<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=7104466110941077934&amp;blogName=Diary+of+a+dentist&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Friotooth.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Friotooth.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
   

Rio @ 27
Thursday, March 19, 2009 | 36 comments

Sakto Dalawamput pitong taon ko na ngayon dito sa mundong ibabaw. Dalawamput pitong taon na punong puno ng kasiyahan at konti o halos walang kalungkutan sa buhay ko.{joke lang na wala pero meron ..ibinaon ko na nga lang sa lumang baul at itinanim sa lupa}




Dalawamput pitong taon na ngayon simula ng mapagdesisyunan ko at ng nanay na kailangan ko ng lumabas sa kanyang sinapupunan { free food at accommodation na nga ako..tulog pa ako ng tulog sa tyan nya at kapag nababadtrip pa daw ako ay panay pa ang sipa ko sa tyan nya..kaya ayun..niluwal nya ako after 9mons..Hmmm…may bata kayang iniluluwal ng higit sa 9mons??.tao pa kaya yun?basta ako, ang alam ko, tao ako..yan ay base sa paniniwala ko na tao ako ha??}

Nay, salamat sa pag aaruga at pagmamahal mo sa akin. Sa pagpapalaki sa aking bilang isang kyut at mabuting anak..{nay, wag ka ng kumontra..hindi ko naman buburahin kung sakaling mabasa mo ang blog ko na mabait at cute ako..paminsan minsan lang ako magbubuhat ng bangko at araw ko naman ito kaya PLEASEEEEEEEE nay…pagbigyan nyo na ako..ok?}. salamat sa pagpapasensya at pagtyatyaga nyo sa akin.
Nagpapasalamat din po ako sa inyo sa mga itinuro nyo sa akin kung papaano harapin ang buhay…tama nga kayo nay, mahirap nga po makipagsapalaran pero swerte ako dahil gumagaan ang pakikipagsapalaran ko dahil may mabuti at cute akong nanay na handang tumulong sa akin tuwing ako’y nadadapa .

Kung pagpapasalamat sa inyo nay ang isusulat ko ngayon dito sa aking blog..kulang na kulang ang espayo ng blog ko at baka manghiram pa ako ng ibang blog para lang masabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa inyo pero ganumpaman gagamitin ko na ang maliit na espayo ng blog ko para makapagpasalamat sa po sa iyo…………….


Dalawamput pitong taon na ang nakakaraan ng maging isang ganap kayo na ama..
Alam kong tuwang tuwa kayo nun dahil maraming nagsasabi na kamukha ko daw kayo..{tay naman, hindi nyo ba naisip na sinasabi lang nila na mukhang lalaki ang anak nyo..mukhang brusko..lols}. pero sige na nga tay..magkamukha na tayo kung magkamukha ..aangal pa ba ako..e nakasanayan ko na mukhang lalaki ang nakikita ko tuwing ako’y haharap sa salamin..actually, nakikita ko ang mukha nyo tuwing haharap ako sa salamin..kaya kahit nasa malayo kayo parati tay..palagi ko po kayong naalala..

Tay,salamat sa pagsasakripisyo nyo na ginagawa para sa amin..alam kong mahirap para sa iyo ang malayo sa amin pero kinakaya mo para sa ikabubuti namin. Alam ko naman tay na kung may magandang opportunidad lang kayo dito sa pinas ay hindi nyo ng naanaisin pang mapalayo sa amin .alam kong gusto nyo din po akong makitang lumalapad lumalaki pero dahil nga po mas maganda ang opportunidad na meron sa ibang bansa ay mas pinili nyo po ito para sa ikabubuti namin.

Tay,hindi ako isang manunulat pero alam kong wala pang naimbentong salita na aangkop para masabi sa inyo kung gaani po ako nagpapasalamat sa lahat ng ibinibigay at sinasakripisyo nyo para sa akin, sa amin.
Tay, Nay, sa dalawamput pitong taon kong pamamalagi dito sa mundo hindi sapat ang mga salitang meron ako ngayon pero gusto kong iparating sa inyo na maraming maraming salamat sa lahat ng ibinibigay nyo sa akin…simula sa pagmamahal, pagpapasensya, pagpapalaki hanggang sa mga material na bagay..muli, maraming maraming salamat po sa inyo …wala po ako sa kinaroroonan ko ngayon kung wala po kayo sa tabi ko…

Papa God, Dalawamput pitong taon nyo na po akong ginagabayan , binibiyayaan, minamahal at patuloy na pinapatawad…Hindi ko po alam kung paaanong pagpapasalamat ang gagawin ko..Salamat po sa magulang ko na nag alaga, gumabay at patuloy na nagmamahal sa akin ngayon. Salamat sa mga kapatid na ipinadala nyo {thru LBC..lols} galing langit para di ako malungkot dito sa earth{magkaroon ka ba naman ng mga kapatid na makukulit ..ewan lang kung hindi gumulo buhay mo..}, sa mga kaibigan na simula po ata ng nagka isip ako, natutong magmahal,nasaktan..naks..ay andyan sa tabi ko at walang sawang magpautang ay este magbigay payo..salamat po…
Papa God, salamat sa 27 years ko na pamamalagi dito sa mundo…hindi ko po alam kung hanggang kelan nyo ako papayagang tumira dito sa mundo pero nagpapasalamat po ako sa inyo ng taos puso..Hindi nagging madali ang pagtungtong sa edad ko na ito..marami po pagdapa ang nangyari sa akin pero ganun pa man andyan pa din po kayo para tulungan akong tumayo…{kita nyo naman po ngayon....bibang biba ako..=D}
Papa God..without YOU, I am nothing..

p.s
hindi ko pa birthday..siyam na araw pa simula ngayon pero dahil sa nagloloko si internet ko..minabuti ko ng mag post ngayon..baka kasi may magbalak na magregalo…sayang naman…hehe{hindi po ako tumatanggi sa grasya..paki abisuhan nalang po ako kung nababalak kayong magbigay ng giftssssssssss para sa nalalapit kong birthday=D }.



Links to this post:

36 Comments:

Blogger Theonoski, at March 19, 2009 11:48 AM said:
Doc Rio! advance happy birhday!!!!!!!
burger naman dyan! kita ko rin new pics mo sa friendster ah, nice!

Blogger Justkyut, at March 19, 2009 11:48 AM said:
waaaaaaaaaahahahaha! una ako dito! kaw talaga Doc thinking ahead huh! Wag kang mag-alala Doc pareho nagluluko ang internet connection natin, globe o smart ba ang internet connection mo o PLDT?

Yamang din lang na inadvance mo na ang post mo para sa iyong dalawamput pitong pagkakalagi dito sa ibabaw ng mundo, e igigreet na rin kita ng advance ha.. HAPPY HAPPY BIRTHDAY DOC RIO naway pagpalain ka ng poong maykapal, maging masaya ka at successful sa iyong piniling career.

Pa canton ka naman Doc! hehehe.. ingatz!

Blogger Justkyut, at March 19, 2009 11:49 AM said:
waaaaaaa naunahan ako! pesteng internet connection tlga

Blogger Rio, at March 19, 2009 12:28 PM said:
THEONOSKI
Thanks theo=D
burger??? oo ba.may kasama pang sopdrinks..hehe
ahaha..oo, pinalitan ko na..hindi na mumu..salamat=D

JUSTKYUT
Globe ito e..palagi nalang nagloloko..kainis nga e..

maraming salamat justkyut..ang lagay ba e bati lang yan? asan na regalo ko?lols

nga pala,para naman matuwa ka..balita ko lang na nabawasan na ako ng 2 kilos...hindi ko pa din nagagawa yung chart pero nagbabawas naman ako ng kinakain..

canton?? sure...hehe

haha...ok lang yan kahit pangalawa ka.yaan mo at makakatanggap ka ng consolation prize..=D

Anonymous siangelnawalangpakpak, at March 19, 2009 1:27 PM said:
sis doc, advance hapi birthday! naku, ang sweet mo namang anak pati sa birthday post mo eh acolades para sa iyong mga magulang ang inihanda mo para sa amin. pero may time pa, pwede mo rin kaming handaan ng pakain at inom. wahahaha...

anyways, i wish you all the best, continuous success sa career, sa health at sa lovelife (hmmm... hindi na ako updated masyado dahil ilang buwan din akong nawala kaya, feel free to update me. hehehe...)

may blogger discount ba sa orthodontics? penge... libre kita one year free consultation sa akin. hahaha, joke... =)

Anonymous eliment, at March 19, 2009 1:41 PM said:
ang bata mo pa pala doc.

advance happy birthday sa iyo at sana ay ma-enjoy mo pa ang mga susunod na bahagi ng iyong buhay.

Blogger Rio, at March 19, 2009 1:43 PM said:
SNWP
kulang pa nga yan para pasalamatan ang mga magulang ko..hehe
handa?? sige sige..basta pupunta kau ha...

maraming salamat doki..wala din naman masyadong nangyayari sa buhay ko na kakaiba..pero yaan mo doki pag meron..ikaw ang unang makakalam..hehe

sympre meron kayong discount...hehe
congrats ulit dok for passing the board exam...=D
hmmm...ikaw pala ang dapat na manlibre e...hehe

Blogger Rio, at March 19, 2009 1:49 PM said:
ELIMENTI
yehey..may nagsasabi pang bata pa ako..natuwa naman po ako dun=D
salamat sa pagbati elimenti=D

Blogger _ice_, at March 19, 2009 2:12 PM said:
wahhh doc.. musta na..

Happy Beerday..

take care.. na miss na kita doc ah

Anonymous karmi, at March 19, 2009 4:46 PM said:
ADVANCE HAPPY BIRTHDAY ATE RIO!!! :D

ayan, talagang all caps kasi sinisigaw ko yang pagbati mula dito sa Amerika! :D hehehe. at talagang advance talaga ang birthday post, pasaway kasi na internet yan!! tsk.

ate, di kita binobola ha, pero di ka mukhang 27. ^^. ayii, libre! :D hehehe..

salamat po sa mga advice at tsikahan natin.. basta ate, goodluck sa mga plans mo. :) *hugs* miss u te!! mwah!

Blogger Reena, at March 19, 2009 8:00 PM said:
aww sweet...happy 27th birthday! :) may all your wishes come true! more teeth to come! hehe

Anonymous bertN, at March 19, 2009 8:13 PM said:
Hapi BERTdey sa iyo! bertN

Anonymous Lalaine, at March 20, 2009 12:20 AM said:
waaaaaaaaaahhhhhhh..... ang aga ng birthday post mo! hahahaha.... dahil maaga yang post na yan eh batiin na din kita ng HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!! grabe... bilis ng panahon... pero nagpapasalamat ako kase kahit gaano kabilis ang panahon eh hindi tayo nagiiwanan... sana mas tumagal pa pagkakaibigan natin....

huy!!! namimiss na kita... sensya na... medyo busy kase si lola ko nasa hospital na naman eh... wish ko lang eh sana makapag abot naman tayo... para makapagchikahan naman... hehehe

basta ang wish ko lang eh sana maging happy ka sa kung anu man ang gagawin mo... sana lahat ng gagawin mo eh hindi labag sa loob mo... kung may problema... dito lang ako... tawag ka na lang... alam mo namang tamad ako magreply sa text eg eh... hehehe.... o sya... siguro naman makakapag usap pa tayo kaya dito na lang muna... hehehe...

yngat! happy birthday! love you! *hugs*

ps. saan ang kainan? sarado ba clinic sa bday mo? sabihan mo agad ako (sabagay, pupunta naman ako kahit walang pasabi =D)... para makapunta.. hehehe

Anonymous justkyut, at March 20, 2009 1:32 AM said:
Ay sus! pareho pala tayo ng internet connection Doc. Nung first week of Feb sabi nila inaayos nila ung connection kya nagluluko e di na ayos nila bumilis tpos ngayon ganito nanaman, ano nanaman kaya ang pinag gagawa nila ano? tumawag ka po ba doc para alamin kung bakit ganito nanaman?

kaw naman doc, gusto man kita padalahan ng regalo di mo pa man sinasabi sa akin kung saan ka tumatambay para padalhan kita hehehe gawin mo po ung chart for monitoring. dpat po everyday iba ibang variety ng foods

ayus ah! 2 kilos in... ilang weeks yan doc bago nabawasan? LOLz!

asan ang prize ko? ehe

Anonymous yeye, at March 21, 2009 7:14 AM said:
happy birthday sa 28!!! papaburger na yan yiheeeeeee :D

Anonymous jeniffer, at March 21, 2009 4:37 PM said:
Happy birthday Dr. Rio. naks! 27 na punong puno ng kasayahan.. *cheers* Godbless you!wrflou

Blogger Rio, at March 21, 2009 4:40 PM said:
ICE
hi ice,ikaw ang kakamustahin ko?? antagal mong nawala.
sana ok ka na=D.
salamat sa bati.

KARMI
WELCOME KARMIIIIIIII....HAHAHA

pasaway nga itong si internet kaya inunahan ko na sya..hindi na nya ako maiisahan..hehe

hahaha...ang tanong?? ilangtaon ba ako sa tingin mo?? hahaha
sige sige...libre pala e..basta uwi ka dito sa pinas huh=D

maraming salamat ulit=D

REENA
thanks reena..sana lang hindi mga alien na ipin ang magsidatingan..ang hirap pagbubunutin nung mga ganung ipin e..hehe=D

BERTN
maraming salamat po kuya BERTN=D

Blogger Rio, at March 21, 2009 4:57 PM said:
LALAINE
palagi kasi ako nawawalan ng net..
ambilis nga talaga ng panahon..panahon lang ang iniiwan natin pero hindi ang ating pagkakaibigan ..hehe..
more than half na pala ng buhay ko na kasama kita...ewwww....LOLZ

may na ospital na naman sa inyo?..sabi ko naman kasi sa inyo na magsikain kau ng gulay e..hehe
ui..sabihin mo kay nanay..pagaling sya at pasalubong kamo pag labas nya ng ospital...haha..joke lang..

salamat salamat....alam ko namang andyan lang kau e para ilibre ay este para takbuhan ko..

hahaha..uu, ugali nyo naman yan e..kahit hindi kayo sabihan..may handa man o wala...sapilitan kayong nagpapahanda at pumupunta..hahaha

makapagtago nga sa bday ko..lols

miss u too..

JUSTKYUT
ganun din sabi e..aayusin naman daw at sandali lang pero inaabot ng isang linggo...nagkakaroon sandali tapos mawawala na...

huwaw..at mukhang may balak ka talagang regaluhan ako ha..hehehe
kaya wala akong chart ay dahil wala naman akong ilalagay dahil hindi na ako kumakain..hahaha...

dapat iba iba?? hmmm....sige sige..

hindi weeks yun...buwan yun..hahaha.half kilo lang nababawas sa akin kada buwan..

kunin mo dito prize mo..isang pangkabuhayan showcase..hahaha

YEYE
burger ba?? sure...haha.thanks yeye

JENNIFER
Thanks jenny..punong puno talaga ng masasayang alaala=D..
congrats ulit sa pagpasa mo sa board exam ha..=D

Anonymous Chimmie, at March 21, 2009 6:21 PM said:
hello dentist rio. im just new in blogs. happy birthday to you. i hope that i can friend you.

Anonymous ced, at March 21, 2009 9:53 PM said:
DOC! pasensya late aku!

belated happy bday po! hihihi
mwahhh!

ayan di pa ko nagsisipilyo ah! hihi

Blogger Justkyut, at March 23, 2009 12:12 AM said:
ganyan na ganyan nangyari sa aking nung first week of Feb. kesyo daw kailangang i-upgrade ung PC ko. na ayos naman nila kahit wala akong ginawa sa PC ko.

Kw naman di pwedeng di ka kumain. Opo iba iba.. parang variety show, LOL!

sabi ko na nga ba buwan ung hindi weeks! hehehe

saan ko kukunin ung pangkabuhayan na nakakabuhay (baka buhay yan ha Doc) showcase ko? LOL!

Blogger Rio, at March 23, 2009 3:23 PM said:
CHIMMIE
hi cutie chimmie,thanks for the greetings..
friends?? sure..
welcome to the world of blogging=D

DOK CED
haha..di kana naman nagbasa..
thanks dok..

pwede ka pang magtoothbrush dok..maaga pa naman e..hehe

JUSTKYUt
puro tubig na nga lang ako e..lols
kunin mo dito ang nakakabuhay na pangkabuhayan showcase..haha..kulit..

Anonymous justkyut, at March 24, 2009 1:10 AM said:
waaaaaaaa! e di lagi kang pumupunta ng banyo niyan? hehehe

magtira ka nman po ng tubig para sa mga nangngangailangan rin.. check my blog po

pahinge po ng directang direksyon para po makuha ko yang pangkabuhayan showcase.. hehehe LOL!

Blogger undecipherable identity, at March 24, 2009 10:37 AM said:
haberday doc!:)

Anonymous lyzius, at March 24, 2009 12:27 PM said:
so sa march 28 ang pebertdei mo dok?

hmmmm

batang bata pa...

Anonymous bioniclugaw, at March 24, 2009 12:33 PM said:
bertdey mo ngayon, its time to party! bertdey mo ngayon ilabas ang ice cream! 3 in 1 plas wan hapi kaarawan! 3 in wan plas wan hapi kaarawan!

hehe! ay magkaedad lang pala tayo doc rio. lamang lang ako sayo ng isanlibong push-ups.

'api bertdey!

OpenID eloiski, at March 24, 2009 3:30 PM said:
weee!happy bday doc!
nakahabol ba ako?
paburger ka naman!
tomguts ako ngayon eh!
wish you all the best doc!

OpenID gladyspillbox, at March 24, 2009 11:32 PM said:
wow. i'm new here. :D HAPPY BIRTHDAY, though. :D tc!

OpenID flamindevil, at March 25, 2009 12:31 AM said:
advanced hapi berdey doc..

ang bata mo pa pala...awoooo

Anonymous vanny, at March 25, 2009 1:40 PM said:
ate ang tagal kong di nakadalaw dito. musta ka na? belated happy bday!

Anonymous karmi, at March 26, 2009 12:38 AM said:
ate ate! ang haba ng birthday celebration mo! :D hehehehe..

miss yah!

Anonymous IKAY, at March 26, 2009 1:13 AM said:
advance happi beerday doc.!

Blogger JoShMaRie, at March 26, 2009 8:28 AM said:
nagbeeday ka na pala doc! belated! magkasaby kayo ng sis ko. :)

Blogger the donG, at March 26, 2009 3:03 PM said:
akala ko pa naman na hindi ka na naguupadate doc. kaya ayan huling huli na ako sa balita ng bayan.

belated happy happy birthday! or advance para na sa next year. kitakits daw tayo nina alex.

text na lang at sanay bakante ako sa araw na yon.

galing naman nitong post. lahat pasasalamat.

Blogger Rio, at March 30, 2009 10:06 AM said:
JUSTKYUT
hahaha..nagtitira naman ako ng tubig ah..=D
sa kanan lang yun tapos kaliwa tapos diretso..yun na po yun.hehe

UI
salamat=D

LYZIUS
yup yup yup..nung 28 po.
salamat po=D

BIONICLUGAW
salamat sa pagbati..
huwaw..magka edad po pala tau..=D
ilabas ang 3 in 1 ice cream.. yehey..=D

ELOSKI
salamat eloiski=D
burger?? sure ba..hehe

GLADYS
thanks gladys=D

FLAMINDEVIL
thanks flamindevil=D

VANNY
thanks vanny=D

karmi
oo nga e..hehe...thanks karmi=D

ikay
thanks ikay=D

joshmarie
28 ang bday ko josh=Dhehe
thanks josh=D

dong
thanks dong=D
sino si alex?
sana nga ay libre din ako=D

Anonymous glesy the great, at April 25, 2009 10:05 AM said:
super belated happy birthday.. kadiring pagbati naman neto.. buwan ang pagkaraan.. ahehe.. pero alam ko namang masaya ka kahit wala akong bati.. basta stay cute ika mo nga... at pakasaya ka kahit di mo na birthday... cheers!!!!!!!!!!!!-;p-glesy the great

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



 




Recent Entries
- Tag ni Lyzius at Teresa
- V day is busy day
- R U HAPPY?
- HOROSCOPE NG MGA DOGGY
- Anti Cancer...
- LIBRARY
- Sulat Para Kay Bunso
- Busy si Doc Rio...
- MERRY CHRISTMAS
- unedited quick post

Archives
- January 2008
- February 2008
- March 2008
- April 2008
- May 2008
- June 2008
- July 2008
- August 2008
- September 2008
- October 2008
- November 2008
- December 2008
- January 2009
- February 2009
- March 2009
- April 2009
- May 2009
- June 2009
- September 2009
- October 2009
- November 2009
- December 2009

Recent Comments
Blogger Theonoski / Read
Blogger Justkyut / Read
Blogger Justkyut / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous siangelnawalangpakpak / Read
Anonymous eliment / Read
Blogger Rio / Read
Blogger Rio / Read
Blogger _ice_ / Read
Anonymous karmi / Read
Blogger Reena / Read
Anonymous bertN / Read
Anonymous Lalaine / Read
Anonymous justkyut / Read
Anonymous yeye / Read
Anonymous jeniffer / Read
Blogger Rio / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous Chimmie / Read
Anonymous ced / Read
Blogger Justkyut / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous justkyut / Read
Blogger undecipherable identity / Read
Anonymous lyzius / Read
Anonymous bioniclugaw / Read
OpenID eloiski / Read
OpenID gladyspillbox / Read
OpenID flamindevil / Read
Anonymous vanny / Read
Anonymous karmi / Read
Anonymous IKAY / Read
Blogger JoShMaRie / Read
Blogger the donG / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous glesy the great / Read

My Favorite Links
- Mocha
- Lalaine
- Jepoy
- Glen
- Mark
- Rocky
- Pepper
- Patchok
- GameOPS
- myDestiny Chronicles
- Pinoy Raket
- Pinoy Hero
- Pinoy Showbuzz

Link Exchange

   
 
 

  Copyright © 2008 Dra. MRPPR
  No part of this website may be reproduced without any written consent from the owner. All Rights Reserved
  Template by Jepoy