Ang Sampung Kalokohan ni Rio
Wednesday, November 26, 2008 | 33 comments
Gustong malaman ni justkyut ang sampung bagay tungkol sa akin. nagawa ko na dati ang tag na ito pero dahil medyo matagal na din yun at maraming bagay na din ang nangyari sa aking buhay..buong puso kong sasagutan ang tag na ito...hehe..
1. hindi ako marunong magluto pero malakas akong kumain kaya siguro natutuwa yung mga nagluluto para sa akin dahil na appreciate ko ang luto nila...lahat ng pagkain sa akin ay masarap...
2. Hanggat maari ay ayaw ko magsuot ng matataas na takong..madaling mangawit ang naglalakihan kong binti na pwedeng gawing palo palo ni lola sa panlalaba.
3. hindi ako nagyoyosi dahil hindi ako sosyal..hehe..pang sosyal lang daw yung pagyoyosi e..e, isang hamak na timawa lamang ako na anak ng aliping sagigilid at aliping namamahay.
4. ayaw ko ng math subject...obvious ba na ang kinuha kong kurso ay dentistry pero akala ko lang ay wala... wala...wala..pero meron meron meron..pala...
5. at dahil meron palang math sa pre-dent{pahirap sa buhay}.bumagsak ako sa algebra ko..huhuhu.yup, nakakuha ako ng singko na syang iniyakan ko dahil kailangan kong i summer class. hindi tuloy ako nakakasama sa outing ng pamilya..isipin nyo na lang na sila ay nag liliwaliw sa malayong lugar, lumalanghap ng sariwang hangin at nagpapapicture kung saan saan samantalang ako ay nag iisa sa buhay, nalulungkot, di makatulog{sa gabi sa kaiisip sa diwa ko ikaw ay laging panaginip o bakit ba ikaw ang laging laman ng isip ko....GO TOOTSIE..}at naglalamay sa pagsagot ng mga equation..
6. at dahil sa galit ko sa algebra na yan...binuhos ko lahat ng aking powers.oo, pati ata kili kili powers e ginamit ko na dyan sa lechugas na algebra na yan para lang matutunan ko kung papaano si x ay equal to y.pero, dapatwat, subalit nasobrahan ata sa aking kili kili powers dahil sa kauna unahang pagkakataon ay na i-uno ko ito...yehey...tres lang ang hangad kong grado pero hello??? uno yun..yehey na yehey talaga.. { i would like to thank tawas for making it possible}.wink*
7. nag aral din akong mag guitara pero tanging line to heaven lang ng introvoys ang natutunan kong tugtugin ng buo {ata}..sa lahat ng introvoy's fans .clap your hands in the air and let's all sing.."if i ever had a line to heaven i swear i call you there,, if i ever had a line to heaven i swear i'll be there tonight"..hehe
8. Ginawin akong tao kaya hindi ako sanay matulog ng walang kumot, kahit summer ay nakakumot ako kaya naman pag gising ko sa umaga ay tagaktak na ang pawis ko...
9. nakakahiya mang aminin pero 9 inches ang laki ng paa ko....ehem...baka may gustong magregalo sa akin dyan ng sapatos ngayong darating na pasko...inuulit ko po..size 9 po ang paa ko..salamat salamat sa mga nag iisip ng magbigay ...
10....nahihirapan na akong mag isip ah...ahhh...hanggang dito nalang pala ang utak ko..nag shu shut down din ito kapag marami ng nailalabas e..hehe..tsaka na yung pang ten ha..pwede din na kau na maglagay ng pang-ten..hehe..
CLICK HERE TO READ MORE
Unusual Pic
Thursday, November 20, 2008 | 31 comments

ibinahagi sa akin ng isa kong kaibigan ang picture na ito.sabi nya, napakaganda at unusual daw ng picture na ito.nung una ko itong makita, parang isang ordinaryong larawan lamang ito na may naka guhit na bundok,ilog at ulap. pero nung tinitigan ko ito ng maigi habang naka bend ang aking ulo sa kaliwa,nakita ko ang lihim ng litratong ito.gusto nyo din bang makita??...sige, bend your head to the left...kita nyo na?? ang ganda nyo??
according sa email," this picture shows a rock on the sea in Birmania,it is only possible to see this once a year with a special angle of the sun and special light condition."- galing noh? isang beses lang pala sa isang taon pwede makita ito. Pero ayon sa aking pananaliksik, madaming tao pa din ang hindi naniniwala sa batong ito.madaming nagsasabi na isa lamang daw itong drawing.di ko din alam kung totoo ito o hindi dahil hindi pa naman din ako nakakapunta ng birmania.
Dahil sa picture na ito, naalala ko yung mga panahong tinuturuan ako ng nanay na magdasal. OO na, wala sa itsura ko ang paladasal pero nagdadasal talaga ako..di nga lang talaga halata..
naalala ko na bago kami matulog dati ay nagdadasal kaming 3..ako, ang kapatid ko at si nanay..ipinagdadasal namin ang kaligtasan ng tatay ko na nagtratrabaho sa malayong lugar.minsan nga,sumisingit ako ng dasal na sana ay matalo ko yung kalaro ko na ubod ng galing sa larong piko at sana makatakas ako sa hapon sa aking masungit na taga pag alaga para makapag laro ako sa labas ng bahay namin ng langi't lupa impyerno na laro.
CLICK HERE TO READ MORE
SILK
Wednesday, November 19, 2008 | 11 comments
sabihin ang word na silk ng ten times....wag ng tamarin...go na.. pagtapos bangitin ang salitang silk ng sampung beses ,sagutin ang TANONG sa baba..
game??
ulit ha..
say silk ten times..
silk
silk
silk
silk
silk
silk
silk
silk
silk
silk...
ANO INIINOM NG COW? *sagot*
milk???nope
e di water...
nyay...alam ko korni..
nalala ko lang yang joke na yan na bumenta talaga sa akin ng husto..babaw ng kaligayahan ko noh??=}
have a nice day..=}
CLICK HERE TO READ MORE
cris b. and rhianna
Saturday, November 15, 2008 | 29 comments
Bukas ng ang concert ni papa chris brown at rhianna pero wala pa din akong ticket..papaano naman ako magkakaroon e hindi naman ako bumibile? paano naman ako bibili, e wala naman akong sampung libo o kahit man lang limang libong piso para pambili ng ginintuang tiket nila ...
hay...kung mayaman lang sana ako ..yung tipong pinanggagatong ko lang ang pera, yung tipong nagboboluntaryo na ako na holdapin dahil sa daming pera na meron ako..{holdapin lang ha..ayaw kong makidnap} o kaya ang tingin ko kina bill gates at oprah winfrey ay mga taong mahihirap..yun, maaari pa na bumili ako ng tiket,pero sa isang ordinaryong tao na tulad ko,ang limang libo ay limang libo na mahirap kitain at hindi basta basta pinakakawalan..
haaaayyyy cris brown..di bale, malakas ang pakiramdam ko na isang araw, ikaw na mismo ang lalapit sa akin para kumanta ng with you..with you..with you...yeah yeah.. at malakas din ang pakiramdam ko na balang araw ay makaka duet ko si rhianna sa pagkanta ng ..ella..ella..under my umbrella..ehh...eehh..
CLICK HERE TO READ MORE
Trash can
Thursday, November 13, 2008 | 27 comments
What is a trash can?
-to a kid, its just a container for his ugly toys
- to a student, it's where she keeps her bad test papers.
-to a teenager, it's basketcase for the letters of an ex-lover.
- to a writer, it's wherepiles ofrejected drafts are thrown.
BUT.....
-to a street children..... it's where they depend on to live...
See how blessed we are??? gud morning =} kape po tayo..=}
CLICK HERE TO READ MORE
inbox
Wednesday, November 12, 2008 | 7 comments
Things you don't want to hear during your own surgery..
- san na yung gunting na bago? bakit may kalawang ito?
-10ml? may naka survive na ba dyan? sabi ko, 5ml lang.
-dok,ubos na po pala yung anesthesia
-kanina pa bukas yung tiyan.Asan na yung pantahi?
-huh? hindi ba sya yung ooperhan sa bato? natanggal na kasi.
- SUNOG..SUNOG...LABAS kaung LAHAT...
******************************************************************************
KONDUKTOR: San kau lolo?
LOLO: sa tarlac lang ako.magkano babayaran ko?
KONDUKTOR:basahin nyo sa tiket lolo..
LOLO:paano ko babasahin e pinagbubutas mong animal ka..
******************************************************************************
A guy went to a CR and sits on the throne wen he heard someone aome in the next cubicle. The guy in the next cubicle started talking..
"pare kamusta ka na?"
he hesitantly answered, "ah ok lang"
he asked again,ano ginagawa mo dyan?
"eto ume-ebs."
again the guy speaks, "pare twagan kita ulit mamaya may nakikisagot dito sa tabi ko...
** ilan lang yan sa laman ng inbox ko sa celpone..=}
CLICK HERE TO READ MORE
He Propose A Marriage
Friday, November 7, 2008 | 28 comments
A sweet line that says...."i want to spend the rest of my life with you"..
A surprise lovely dinner with her favorite love song as their background..
A diamond engagement ring..
A sweet smile and a word ..."PLEASE"....
Reasons that made me say..."YES TO HIM"
PUMAYAG AKO SA PAKIUSAP NG KAIBIGAN KO NA MAGING RELIEVER..
YUP, umo-o ako sa kaibigan ko na maging reliever nya pansamantala sa pinag dudutihan nyang company sa Makati. medyo madami daw kasing employees ang mag uundergo ng Annual Physical Exam, at hindi daw sya papayagan ng kanyang boss na mag leave kung wala daw syang kapalit pansamantala. At dahil valid naman ang reason na binigay nya sa akin..pumayag na akong maging reliever nya for three days. Magpropropse daw kasi sya ng kasal sa kanyang labidabs..
ayaw ko man na magrelieve dahil sobrang layo ng makati para sa kinaroronan kong ika pitong bundok, e pumayag na din ako, basta sabi ko sa kanya na galingan nya ang pagpropopose..sayang naman ang pagpraparaktis nya ng makapagbagbag damdamin nyang linya na.., "i want to spend the rest of my life with you.."will you marry me?"..sayang din ang pagpapaburn nya ng CD ng kanilang theme song , sayang ang pinag ipunan nyang pambili ng engagement ring at sayang ang pagsunod nya sa kanyang labidabs sa hongkong kung hindi din nya ito mapapa-oo.
Hayy....kung hindi lang tlaga sa ngalan ng pagmamahal...hinding hindi ako papayag na mag duty..
dahilan...
una, sobranggggg layoooooo ng makati..kailangan kong gumising ng 4:30 am para lang hindi ma-late. 8am kasi ang pasok..hindi ko pa naman kabisado ang traffic sa ayala at dahil sympre,kakahiya naman sa boss ng friend ko kung mala-late ako..
pangalawa, walang ta-tao dito sa sarili kong clinic,buti at mabait ang nanay at nag leave pa sa opis para lang mabantayan ang clinic ko ng isang araw..yung dalawang araw ay sarado tlga ito.
pangatlo, dahil my night duty sya na kailangan ko ding pasukan which is 9pm - 1 am.wala naman daw pasyenteng magpapabunot ng ganung oras pero may may mga call center agents daw na minsang nagpapa cleaning at nagpapa check-up.
pang apat at ang pinakamatindi sa lahat ng rason at kung bakit muntikan na din akong humindi sa kanya ..... HINDI AKO MAKAKAPAG BLOG....sobrang na miss ko talaga ang pagbloblog..mukhang madami dami akong i baback read ah..
may pang lima pa pala, nasa RCBC building ako..nasa LKG building lang si CPA...lols
Naging masaya at maayos naman ang pag duduty ko sa makati ngtatlong araw.kakatuwa pa nga dahil dun din pala nagtratrabaho yung elementary klasmate ko as med tech.nalibre pa tuloy ang CBC ko..hehe..thanks kat..buti nalang pala at nagpa CBC ako at nalaman ko na mababa na naman ang Hemoglobin at hematocrit count ko..kaya pala medyo maputi maputla na naman ako..
thanks kay dok rose na akala ko nung una ay masungit dahil hindi ngumingiti...sobrang bait nyo po dok sa akin..thanks dok sa pag iinvite sa akin to attend a mass. yup, merong misa everyday sa building ng RCBC..12nn-1pm.
dok nona at dok gilbert: salamat sa nakakatuwang kwento ng inyong lablife..hehe..kahit first time nyo palang ako na meet e pinagkatiwalaan nyo na ako sa mga kwento ng lablyf nyo..
mang edgar: salamat po sa dyaryo at sa kwento ng inyong buhay na binahagi sa akin para lang hindi ako makatulog during my night shift.
allan, nikki, shay, abby at sa iba pang nurse..salamat sa pag a-assist sa akin..
at kay dok merriam at dok Tiangco, salamat sa libreng check up sa mata..kung hindi dahil sa inyo,hindi ko malalaman na hindi na pala ako 20/20.
at sa iyo...marvs, gudluck...sana pagbalik mo dito galing hongkong ay nasungkit mo na ang matamis nyang OO...wag mo nga palang kalimutan yung hinihingi kong pasalubong na keychain ha...
** Maraming maraming salamat kay teresa na nagtake over ng blog ko habang ako ay wala...alam mo bang kabado ako dahil natatakot ako sa pwede nyong gawin ni beero..hahaha..buti at behave naman kaung dalawa.. hehe..maraming salamat ulit.. natuwa naman ako sa ginawa mo..pa kiss nga..mwah..hehe
CLICK HERE TO READ MORE
ABSENT
Monday, November 3, 2008 | 25 comments
A-Absent muna ako sa blog ng ilang araw kaya hindi ko muna kayo madadalaw.
ang dahilan ng aking pag aabsent?????
. . . . . .
LOVE....=>
CLICK HERE TO READ MORE
MUMU AKO?
Saturday, November 1, 2008 | 26 comments
Ano ang pakiramdam kung mababalitaan mo na ang isang kakilala mo ay namatay? kakalungkot,di ba?
Ano naman ang pakiramdam kung ang paborito mong artista ang namatay? kalungkot pa din, db? Tanda ko pa nung namatay si FPJ..iniyakan talaga sya ng paborito kong tita.die hard fanatic ang tita ko kay FPJ e.
E, ano naman kayang pakiramdam kung mababalitaan mo na ikaw mismo ang namatay?? oo, kung IKAW mismo ang mababalitaan mong namatay. ano ang pakiramdam? hindi nyo pa alam..ako,alam ko na.
bakit? eto ang kwento..
Last two years ago, galing ako sa isang palaro,volleyball. Sobrang nakakapagod ang nangyari sa larong yun, sobrang galing talaga ng kalaban namin.Finals na kasi ng laro at kailangan tlaga ng full concentration at kailangang ibuhos lahat ng lakas para manalo ang team. Best of five ang laro,pero dahil sa sobrang higpit ng laban umabot sa fifth set ang laro,bandang 9:30pm natapos ang laro.Hindi kami nanalo sa larong yun pero masaya naman kami dahil fair ang naging laban.
Pag uwi ko ng bahay,kumain ako,naligo at nanood ng TV sa sala.hindi ko na namalayang nakatulugan ko ang TV at sa sofa na din ako nakatulog.
Bandang alas tres ng umaga, may nag doorbell sa bahay ng paulit ulit, walang tigil at sunod sunod ang pagdodorbell na ginagawa,parang may hinahabol,parang sobrang importante.. hindi ko magawang tumayo dahil hindi talaga kaya ng katawan ko at antok na antok tlga ako, dulot marahil ng pagod na nakuha ko sa laro.
Narinig ko nalang na nagbukas ng pinto ng kwarto ang nanay at nagbukas ng ilaw. Hindi ko pa din nakuhang tumayo at tignan kung sino ang tao sa labas ng bahay namin.
Nadinig kong binuksan ng nanay ko ang pintuan ng sala at paglabas nya...isang babaeng umiiyak at nagsisigaw ang narinig ko...
sabi ng babae..ate, si Rio, patay na...ate, si rio, patay na..tapos iiyak yung babae..tapos magsasalita ulit sya...ate, si rio, patay na...paulit ulit ito..iyak lang ang pagitan..
narinig ko din na nagsalita ang nanay ko ng...ha..ano nangyari?? asan sya??
sa narinig kong yun,doon ako medyo nagising pero di pa din ako bumangon.. sabi ko, huh? patay na ba ako?..paano ako namatay? natutulog lang naman ako kanina dito.ang TV nga ay bukas pa pala pero wala ng palabas. wala pa kami cable nun e.
Hindi ko alam kung papaano magreact..natakot ako nung una at nalungkot...sabi ko sa sarili ko..talaga bang kailangan na ako sa langit? kung langit nga ba ang pupuntahan ko hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko,sa mga mahal ko sa buhay. hindi ko man lang nasabi kay ultimate crush na crush ko sya..lols paano na mga magulang ko? baka hindi nila kayanin ang pagkawala ko..mamimiss ko sila..
hindi ko man lang nadala sa enchanted kingdom ang mga kapatid ko.trip pa naman naming sumakay ng space shuttle ng sabay sabay.
paano na yung pasyente ko na hindi ko pa nakakabitan ng pustiso? ang daming tanong na pumasok sa isip ko..
sa mga sandaling iyon ay nag aantay na ako ng angel na susundo sa akin..
Nang BIGLANGGGGG...........
anak, alis muna ako...punta lang ako kina mrs.gonzales..namatay na si rio e..
huh??? hindi pala ako ang namatay...
anak,bakit nakatulala ka dyan? sabi ko alis muna ako at pupunta ako kina mrs. gonzales..paki lock ng gate.
doon ako nahimasmasan..kinurot ko nga ang sarili ko...masakit pala...buhay nga ako..
napangiti ako at nasabing..
GOD, thank you po ha..binigyan nyo pa po ako pagkakataon para gawin ang mga bagay bagay na hindi ko pa tapos.may pagkakataon pa akong makasama ang pamilya ko at kaibigan,may pagkakataon pa akong sabihin kay ultimate crush na crush ko sya..lols..hindi nyo pa nga po siguro kailangan ng maganda isang tulad ko dyan sa langit.salamat po sa pagkakataon para matama ko po ang mga mali ko sa buhay...Amen
**si rio ay isang bata na namantay sa cancer.siya pala ang dinadalaw dalaw ng nanay sa kabilang kalye.
para sa iyo rio...may you rest in peace..ituloy mo na ang paglalaro mo dyan sa langit kasama ang mga angel na gaya mo...
hay..medyo seryoso ata ang naisulat ako...ayaw ko ng ganito...
eto..para naman maaliw kayo.magpapakita na ako sa pic...
dahil tapos naman na ang halloween...minabuti ko ng tanggalin ang picture ko..hehe.. galing ako nun sa isang halloween party..
CLICK HERE TO READ MORE
|