Birthday ni DOC Rio!
Saturday, March 28, 2009 | 30 comments
 Hello sa inyong lahat... Ako pala si Lalaine, ang pakielamerang kaibigan ng may ari ng blog na ito. Birtday nya ngayon kaso wala man lang syang post kaya naisip kong lagyan sya ng update. hehehe... sana okay lang sa readers nya :D
Elementary pa lang kami eh magkaibigan na kami... kaya kahit papaano eh alam ko na ugali nya... at dahil hindi nya alam kung ano ang ipopost ko dito eh ibubuking ko sya ng konti (konti lang naman :D).
Heto at umpisahan na natin:
- Nung nag-aaral pa kami... dalawa beses lang ata sya magsuklay ng buhok. Bago pumasok at kapag uwian na. (pero in fairness, very shiny ang long black hair nya).
- Nagsosyo din kami sa business nung High school kami, tuwing uwian eh bibile kami ng pwedeng maibenta sa school... dagdag din sa baon yun, at marami kaming suki dahil sa nasa 5th floor kami at tamad na bumama mga kaklase namin at pati na din yung mga nasa ibang room. hahaha (mga gummy candies, dingdong, kirei na tig pipiso at kung anu ano pang makukot ang tinda namin :D)
- Kapag break time eh hati kami sa isang mountain dew at isang piattos. (Hanggang ngayon eh hindi kami nakakaubos ng isang boteng softdrinks).
- Dati pinaglakad nya kami papuntang bahay nila na mala bulubundukin na kelan ko lang nalaman eh pwede naman pala mag-tricycle. (pinagod pa kami.)
- At tuwing lunch naman eh lagi kaming palit ng baon... gustong gusto nya ang ulam kong porkchop at ako naman eh gustong gusto ko ang ulam nyang isda!
- Sagot nya ako sa lahat ng subjects na may memorization at sagot ko naman sya sa lahat ng may numbers (kaya wala akong alam sa history. hahaha).
- Hindi sya mahirap pakainin kase lahat ng edible eh willing syang tikman. =D
- Sya ang tipo ng tao na walang arte sa katawan.
- Pareho kaming size 9 ang paa... pero hindi kami pareho ng taste at ng way mamile.. kung gaano ako katagal mamile ng sapatos eh ganun sya kabilis makabile. hehehe
Hmmm... madami dami pa akong pwedeng ibuking... pero hanggang dito na lang muna kase kapag tinuloy ko pa ang pagbubuking eh baka dito na matapos ang pagkakaibigan namin. HAHAHA.
So... paano DOC RIO! Happy BIrthday na lang uli! =)
P.S. Wag nyo pala syang paiinumin ng alak kung gusto nyo maging masaya ang party nyo! hanggang ice tea lang kami! hehehe =)
Love you!
(image via, Cake Central)
Labels: birthday, friends, lalaine, personal
Links to this post:
30 Comments:
teresa aka Churvah, at March 29, 2009 1:56 PM said:
happy birthday, ate rio!!!! mwah..mwah... hugs..hugs..
labs you! miss you!
, at March 29, 2009 10:39 PM said:
happy bday ate rio! :D
UtakMunggo, at March 30, 2009 5:10 AM said:
happy birthday, dokie!!!! may you have many more teeth to pull!!!!
:)
eli, at March 30, 2009 10:21 AM said:
kakatuwa naman..dimo naman nabilad ng masyado si doc nyan?hehe
iba talaga ang mga kaibigan na nakasama noon gang ngayon.
Rio, at March 30, 2009 10:23 AM said:
ahahaha.LA-LA- I-NEEE!!!! akala ko e kakantahan mo lang ako dito sa blog ko kaya pinayagan kitang magsulat..yun pala....ibubuking mo ako...haha
pero salamat ng madami... bantay ka lang dahil babawi ako..hehe nabuking tuloy ako dito..haha.. pwede naman magpaliwanag di ba?? gagawan ko ng entry lahat ng mga ibinuking mo sa akin dito...{kamot ulo}
maraming maraming salamat bestfriend=D
buti naman at hindi mo ako masyadong nilaglag dito...ahahaha
Rio, at March 30, 2009 10:51 AM said:
teresa salamat tere=D ummmmmmmmwaaaahhhhhh.may laway laway pa yan ha...lols
miss u to=D
X thanks KUYA X..haha=P
utakmunggo thanks ate mungs... waahhh...sana po e hindi mga parang alien sa hirap yung mga binubunot ko..=D
eli hahaha...sa lagay na yan eli e,pahapyaw pa lang ang ini rereveal nya about me..pero subukan nya lang na ibuking ako ng todo dito at makakakita sya ng umuusok na tenga...hahaha..{peace lalaine}
thanks eli=D
karmi, at March 30, 2009 2:13 PM said:
salamat ate Lalaine sa pagbuko mo kay ate rio! hahaha. :D panalong birthday gift ito!!! :D
belated happy beerday ate! :)
my-so-called-Quest, at March 30, 2009 8:24 PM said:
belated happy bday doc! hihihi
the donG, at March 30, 2009 9:00 PM said:
si doc talaga kumuha pa ng assistant para ipost ito. hehehe... thanks lalaine.
belated happy birthday doc! see you soon.
Reena, at March 31, 2009 9:04 PM said:
happy birthday! :) so, aries ka pala. naku ako din. hahaha...hint yun.
sweet naman ng best friend mo. hi lalaine.
eloiski, at April 1, 2009 12:21 PM said:
hala ka ate lalaine. magtago ka na... hakhak! pero bitin ako sa iba pang ga details tungkol kay ate.. more more more! hakhak!
bioniclugaw, at April 1, 2009 3:19 PM said:
'api bertdey doc rio.
Sae, at April 2, 2009 3:18 PM said:
Hi!
Happy bday! im sure V wanted to greet you pero ako muna po babati sayo. :)
hiritan natin ng ice tea c V pag balik nya. Lolx.
XoXo, Sae (Vanny's Guest Author)
Noldie, at April 2, 2009 4:36 PM said:
happy beerday, dok rio!
huli man daw at magaling... napaglalamangan din :-)
Justkyut, at April 3, 2009 10:49 AM said:
di pa huli di pa huli di pa huli!!!!
Belated Happy Birthday Doc!
Pano yan wine ang gift ko sayo. e sabi ni Lalaine hindi ka daw pwedeng uminom hehehe
Hmmm.. ano kaya ang regalo mo sa sarili mo doc? wla lang napaisip lang...
flamindevil, at April 4, 2009 3:43 PM said:
aba ms.lalaine,doc rio..inuman tayo!!yehey.
thanks for sharing some info about doc rio.
kirksydney, at April 4, 2009 4:05 PM said:
Happy birthday, Doc!
By the way..
Penge naman akong fan sign for my blog's 1st anniversary. Here's the link to the entry: http://kirksydney.com/2009/04/apinebersari/
yeye, at April 5, 2009 2:01 PM said:
partners in crime.
ate rio. hahaha. nabati na naman na kta diba ehehehehe. tnx kay karmi :)
ate lalaine. di mo naman binuko si ate...hahaha. hindi pa!
more more more!!
es, at April 9, 2009 12:18 AM said:
hey!thanks for the visit and for leaving your comment. wow!batang dentista ka pala.
happy birthday belated!God speed!
, at April 9, 2009 11:32 AM said:
belated piberdei ha, magkasunod pala kayo ng second son ko
karmi, at April 9, 2009 10:16 PM said:
ate rio!! asan ka na naman?/ :( miss yah!
yeye, at April 10, 2009 9:07 AM said:
lost
parang ako. balik na tayo ate haha
Rio, at April 11, 2009 2:15 PM said:
maraming salamat sa lahat ng bumati...nakakataba ng puso..=D
pasensya na kung hindi ko maisa- isa ang pagsagot sa mga comment nyo...babawi ako nexttime=D
hi sa mga bagong bisita ng aking blog na sina
sae,noldie{sana nag iwan ka ng link mo para mabista din kita} at es.. balik balik lang ha=D salamat sa dalaw=D
at salamat sa mga kaibigan ko dito sa blog na walang sawang pabalik balik kahit bibihira nalang ako mag post....=D
have a blessed holy week=D
karmi, at April 13, 2009 11:50 PM said:
ate!
may tag ako sau! :P KAILANGAN MONG GAWIN! :D hehehe.
love yah!
, at April 16, 2009 11:04 AM said:
doc may birthday ka?...wahaha
cge na nga greet na lang kita HAPPY BIRTHDAY and I LOVE YOU!san ang gift ko?..wahaha
more blessings and happy tooth doc.Ingat sila sa'yo!
miss you, pre!
glesy the great, at April 25, 2009 10:00 AM said:
sorry talaga at di man lang kita nagreet nung birthday mo...
pero grabe parang friends for life pala kayo ni lalaine... sana magtagal pa kayo, ahaha parang syota lang...
doc rio wish you all the best pati na rin the worst para balance.. joke... pero sana marami ka pang mapagandang ngipin.. at someday sana isa rin ako dun... cheers? cheers!!!-glesy the great
JOSHMARIE, at May 6, 2009 6:54 AM said:
DOC KUMUSTA NA? ANTAGAL KO YATA BAGO NAKABALIK DITO. :)
Dansoy, at May 9, 2009 11:51 AM said:
Happy Bday Doc!!! Medyo tumanda na ah. XD
Snow, at May 17, 2009 11:16 AM said:
Happy Birthday Doc! Harinaway maging mas masaya ka pa sa kaarawan mo...^_^
livingstain, at August 11, 2009 4:24 PM said:
huli man at magaling gwapo pa rin...
HAPPY BIRTHDAY DOC...
AHOO AHOO AHOO
Subscribe to Post Comments [Atom]
|