<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=7104466110941077934&amp;blogName=Diary+of+a+dentist&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=BLUE&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Friotooth.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en_US&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Friotooth.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
   

Tag ni Lyzius at Teresa
Thursday, February 26, 2009 | 42 comments

May katagalan na ang tag na ito mula kay lyzius na dyosa ng singapura at si teresa na emotera, kaya bago pa sila magtampo ay gagawin ko na ang tag na alay nila saakin..hehe

simple lang naman ang rules..magsulat ng sampung bagay tungkol sa sarili pero ang isa dun ay wow mali.
bibigyan ko na kayo ng clue...walang wow mali akong sinulat dyan sa kadahilanang wala akong pwedeng ma ibigay na pa premyo sa blogger na makakahula ng mali..=D

ok..game.

salamat kay google sa mga litratong hiniram ko...


1. eldest ako pero ako ang pinakamaliit sa magkakapatid kaya madalas na yung bunso namin na si ikay ang napagkakamalan na ako.

2. kapag kumakain ako ng ice cream na ube flavor, nilalagyan ko ito ng keso.masarap ito..try nyo..


3. hindi naman palagi pero type kong isawsaw sa bagoong o kaya sa toyo ang saging bago kainin...trinay ng mga kapatid ko pero ayaw nila ng lasa..

4. nangongolekta ako dati ng stationery at lapis. Yung stationery ay ipinasa ko na sa kapatid kong bunso pero may ilan ilan pa din akong natatago. Yung mga lapis naman ay inipon ko sa isang latang malaki at ginawang dekorasyon sa aming sala pero napapansin ko na habang tumatagal ay pakonti ito ng pakonti kaya naman pinamigay ko na din ito sa mga batang dumadalaw sa bahay na panay himas at tingin sa mga lapis ko..






5. gustong gusto ko ang sunset...iba ang dating sa akin kapag nakakakita ako ng papalubog na araw lalo na kung nasa dagat.hindi ko ma explain kung ano ang pakiramdam.... parang masaya na malungkot na nakakainlab.





6.takot ako sa mga taong grasa. natatakot kasi ako na baka bigla nalang akong saktan.
kaya kapag nakakakita ako ng taong grasa, umiiwas talaga ako.

7.crush ko sina...



Chef Govind Armstrong



Chef Tristan Encarnacion.


Brian Mcknight


Bugoy Drilon










8. Hindi ako magaling kumanta pero hindi ako umaatras sa videokihan...huwag na huwag nyo akong pahahawakin ng mike kung ayaw nyong mabasag ang eardrums ninyo..At kahit itago nyo ang song book, memorize ko na ang code ng mga pang birit kong kanta.
sample??
16824- almost over you by sheena easton
20143- i will survive by gloria gaynor
54784- bakit pa? jessa zaragoza
84457- all by myself by celine dion

mahaba haba pa yang listahan na yan na naka save na sa phone ko...=D

9. Bata palang ako ay ugali ko ng isuot ang tsinelas ng nanay at tatay ko.hindi ko rin maipaliwanag dahil meron naman akong sariling tsinelas pero kapag nakikita ko ang tsinelas ng nanay o ni tatay, mas pinipili ko na ito ang isuot..malaki masyado ang tsinelas ni tatay para sa akin at maliit naman para sa akin ang tsinelas ni nanay pero komportable akong isuot..



<




10. at baka naman magtampo kayo at maghanap....magsasabi na ako ng maaga na ito na ang huling pagsusulat ko...=D




para sa buwan na ito...=P


Links to this post:

42 Comments:

Blogger PaJAY, at February 26, 2009 4:44 PM said:
number 10 ang di totoo...nyahahaha..


nice one doc..

thanks sa bisita...

add kita sa list ko..x-link ..thanks..

u have a nice day Doc..

Anonymous stormy, at February 26, 2009 6:39 PM said:
ay naku!

totoo po yung no. 2^^

masarp nga po yun..ahihih *apir!

Anonymous bertN, at February 26, 2009 8:37 PM said:
Ano ba ang "taong grasa?"

Blogger p0kw4ng, at February 26, 2009 9:33 PM said:
ewan ko pero pag nakakakita ako ng taong grasa parang gusto kong kausapin..tsismosa kasi ako kaya gusto kong malaman kung ano..sino at bakit ang nasa likod ng mga grasa..hihihi

OpenID mangbadoy, at February 27, 2009 11:13 AM said:
natry ko rin ang ube with cheese sarap pero di nako nakain ice cream...saging at bagoong parang di match.. crush mo si bugoy? lol

Anonymous eli, at February 27, 2009 2:49 PM said:
ata at mukhang masarap nga yong formula mo ng icecream.

Anonymous Lalaine, at February 27, 2009 4:32 PM said:
sa wakas... bago matapos ang buwan na to eh may bago ka entry... :D buti na lang madami bumibisita sayo para maglinis ng agiw ng bahay mo... hehehehe

yngat!

=)

Blogger UtakMunggo, at February 27, 2009 6:30 PM said:
ang dami mong kras. haha

at hayup alam na alam ang numero sa magic sing. di ka pa mahilig kumanta sa lagay na yan ha. hihi

Anonymous Mahalia, at February 28, 2009 12:25 AM said:
huling pagsusulat? sa blog? Bakit? Wah!

Blogger Reena, at February 28, 2009 10:11 PM said:
#3..what?!! banana and bagoong? haha. i can't imagine the taste. :)

#4..naku, ako naman maingat sa mga lapis ko. i keep my pencils away from everybody. mahal kasi eh. :) so lahat ng pencils ko since college, i still have them.

Blogger my-so-called-Quest, at February 28, 2009 11:07 PM said:
sabihin ko sana number 7... dahil wala ako. pero nakita ko si bugoy kaya binabawi ko na. hehhehehe


number 10. kasi hindi mo kami matitiis. lagi ka na nga wala, si tere wala na rin. ang planet puto inamag na. hahaha

Blogger Rio, at March 1, 2009 11:47 AM said:
PAJAY

UI...welcome sa aking blog-=D

haha..di mo binasa yung kaputol noh?? totoo yung 10..

sure...x-link..pero di ko pa muna maayos ngayon ha...medyo may tinatapos pa kasi ako e..

STORMY
sarap di ba ng ube ice cream na may keso??
apir stormy..

BERTN
kuya bertn,hmmm...paano ko po ba i dedescribe?? silapo yung mga pulubi na nakaitim tapos parang naliligo sa putik at grasa...basta po natatakot po ako sa kanila e..hindi naman po ako takot sa mga pulubi pero yung mga pulubingtaong grasa po...dun po ako natatakot..meron po kasing taong grasa akong nakita dati na nanghablot ng buhok ng isang babae at pilit inagaw yung pagkain.

POKWANG
ai..hihi...ganito nalang po..sama nalang po ako sa inyo pag kinausap nyo sila pero sa likod nyo lang po ako magtatago habang kinakausap nyo sila..tsismosa din po kasi ako e..hehe
salamat pokwang sa pagbisita..balik balik po ha..=D

mangbadoy
sarap ng ube with cheese,di ba?
hahaha....di nga talaga match yung dalawang yun pero nasasarapan talaga ako e...
yup...crush ko si bugoy..galing kumanta e..=D

ELI
hehehe..masarap po talaga yun...try nyo din po=D

LALAINE
hahaha...sori naman.alam mo naman kung bakit db??
mwaahhh..
psssttt....akin nalang yung binigay sau ng globe...lols

UTAKMUNGGO
haha...ilan lang yan ate mungs sa mga krasness ko...from A-Z ang names ng crush ko e.parang centrum lang...

hahaha....HINDI..HINDI..HINDI po talaga ako mahilig kumanta ..*kidlat*kulog

MAHALIA
AHAHA..ate mahalia...hindi nyo po siguro nabasa yung karugtong???


REENA
HAHA...hindi ko alam reena pero trip na trip ko talaga ang lasa ng saging na may bagoong..=D
weird noh??hehe

hindi naman mahal yung mga lapis na kinokolekta ko..natutuwa lang ako sa mga kulay at desenyo nito..hehe
naku..dapat mo nga talagang itago yang mga lapis mo lalo na kung yan yung mga ginagamit ng mga engineering at archi students..mahal nga talaga yan..

DOK CED
hahaha....crush ko talaga dok si bugoy...pramis..

dok,kulang yung nabasa mo...basa ka ulit dali....
wala na kasi si boy puto e..na mimiss ko na nga sya e=C

OpenID flamindevil, at March 1, 2009 7:58 PM said:
crush mo si bugoy?talaga?

what do you mean doc when you said na ito na ang huling pagsusulat mo?

OpenID flamindevil, at March 1, 2009 8:00 PM said:
hindi ko nabasa yung last line..hahaha

OpenID kwentongkengkay.com, at March 1, 2009 9:25 PM said:
1 and 2 and tsinelas na malaki, pareho tayo, hehehe

Anonymous Lalaine, at March 2, 2009 12:52 AM said:
wag ganun... bigay sakin yun eh... hahaha (ang damot ko noh?)... dapat sana sumama ka eh... sarap pa ng food... pang hotel... hahahahaha... parang yung sa dusit noon... sila ngseserve ng food...

nde ko pala nabati yung sunset pic mo... ang GANDA! ng sunset :P... hehehe

anu ba yan... hindi tayo nakakapang abot... baka next week eh bantay na naman ako sa hospital... how i wish may laptop na ako... iniisip ko na nga bitbitin pc ko sa hospital eh... hahahaha

yngat... mishu...

ps... kelan pala tayo magkikita? papaayos ko na bakal ko :D.

labyu

Blogger Justkyut, at March 2, 2009 10:17 AM said:
Doc pareho tayo dun sa 1, 2, 4 at 8 hehehe!

Wag ka po matakot sa mga taong grasa. Nalulungkot ako pag nakakakita ako ng ganon lalo na ung talagang napabayaan na tapos matanda pa. Hay naku.

Blogger Rio, at March 2, 2009 11:57 AM said:
flamindevil

yup...i love bugoy..{blushing}.=D
hahaha....binalikan mo ba ung entry??

kengkay
1.small but terrible naman tayong maliliit ate kengs e.kaya carry na natin..hehe

2.masarap po d ba ang ube na may keso?? hehe

9.may eksplanasyon po kaya yun kungbakit mahilig tayong magsuot ng tsinelas ng magulang natin??=D

lalaine
waahhhh..wag ka ng mang inngit...
hindi talaga kasi ako pwedeng umalis dito sa clinic dahil mapapalo na ako ng nanay ko sa pwet kapag nag absent pa ako..yaan mo...magpapakitang gilas muna ako sa nanay ko para payagan akong umabsent..haha
bakit ba naman kasi lunch e..paki sabi sa kanila na dinner lang ako pwede...haha{ demanding daw ba?}

may nagpapaganda kasi ng sunset=D

saan ka ba kasi naglalagi??hehe

naospital?? sino na naman na ospital??

lols...tatawag nalang ako sau mamaya...parang sulat na itongginagawa ko e..

miss u to..
ayusin na natin yangbakal mo at baka after 2 years pa natin yan magawa kapag di mo pa pinagawa..lols

miss u to

justkyut

1. d bale, cute naman tayong dalawa kahit maliit tau..hehe

2.ayan...madami dami na tayong may gusto ng ube ice cream na may keso..

4. nasa iyo pa din ba yung mga pencils mo???

8. hahahaha..ayan may alam na akong pwedeng maaya sa videokihan..

nalulungkot din naman ako kapag nakakakita ako ng taong grasa kaso takot lang talaga ako kapag malapit na sila sa akin..feeling ko kasi e mananakit sila..

Anonymous yeye, at March 2, 2009 12:48 PM said:
totoo ang number 10 dahil...march 2 na ngayon. hahahaha. post na ulit ate!


ang weird naman nung saging na sinasawsaw sa toyo? teka anung saging ba? lakatan? latundan? oh saba? hehehe.

masarap ang ube with cheese. sa jollibee ice craze, yana ng masarap na flav0r :)

hanep ate. adek ka sa videoke. hahaha. memorize mga codes. hayuff..hahaha

Blogger the donG, at March 2, 2009 2:16 PM said:
"16824- almost over you by sheena easton
20143- i will survive by gloria gaynor
54784- bakit pa? jessa zaragoza
84457- all by myself by celine dion" >>> talagang nakanote lagi ang mga kantang ito. hehehe...

tingin ko ito ang hindi totoo. hahaha...

Anonymous yeye, at March 4, 2009 12:19 PM said:
ate pag wala ka na ulet maipost....gawin mo po tag ko ah hihihi..

advanced happy birthday :)

Blogger Rio, at March 4, 2009 12:37 PM said:
YEYE
haha..lahat ng klase ng saging e isinasawsaw ko sa bagoong..

masarap nga sana yung ube craze ng jabee kung hindi puro yelo..hehe

bwahaha...hindi naman halata na adik ako db??

sige sige..gawin ko yang tag kapag sinipag na naman ako..hehehe

shhh..wag kang maingay...sinisikreto ko bday ko..hehe

DONG
hahahaha...yan ang mga kanta ng babaeng sawi..lols
lahat yan dong totoo..

JOSHMARIE
webee josh...tagal ng pamamahinga mo..buti naman at nagbalik kana..dalaw ako sa blog mo=D

Anonymous bioniclugaw, at March 4, 2009 3:07 PM said:
ay nagcomment sa blog ko kanina, click naman ako, dito ako dinala ng click ko.

bakit naman po kayo takot sa taong grasa? cute yung tsinelas, havayanas ba yan? hehe

Blogger Alison Perez, at March 5, 2009 3:10 AM said:
This post has been removed by the author.

Blogger Alison Perez, at March 5, 2009 3:44 AM said:
hehe, natawa ako sa tsinelas ni tatay at nanay. dra rio, baka gusto mo magbigay ng payong dental online. punta ka na lang sa site na ito.

pinoymoneytalk.com

rich info din ito tungkol sa money matters. :D

Anonymous karmi, at March 6, 2009 1:53 AM said:
hahaha. talagang kabisado ang numbers sa karaoke. :P

ang hirap namang mamili ng kung ano ang hindi totoo.. tsk.

ung number 10 na lang cguro!! :D

ate, alam ko na kung kelan bday mo! hahaha. :P

Blogger Rio, at March 6, 2009 11:52 AM said:
BIONICLUGAW
hehe...nakibasa ako ng blog mo e.

natatakot po ako na baka manakit sila.
spartan lang po yan..hehe

ALISON
ahaha..alison..natagpuan mo blog ko>?? nahiya naman ako bigla..hehe
sure..ano ba gagawin ko?

karmi
hahaha..wala naman kasing mali dyan.

shhh....wag u maingay...secret ko lang yun..hehe

Anonymous angel, at March 6, 2009 10:11 PM said:
waa ice cream.. syete paborito ko yun..

susmiyo kahit ako sobrang takot sa mga taong grasa pati sa mga baliw.. grabe.. yung mga batang klansangan naman iniiwasan ko kase tinutukso nila ko ng higante :lol:

palagay ko yung saging ang hindi totoo.. lolsss

Anonymous glesy the great, at March 8, 2009 12:37 AM said:
napapakamot na lang ako pag nababasa ko tong tag na to.. although nakakaaliw siya... pero sobrang nauso ata to.. anyway, sa nth time eh ayaw kong hulaan kung ano ang tama.. kunwari lahat na lang sila totoo...

masarap talaga yung keso sa ube... ingat sa alat, kawawa ang kidney...
ako din dati collector ng statio pero may nagnenok...
di ko alam pero parang gusto kong matulog pag nakakakita ako ng sunset..
ako rin kasi yung kaibigan ko binato ng taong grasa...
astig si chef armstrong... pero lagi siyang talo sa iron chef...
pansin ko puro chef ang crush wlang duda pg ka...

at sinong nagsabi na pinapayagan na kitang mag alsa balutan? bumalik ka kaya.. cheers;p-glesy the great

OpenID utoysaves, at March 8, 2009 6:16 PM said:
saging at bagoong, nasubukan ko na yan sa Davao. medyo hilaw yung saging na saba, tapos partner ng bagoong. yammee!

natawa ako ng husto dun sa videoke ah. may line up na agad ng songs at nakasave pa sa cellphone. hehe... dapat magkaroon ng biyoke challenge ang mga bloggers. sali tayo dun, doc!

napaangat ang pwet ko sa pagkakaupo nung mabasa kong last post mo na ito. pinakaba mo kami ha.ΓΌ GOd bless!

Blogger Rio, at March 10, 2009 3:13 PM said:
angel
sarap ng ice cream lalo na ngayong tag init..hehe
matangkad ka siguro kaya tinutukso kang higante...yaan mo nalang sila.kamo pang Bb. Pilinas ang tangkad mo..hehe

totoo din yun..wala talagang mali dyan..hehe

glesy the great

hindi ko na nga pinahihirapan mga readers ko e..{readers talaga e noh?..hehe} lahat yan ay tama..

hehe..paminsan minsan lang naman ung saging with bagoong e..pag napagtripan ko lang..nasasarapan talaga ako e.
nagnenenok din ako dati ng statio ng kapitbahay namin...ahehe.
iba talaga ang dating ng sunset..parang kalmado ang lahat..
takot talaga ako sa taong grasa at wala akong balak na magpabato sa kanila..waaahhhh...baka mabato ko din sila..lols
ahaha...ok lang kahit lagingtalo yun...papabol naman e..hehe

ahahaha..hindi mo pa ba ako pinapayagan?? saan ba kasi ako pwedeng kumuha ng permit?? haha
salamat glesy=D

kuya utoy

ang sarap kuya, di ba? yumminess..

sympre naman...mahirap na at baka walang song book e..dati kasi akong girls scout kaya maagap..haha
sure kuya..sali tau..malamang nyan..una tayo sa magpapalista..
umpisahan mo na kuya na mag save ng song codes ha..hehe

hehe..kayo pa iiwanan ko...pwede ba naman yun?? e d nalungkot ako..hehe
God bless din kuya utoy..=D

Blogger Theonoski, at March 11, 2009 4:29 PM said:
Bugoy Drilon => talagang kras mo parin sha ha doc!

Blogger Rio, at March 12, 2009 9:35 AM said:
THEO
hehe..uu theo...kras ko pa din si bugoy..=D

Anonymous justkyut, at March 13, 2009 6:05 AM said:
Ayun sa aking working table sa room ko, ang natira na lang na lapis ay ung kero-keropi ko hehehe. Wala na ung iba hiningi ng mga pamangkin ko hehehe...

Onga doc cute tayo kahit maliit. Tara videoke tayo sa mall sa Quantum! hati tayo sa tokens ha. hehehehe.. isama natin si lalaine para may makikinig sa atin hehehe

Anonymous beero, at March 13, 2009 9:35 PM said:
# 10 ang di totoo. hahaha.

teka lang. kumakanta ka marekoy? alam ko di ka mahilig kumanta eh. pero dahil nilista mo pa ang mga numero ng mga kantang nasa hanay ng repertoire mo, maniniwala na ko. kantahan na! the singing bee! lols.

tsk. hanggang dito ba naman umabot pa rin si bugoy. lols.

Blogger pogingpayatot, at March 14, 2009 1:07 AM said:
masarap nga keso at ube. pero saging at bagoong? kakaiba ang trip mo!

Blogger emoterang nurse, at March 14, 2009 2:40 AM said:
hahaha...doc mustah??
natawa ko dun sa videoke part... bongga kabisado mo mga numbers s mga kantang yun...

namiss ko itong bahay mo pati ikaw...:)

Anonymous glesy the great, at March 15, 2009 3:39 PM said:
walang permit!!! lifetime bond na yan.. ahehe..

oo nga eh... parang ang rugged kasi ng itsura nya para magluto.. ahehe..

at bakit walang bago?

cheers;p-glesy the great

Anonymous eli, at March 17, 2009 2:42 PM said:
ABA AT busy yta si doc.

Blogger Rio, at March 19, 2009 10:06 AM said:
JUSTKYUT
hahaha...sige sige..isama natin si lalaine..aktwali,isa yan sa nagtyatyaga sa boses ko e..hehe

Beero
haha...hindi mo din nabasa yung huling sentence noh??

sige..kantahan na..ayan..4 na tayon nila justkyut at bro utoy ang sasali sa singing bee...lols

uu naman...kras ko talaga sya..

poging payatot
hehe..try mo din ito..masarap yan..salamat sapagbisita..balik lang ha.

emoterang nurse
ui..nagbalik si shamy=D
na miss din kita..

sali ka din ba sa singing bee?? hehe

Glesy the great
haha..lifetime?? o sya sige..hindi naman ako aalis e..=D

busy lang sa pagbubunot ng mga alien na ipin kaya walang bago...hehe=D

salamat sa palaging pagdaan glisi=D..hehe

eli
hehe..medyo po pero magbabalik na ulit ako=D
salamat sa muling pagbisita

Blogger emoterang nurse, at March 20, 2009 2:07 AM said:
pasensya na doc...
wla p ko update sa bahay ko...
medyo wla kasi time at wala na sa mood magsulat...hahaha
binibisita ko pa din naman kyo eh

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]



 




Recent Entries
- V day is busy day
- R U HAPPY?
- HOROSCOPE NG MGA DOGGY
- Anti Cancer...
- LIBRARY
- Sulat Para Kay Bunso
- Busy si Doc Rio...
- MERRY CHRISTMAS
- unedited quick post
- sorry

Archives
- January 2008
- February 2008
- March 2008
- April 2008
- May 2008
- June 2008
- July 2008
- August 2008
- September 2008
- October 2008
- November 2008
- December 2008
- January 2009
- February 2009
- March 2009
- April 2009
- May 2009
- June 2009
- September 2009
- October 2009
- November 2009
- December 2009

Recent Comments
Blogger PaJAY / Read
Anonymous stormy / Read
Anonymous bertN / Read
Blogger p0kw4ng / Read
OpenID mangbadoy / Read
Anonymous eli / Read
Anonymous Lalaine / Read
Blogger UtakMunggo / Read
Anonymous Mahalia / Read
Blogger Reena / Read
Blogger my-so-called-Quest / Read
Blogger Rio / Read
OpenID flamindevil / Read
OpenID flamindevil / Read
OpenID kwentongkengkay.com / Read
Anonymous Lalaine / Read
Blogger Justkyut / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous yeye / Read
Blogger the donG / Read
Anonymous yeye / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous bioniclugaw / Read
Blogger Alison Perez / Read
Blogger Alison Perez / Read
Anonymous karmi / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous angel / Read
Anonymous glesy the great / Read
OpenID utoysaves / Read
Blogger Rio / Read
Blogger Theonoski / Read
Blogger Rio / Read
Anonymous justkyut / Read
Anonymous beero / Read
Blogger pogingpayatot / Read
Blogger emoterang nurse / Read
Anonymous glesy the great / Read
Anonymous eli / Read
Blogger Rio / Read
Blogger emoterang nurse / Read

My Favorite Links
- Mocha
- Lalaine
- Jepoy
- Glen
- Mark
- Rocky
- Pepper
- Patchok
- GameOPS
- myDestiny Chronicles
- Pinoy Raket
- Pinoy Hero
- Pinoy Showbuzz

Link Exchange

   
 
 

  Copyright © 2008 Dra. MRPPR
  No part of this website may be reproduced without any written consent from the owner. All Rights Reserved
  Template by Jepoy