say present!
Thursday, July 31, 2008 | 27 comments
wala akong ma post ngayon dahil wala din naman akong ma ipopost.. inaayos ko nlang ang aking blog roll dahil bukod sa pag popost ay ito lang naman ang alam kong pakialaman sa aking blog...
mga klasmeyts, say present kung nasa blog roll ko na kayo at yung mga wala pa...eto na ang pagkakataon na mailagay ko kayo sa aking magulong blog roll.....
maraming salamat =)
CLICK HERE TO READ MORE
Happy Birthday ,bro panget!!
Tuesday, July 29, 2008 | 18 comments
Halos magkasabay tayong lumaki,isang taon lang naman din kasi ang agwat ng edad natin.
Natatandaan ko pa kung gaano ka kakulit nun at katamad mag-aral..ayaw na ayaw mong ako ang inuutusan ni nanay para magturo sa iyo dahil alam mong sobrang sungit ko kapag tinuturuan ka..hindi bat ang isang pahina lang ng libro ay aabutin ng 30 minuto bago tayo makalipat sa next page dahil minsan ka lang magkamali ng pagbabasa ay talgang pauulitin kita sa simula kahit na malapit ka ng matapos..sabi mo nga ay sadista akong ate(sabay singhot sa iyong sipon)...
Natatandaan ko po na minsan mong ginamot yung sugat ko sa tuhod dulot ng pagkakadapa ko..sabi mo pa nga..ate, ang tanga mo talaga! sabay buhos ng alcohol sa aking sugat!
At sa unang pagkakataon ay nakita mo akong naka gown at naka make up dahil aatend ako ng JS prom namin..at ang sabi mo..ate, mukha kang bakla pero sexy ka pala?.
Naalala ko din pala yung araw na pinalaga ako ni nanay ng baka at dahil naaliw ako sa kanonood ng tv ay naubusan ng tubig ang aking nilalaga at ito ay nasunog..di ba ang sabi mo..lagot ka ate,papaluin ka ni nanay pero ikaw din ang nakaisip na ubusin nating 2 ang 2 kilong baka at sabihin natin kay nanay na nasarapan tayo at naubos nating lahat..hindi bat katulong pa natin sa pag ubos nun ay ang ating alagang asong si Doglas..Hindi man makapaniwala ang nanay pero wala na din syang nagawa at hindi din ako napagalitan dahil nilinis natin agad ang kalderong nasunugan..
Madami pa sana akong ikwekwento tungkol sa iyo, tungkol sa pang aapi mo sa akin at tungkol sa mga pang aapi ko sau at tungkol sa mga kalokohan mo..yari ka sa akin..sadista pala ako ha!, mukha pala akong bakla ha!, tanga pala ako ha!...ako naman ay may ari ng blog na ito at hindi mo naman ito makokontra.unless gagawa ka ng blog mo..hehehe..pero sa lahat ng pang aalipusta na ginawa mo sa akin...proud pa din ako at naging kapatid kita..kahit na iniinis mo ako parati, alam ko naman na yun lang ang paraan mo ng paglalambing!! dahil kanino ka pa ba mag mamana kundi sa ate mong sira ulo din!! hehehe...hindi ko pala na ikwento dito yung na pupu ka sa salawal mo..ahahaha!! pis..secret na natin yun!!
PSSSTTT!!!!! PANGET!!!.... HAPPY BIRTHDAY!! ... alam mong may blog ako pero tamad ka namang magbasa kaya baka hindi mo din ito mababasa!...pero kung sakaling sipagin ka..mag komento ka ha!! kundi yari ka sa akin..lols...
Madami pa sana akong gustong ikwento sa mga ka blog ko tungkol sa iyo kaso baka next month pa ako matapos magsulat kung isusulat kong lahat ang mga kalokohang pinag gagawa mo sa buhay!!..
CLICK HERE TO READ MORE
I'm back
Friday, July 25, 2008 | 13 comments
Pagpasensyahan nyo na muna kung ako ay walang bagong post. sensya na din kung hindi ako madalas makapag blog hop...
eto kasi ang mga dahilan kung bakit wala akong bagong post..
1. Kagagaling ko lang sa lugar na kung saan ay hindi pa ata uso ang computer at internet..lols.. yup! galing ako sa pinakadulo ata ng Pilipinas..sa baryo ng Agno, Pangasinan..OK lang sana kung nasa bayan kami nag stay kaso nag stay kami sa kaloob looban ng baryo na may natatagong paraiso..( nag ka virus na naman ang camera na hiniram ko sa kapitbahay namin kaya walang picture na available..papakita ko pa naman sana sa inyo ang tinatawag nilang umbrella rock!)
Pumunta din ako ng Labrador, Pangasinan para dumalo sa kasal ng aking kaibigan.
2. May pinuntahang seminar pagbalik na pagbalik ko ng manila galing pangasinan,binaba ko lang ang aking gamit at nagbihis naman ako papuntang seminar..hindi na sana ako pupunta kaso lang ay nanghihinayang ako sa mga (freebies) matutunan ko dun..
3. May pinaparesearch ang kapatid ko sa internet kaya hindi ako makapag blog. Ako kasi minsan ang taga gawa ng mga project nila, kapalit naman nun ay sila ang aking mga utusan sa bahay...lols..
4. sinsumpong kasi ako ng aking sakit na...KATAMARAN...
yan ang mga kadahilanan kung bakit natagalan akong makapag post ng bagong entry..
CLICK HERE TO READ MORE
One Last Cry
Tuesday, July 22, 2008 | 31 comments
Minsan ay naging theme song ko ang kanta ni Brian Mcknight na one last cry. Naging paborito ko ang kantang ito nung mga panahong parang laging makulimlim ang paligid para sa akin, ito yung mga panahong kahit na nakangiti na ako ay pilit paring nagpapakita ang kalungkutan sa aking mga mata. Ito yung mga panahong akala ko ay yun na ang una't huling relasyon na magyayari sa aking buhay.
Kanina ay narinig ko na naman ang kantang ito pero hindi na ako nalungkot bagkus ay napangiti nalang ako. Akala ko dati ay hindi ko tatantanan ang kantang ito, kala ko ay magwa walk out na si Brian dahil namamaos na sa pagkanta nito sa akin,buti nalang at dumating ang araw na naka move on na ako at pinatigil ko na si Mr. Brian sa pagkanta..hehe..
Ito ang favorite part ko sa song na ito:
Chorus: One last cry Before I leave it all behind I gotta put you out of my mind For the very last time Stop living a lie
( Drum drum na luha ang inubos ko bago ko sinabi sa sarili ko na..BUKAS LULUHOD ANG MGA TALA..lols)
[Bridge:] I know I gotta be strong Cause round me life goes on and on And on .... And on ....
( Pasalamat ako sa iyo dahil dumating ka sa buhay ko at binigyan mo ako ng sangkatutak na problemang puso na mas mahirap pa sa Math subject ko hanapan ng solusyon!..Buti pa ang Addition may carry one, yung binigay mong problema muntikan ko ng hindi na carry..kaya ngayon math at heart problems..yakang yaka ko ng solusyunan.wag lang pala yung may mga sin cos sign na yan ha! at yung may mga exponent..)
Ito ang buong lyrics ng kantang ONE LAST CRY... Hindi ako marunong mag upload ng video kaya lyrics nalang at ang aking emo pic..=)
My shattered dreams and broken heart Are mending on the shelf I saw you holding hands Standing close to someone else Now I sit all alone Wishing all my feelings was gone I gave my best to you Nothing for me to do But have one last cry
[Chorus:] One last cry Before I leave it all behind I gotta put you out of my mind this time Stop living a lie I guess I'm down to my last cry
Cry.....
I was here You were there Guess we never could agree While the sun shines on you I need some love to rain on me Still I sit all alone Wishing all my feelings was gone Gotta get over you Nothing for me to do But have one last cry
[Chorus:] One last cry Before I leave it all behind I gotta put you out of my mind For the very last time Stop living a lie
[Bridge:] I know I gotta be strong Cause round me life goes on and on And on .... And on ....
[Chorus:] One last cry Before I leave it all behind I gotta put you out of my mind For the very last time Been living a lie
I guess I'm down, I guess I'm down, I guess I'm down... I guess I'm down... To my last cry...

CLICK HERE TO READ MORE
Personality Test Result
Saturday, July 19, 2008 | 10 comments
Ninakaw ko lang ang personality test na ito kay beero...tiningan ko lang kung ano ba ang merong personality ako..at eto ang lumabas=)
salamat beero
Spontaneous Idealist (SI)
Spontaneous IdealistSpontaneous Idealists are creative, lively and open-minded persons. They are humorous and dispose of a contagious zest for life. Their enthusiasm and sparkling energy inspires others and sweeps them along. They enjoy being together with other people and often have an uncanny intuition for their motivations and potential. Spontaneous Idealists are masters of communication and very amusing and gifted entertainers. Fun and variety are guaranteed when they are around. However, they are sometimes somewhat too impulsive in dealing with others and can hurt people without really meaning to do so, due to their direct and sometimes critical nature.
This personality type is a keen and alert observer; they miss nothing which is going on around them. In extreme cases, they tend to be oversensitive and exaggeratedly alert and are inwardly always ready to jump. Life for them is an exciting drama full of emotionality. However, they quickly become bored when things repeat themselves and too much detailed work and care is required. Their creativity, their imaginativeness and their originality become most noticeable when developing new projects and ideas - they then leave the meticulous implementation of the whole to others. On the whole, Spontaneous Idealists attach great value to their inner and outward independence and do not like accepting a subordinate role. They therefore have problems with hierarchies and authorities.
If you have a Spontaneous Idealist as your friend, you will never be bored; with them, you can enjoy life to the full and celebrate the best parties. At the same time, they are warm, sensitive, attentive and always willing to help. If Spontaneous Idealists have just fallen in love, the sky is full of violins and their new partners are showered with attention and affection. This type then bubbles over with charm, tenderness and imagination. But, unfortunately, it soon becomes boring for them once the novelty has worn off. Boring everyday life in a partnership is not for them so that many Spontaneous Idealists slip from one affair into another. However, should the partner manage to keep their curiosity alive and not let routine and familiarity gain the upper hand, Spontaneous Idealists can be inspiring and loving partners.
try this
CLICK HERE TO READ MORE
Yes or No?
Friday, July 18, 2008 | 22 comments
Pinasa lang sa akin ang text na ito kaya naman naisipan kong ipasa sa iba:
SEXY ba ako?
If Yes, reply yes
If NO, text mo sa akin yung Panatang Makabayan in English!
Eto mga reply sa akin:
1.P**** OO na!!! OO na!!! wag mo lang ako pa englishin ng panatang makabayan dahil kahit tagalong nyan hindi ko kabisado ….
2. Sexy ka naman e..chubby nga lang…
3. Yes! Yes! yes!...ayaw ko lang ng gulo!
4. Doc, pinipilit kong I translate kaso hindi ko tlga kaya….Yes nalang!
5. Sapilitan ba eto?
6. May sumagot na ba ng NO? sige para maiba ako, yes nalang.
7. lasing ako! Bukas ko na sasagutin kapag nasa tamang pag iisip ako..
Mga kaibigan ko nag reply nyan. Ang babait nila noh? Sana kunin na sila ni Batman!..hehehe
CLICK HERE TO READ MORE
Ang Bangs
Wednesday, July 16, 2008 | 29 comments
BABALA: Ang inyong makikita ay hindi kaaya ayang larawan.Patnubay ng nakakatanda ay kailangan.
Ito ay resulta ng pagkabagot ng isang dentisa at walang maisip na ilagay sa kanyang blog=)
Hindi dapat tularan..

YUP! ako yan.. Yan ang mga panahon na kung saan ay palaging pinagtritripan ng nanay ko ang aking bangs..
Tumatanggap po ako ng mga bayolenteng reaksyon!=) Maraming Salamat sa Inyong pagtyatyaga..lols
CLICK HERE TO READ MORE
Pictures nung EB
Monday, July 14, 2008 | 21 comments


wala na kasi akong ma i post kaya share ko nalang yung pics namin nung eb=)
CLICK HERE TO READ MORE
Paalam na
Saturday, July 12, 2008 | 28 comments
I should have known better.
I know, I must let you go…
Alam kong ginamit lang kita..
Kasalanan ko ba talaga yun?
Halos anim na buwan din tayong nagkasama..
Alam kong dapat ay matagal na kitang pinakawalan pero alam kong magagamit pa kita kaya hindi muna kita iniwanan. Maraming bagay na din ang nagawa mo sa akin pero hindi yun ang aking magiging basehan upang hindi ka iwan.
Masama na ako kung masama pero wala ka ng silbi sa buhay ko..
Hanggang dito nalang talaga ang ating pagsasama..
Aaminin kong may iba na ako..
Paalam at Maraming maraming salamat sa iyo aking…..

Sipilyo
CLICK HERE TO READ MORE
Tag ng mga kuya kong weirdo
Wednesday, July 9, 2008 | 22 comments
Ang tagal tagal na tong tag sa akin ng mga kuya kong sina kuya mangyan, kuya ponchong at kuya lawstude..matapos ang aking pagkabusi busihan,nagawa ko na din ang tag na ito.
The Rules: 1. Link to your tagger and post these rules on your blog. 2. Share 7 facts about yourself on your blog, some random, some weird. 3. Tag 7 people at the end of your post by leaving their names as well as links to their blogs. 4. Let them know they are tagged by leaving a comment on their blog.
1.Hindi ko talaga pinangarap maging isang dentista. Magbabayad nalang ako noon ng tuition fee para sa UST para sa kursong HRM ng mapadaan ako ng Unibersidad ng Silangan at "mapagtripang" kumuha ng entrance exam para sa kursong dentistry. Wala sa pinangarap ko ang maging isang dentista. Pagiging nars at madre lang ang tanging mga panagarap kong maging nung ako ay musmos palamang.Alam kong hindi ako tatanggapin sa loob ng kumbento dahil sa kaingyan ko kaya isinantabi ko nalang ang panagarap na yun.Hindi ko naman itinuloy ang aking panagarap na maging nars dahil natakot ako sa physical examination na tinatawag..huhubuan daw kasi ako ng hubo't hubad..nahiya ako dahil baka makita ang malaking sugat sa pwet ko na dulot ng pigsa noong ako'y bata palang.
2. Binubuo ng 3 pangalan ang aking pangalan. Ang aking pangalan ay nagmula sa aking lola ( mother side )at sa mga kapatid nito.Sila ay sina maria, rosario at paz. yep,galing sa 3 tao ang aking panagalan. Sa hinaba haba ng aking panagalan, rio lang naman ang tawag sa akin ng mga nakakakilala sa akin, pero pag nagagalit na ang aking nanay sa kahahanap sa akin sa lansangan noong akoy bata pa..isang malutong na ROSARIOOOOO!!!! ang tawag sa akin.Sina Rosario at Paz ay matatandang dalaga..hmm...sign din ba ito na magiging tulad ako sa kanila?
3.Mahilig kaming i enroll ng aking ina sa mga summer lessons na yan. swimming lesson, ballet lesson at (HEP! walang tatawa!) voice lesson pero isa man sa mga yan ay wala akong tinapos na maayos. Nagsisisi tuloy ako ngayon. E di sana isa na akong magaling na atleta ng Pilipinas o kaya naman nakakasama ko na si MS. liza Macuja sa isang ballet performance sa CCP o kaya naman baka may sarili na akong album ngayon kung sineryoso ko lang ang mga lessons na ito. Nagpaturo din ako ng guitar lesson sa aming kapitbahay at nagpabili ng gitara sa aking tatay pero ganun din..hindi ko din sineryoso.tamang may alam lang ako, ok na yun..hep! nakakatugtog naman ako ng isang buong kanta noh!...D-A-G-A lang naman ang chords..(line to heaven by introvoys ang aking unang kantang natugtog ng maayos ayos..)
4.Hindi ako animal lover pero hindi naman ako nanakit ng hayop. Sila pa nga ang nanakit sa akin e.Nakagat na ako ng unggoy sa mukha noong akoy pitong taong gulang at nagsisilbing parang birthmark ang kagat na yon sa aking mukha.nakagat na din ako ng aso.malas talaga!
5.Mabilis ako kung kumain.Namana ko ata ito sa aking tatay. Tamad akong ngumuya. Noong akoy bata, pinakain ako ng aking nanay ng sotanghon, sa aking katamaran konting nguya lang tapos lunok agad ang aking ginawa kaya nung sumama ang aking pakiramdam at kailangan kong isuka ang aking kinain..nagulat ang aking nanay dahil halos ganun pa din kahaba yung sotanghon na aking kinain.
6. Mainipin akong tao. Hindi pwedeng wala akong ginagawa sa loob ng 24 oras.Pero ayaw ko ng mga mabubusisi na trabaho tulad ng pangagantsilyo at cross stitch.
7.Takot ako dating pumasok sa isang relationship dahil feeling ko ay hindi ko kaya pero almost 7 years ang itinagal ng aking lovelife sa isang lalaki lamang ( ang hirap kasing bumulag ng lalaki e.....lols).
Ipinapasa ko itong tag na ito kay churvah lamang, ang blogger na hindi busy parati..hehehehe
CLICK HERE TO READ MORE
June was my EB month
Tuesday, July 8, 2008 | 29 comments
First EB – CPA @ Chowking, Trinoma
I will not hate this place anymore and I will not hate him either. Everytime I remember this place, I just smiled. This place will constantly reminds me that I once fall in love with Chris Brown voice a like.lols CPA, despite of what you did, you will still be a part of my life that is worth smiling about.=) Maybe someday I will forget how you look like, your cute voice that makes me awake even in the middle of the night and even the kilig moments I felt during your name pop up on the screen of my cp. I might forget all of this but not the lesson I’ve learned…
Lesson learned: Never fall in love with a stranger especially if he is a CPA.hehehe… (exempted sa rule na yan ang mga CPA na nasa blog roll ko….) baka biglang mag welga e..hehehe
Second EB- Karmi and the gang @ Gateway
Si karmi ang may pakana ng EB na eto. First time kong maki pag EB sa mga bloggers at tulad ng aking iniaasahan eto ay punong puno ng saya at kulitan.
Attendance Sheet:
Karmi- Ang batang down to earth na syang may pasimuno ng EB na eto!.
Arvin- Ang cute na labidabs ni karmi…(uiiii!!!!)
Yeye- Ang batang nurse- to -be na mukhang galing pa ng duty nung nakipag eb…hehe
Hachi – Ang batang cute at cool na nangaling pa sa seminar.
Ate lojika- Hindi na sya masyadong active sa blog pero isa siya sa pioneer ng blogosphere. Buhayin mo ate yung blog mo para dumami ang kakulitan ko.
Ate Cielo- Ang mommy na nag undertime sa opisina dahil may kukunin daw na padala ang asawa galing sa isang kaibigan. Ang mami na inaalala ang mga labada during EB..hehehe
Ate Sheng – Ang super kulit na kaibigan ni Ate Cielo na nag undertime din at ang paalam naman sa boss ay magpapa check up lang sa doctor.
Rob at MasterB – Ang photographers ng grupo. May aking talino sa pagkuha at nabigyan nila ng buhay ang bawat litratong kanilang nakuhanan…Ganda ko nga sa mga pics e.. (hehehe..nagbubuhat lang ako ng sariling bangko!)..
Vanny- Ang sexing sexing blogger na pinaka maaga dumating sa grupo para sa susunod na EB..lols.peace vanny!. ( depress? Tawagan mo kami ni Ate Cielo ha!...sale parati sa Divisoria!)..Yan ang naging joke namin kay vanny nung gabing yun dahil iba rin palang mag trip itong si vanny kapag nadedepress..shopping at kain ang pinagtritripan. Kaya niloloko namin na kapag na depress ulit sya tawagan lang nya kami..=).
Major- Mas maaga kay Vanny para sa susunod din na EB!...hehehe.. Hindi kami masyadong nagkakwentuhan ni kuya major dahil nung time na dumating sya ay sya naman naming paalis ni lalaine..Hindi din kami masyadong nakapag usap nung bumalik kami dahil busing busi sila nila ate cielo, ate sheng at kuta master sa pag didiskusyon ng kung ano anong bagay tungkol sa pagpapayaman.=)
Lalaine- Ang aking partner in crime sa lahat ng lakaran!. Laking pasalamat ko sa kanya dahil kung hindi sa kanya, hindi ako makakasama sa EB ng mga bloggers. Sya ang dahilan kung bakit ako ngayon ay matatawag na isang blogger=).. Nanahimik lang kasi ako dati sa aking mundo ng ipinakilala nya ang mundo ng blog na akin namang nagustuhan at nakaka adikan!.. ( I’m A Certified Addict Blogger!)..clap clap clap!
Venue: Superbowl, Gateway Dencio’s , Gateway
Sobrang saya ng gabing ito. First time namin na magkita kita pero parang ang tatagal na naming magkakakilala. Kulitan, tuksuhan at tawanan ang makikita sa amin. Sinong mag aakala na hindi kami magkakakilala talaga.=)
Sana maulit itong EBng eto at sana mas madami pang bloggers ang makilala ko, makakulitan ko at makasama ko.=).
3rd EB – Foursome @ Super bowl, Trinoma
Hehehe! Oo, trinoma ulit! Pero hindi na sa chowking at hindi na isang CPA ang aking katatagpuin kundi ang aking idol na si IFoundme..( sobrang saludo ako sa taong ito!, idol kung tawagin ko to, isa sya sa mga down to earth na nakilala ko sa blogosphere. Siya ang kauna unahang blogger na naka pi em ko gamit pa namin ang gmail nuong una pero na upgrade na kami at YM na gamit namin ngayon at palagi kaming may mga ka confe na ibang bloggers.Gusto kong magaya sa kanya ang galing nya sa pagmu multi –tasking, ang pagiging strong na babae at ang kanyang 2k words per minute kapag nagagalit..hehe) Sobrang busy nyang tao pero buti nalang at naisingit nya kami sa kanyang hectic skeds..Parang may album na mino mall tour e..hehe At sa sobrang ka busihan nya ay nalimutan nyang kontakin si geisha..( sayang! Sana na meet ko din si geisha!).
Tapsiboy- The only guy in the group!. Nalagay sa hot seat at hindi na nakapag salita..(peace tau tapsiboy!)..Buti nalang at may pinuntahan sa Ifoundme at kinailangang maunang umalis kundi baka umiyak ka na sa dami naming tanong sa iyo ni lalaine. Makikipag meet ka pa kaya ulit sa amin?..bati tau ha..=)..hehehe. Taps, ung pramis mo sa akin na kapag nakipag kita ulit si CPA, sasama ka na ha! Wag mong sasapakin ha..tandaan mo varsity sya ng sepak takraw ay este! varsity ng basketball…hehehe=) Lalaine, san at sino na naman kaya ang next EB natin? Ang saya noh? Apir!... Sana maulit ang EB naming apat nila Ifoundme, Tapsiboy at Lalaine.Kulang talaga ang oras kapag masasayang tao ang kasama ko.=) Sayang at hindi ko na meet si ate lyzius nung umuwi sya ng Pinas at hindi ko din na meet si Sundalo, kung bakit ba naman kasing nahiyang magtext e.Sundalo, kahit gaano kami ka busy ni lalaine kung nagtext ka lang sana..haizz…di bale! Magkikita din tau someday! Sana lahat kayo na nasa blog roll ko ay ma meet ko=). Kahit isang buwan akong magsara ng clinic, gagawin ko, dahil kapag tumanda na ako pwede kong I share sa magiging apo ko na….. Its not how much money you’ve earned but how much happiness and how many true friends you’ve gained in life that matters the most!…=) … ma i-reason out ko sana yan ngayon sa nanay ko kapag nahuli akong wala sa clinic…hehehe
ayaw mag load ng mga pics namin....=(
CLICK HERE TO READ MORE
Sandali Nalang
Monday, July 7, 2008 | 16 comments
Ano nga bang meron nung June 30 sa buhay ko?
Kinasal nga ba ako tulad ng maraming nag aakala?
Iniipon ko pa lang yung mga pictures para kumpleto ang kwento ko sa inyo..
within this week ay lalabas na din ang kwento kong yun...
PAsensya na po kung medyo natatagalan.
CLICK HERE TO READ MORE
Back to Normal
Friday, July 4, 2008 | 29 comments
Nakipag break na ako kay mamang globe at back with each other arms na naman kami ni Mr. smart...After almost 2 weeks na wala akong connection dahil na din sinalanta kami ni manong frank..haiizz...im back! alive at kicking! at yung mga utang ko na KWENTO.... eto na at sinisimulan ko ng i post!... miss u guys!!!!...asahan nyong may makulit na naman na dadaan parati sa mga blogs nyo...
klasmeyts, PRESENT!!!!!!!
CLICK HERE TO READ MORE
|