ok na po ako ngayon.salamat po=D. talagang my one and only ha..hehehe

Blogger the donG, at September 28, 2009 10:24 PM said:
ang pagababalik ni doc! hahaha... ayan na't sinumulan na sa salmonela. si theo yung nagcomment.

Anonymous Jesus the Dentist, at September 29, 2009 9:13 AM said:
Buti naman doc okay ka na. Next time, inom ka ng universal medicine.

Blogger p0kw4ng, at October 3, 2009 4:53 PM said:
awww dinalaw ka pala ni salmo...nainlab sayo kaya nagtagal...

hirap ng dinanas mo ha...sana ok ka na ngayon=;

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



 




Recent Entries
- Cooking with Rio
- blogsites to visit
- update
- Dear Lalaine,
- teaser
- Birthday ni DOC Rio!
- Rio @ 27
- Tag ni Lyzius at Teresa
- V day is busy day
- R U HAPPY?

Archives
- January 2008
- February 2008
- March 2008
- April 2008
- May 2008
- June 2008
- July 2008
- August 2008
- September 2008
- October 2008
- November 2008
- December 2008
- January 2009
- February 2009
- March 2009
- April 2009
- May 2009
- June 2009
- September 2009
- October 2009
- November 2009
- December 2009

Recent Comments
Anonymous karmi / Read
Blogger Rio / Read
OpenID theonoski / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous Lalaine / Read
Blogger domjullian / Read
Anonymous bertN / Read
Blogger Rio / Read
Blogger the donG / Read
Anonymous Jesus the Dentist / Read
Blogger p0kw4ng / Read

My Favorite Links
- Mocha
- Lalaine
- Jepoy
- Glen
- Mark
- Rocky
- Pepper
- Patchok
- GameOPS
- myDestiny Chronicles
- Pinoy Raket
- Pinoy Hero
- Pinoy Showbuzz

Link Exchange

   
 
 

  Copyright © 2008 Dra. MRPPR
  No part of this website may be reproduced without any written consent from the owner. All Rights Reserved
  Template by Jepoy