This is it!!
Monday, June 30, 2008 | 21 comments
Kahit sobrang pagod ako ngayong araw na ito, hindi pwedeng hindi ako magparamdam sa inyo....
yup! alam ko! may utang ako sa inyong kwento ngayon pero utang muna ha...
Sobrang mixed emotions ako ngayon e pero pramis! pagnaayos ko na ang kwento at mga pictures ko...sure yan na kayong lahat ang unang makakaalam....
sobrang kaba ang naramdaman ko kanina..
medyo nainis at nalungkot din ako...
pero sobrang saya ko naman pag tapos..
wag kayong mag alala.lahat yan ay aking ikwekwento sa inyo...
kayo pa! malakas kayo sa akin e..
for the mean time...magpapahinga muna ako...=)
Maraming salamat sa inyong walang sawa na pagbisita sa akin.
Pramis! next week...madadalaw ko na kayo at siguradong makikipagkulitan na naman ako..
haiii....na mimiss ko na tlaga kayong lahat!!!!.
CLICK HERE TO READ MORE
Miss ko na kayo
Wednesday, June 25, 2008 | 28 comments
Gusto ko ng pasabugin ang globe e...wala pa din kasi akong connection... kailangan ko pa tuloy pumunta ng mall para lang mag blog, mag blog, mag blog, at ay mali pala...kailangan ko palang mag check ng e mail, check yung notes ko sa ortho at mag blog...hehehe...
pasensya kung hindi ko kayo masyadong nabibisita dahil alam nyo naman bukod sa wala pa din akong connection..malapit na ang june 30....
na mimiss ko na kayong lahat,..
yung mga may tag...pagbalik ko nalang ha...
yung mga nag papa add ng link...add ko po kayo..wait lang talaga!!
miss u guys...=)
madami akong baong kwento pag balik ko....=)
Hindi pa sana ako mag o oout kaso nadinig ko na naman yung kanta ni Chris brown dito sa cafe na with you,....tapos OL pa si CPA...HMP!...OUT na nga ko!!..
CLICK HERE TO READ MORE
Maraming Salamat
Wednesday, June 18, 2008 | 20 comments
Maraming Maraming Salamat sa inyong lahat...
Pagpasenyahan nyo na muna kung hindi ko pa narereplyan ang inyong mga komento..
busi busihan kasi ako ngayon...
Ayaw ko namang madaliin at kung ano nalang ang aking isasagot sa inyong komento..
aaliw n aliw tlaga ako sa inyong mga komento at natutuwa dahil kahit hindi ako madalas na nakakadalaw sa inyong mga blog ay patuloy pa din kayong dumadalaw sa akin...
busy lang tlaga ang inyong dentista at ang isa pang nakakainis ay sira ang aking internet connection...
Nagnakaw lang talga ako ng oras para maka pag post at para hindi nyo sabihing nag hihiatus ako..hehehe...
sobrannggggggggggggggg misssssss ko na tlga kau ... mukhang madami dami akong ma mimiss na mga post nyo pero huwag mag alala dahil kapag nakaluwag n ako at matapos lang tlga itong JUne 30,, araw araw ulit ang pangungulit ko sa inyong mga blog....
madaming salamat sa inyo.....=)
Salamat pala kay lalaine at pi nost nya ang nasa draft kong post : "101..really?".. wala tlaga akong time ngayon mag blog hop!! pero pagbalik ko!! pramis! may burger kayong lahat sa akin courtesy of kuya Dong Ho..hehehe.( Dong, labas mo na yung burger na pinabili ko ha!) hehe=)
CLICK HERE TO READ MORE
101... Really?
Monday, June 16, 2008 | 17 comments
huh? Impossible!!
Hindi naman talaga ako writer pero naka 101 posts na pala ako simula nung una kong inilabas ang unang post kong Hello World Naalala ko pa ang pang hihikayat sa akin ng aking bestfriend na si Lalaine para mag blog..
lalaine: gawan kita ng blog.
ako: ano naman yun? nakakain ba yun?
lalaine: hindi.magsusulat ka lang ng kahit ano dun.tapos may mga taong magbabasa at magbibigay ng komento sa mga isusulat mo pero sympre dapat magbibigay ka din ng komento sa mga sinusulat nila..
ako: e hindi naman ako writer e..ano naman ang ilalagay ko dun!?
lalaine: hindi din naman ako writer e, kahit ano naman pwede mong ilagay dun..para lang naman yang diary mo e, ang kaibahan nga lang nun e madaming makakabasa pero masaya yun.
ako: diary? e di malalaman nila ang buhay ko..baka naman madiscover ako at mailagay sa discovery channel..
lalaine: ayaw mo?
ako: gusto!
Yan ang kwento kung bakit ako may blog...
At napatunayan kong tama nga ang kaibigan ko na masaya at nakakawala ng pagkabagot ang blog..
Dati dati sya lang at si mocha( lalaine's dog) ang matyagang nagbabasa ng aking mga sinusulat, sila din ang matyagang nagbibigay ng komento..
Hindi ko namamalayan na habang patagal ng patagal, dumadami ang napapadaan sa aking blog..dumadami ang nagkokomento, dumadami ang nagbabasa, dumadami din ang site na pinupuntahan ko araw araw..at dito ako nagsimulang ma adik...lol
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari... nde ko na talaga napansin... na ika 100 post ko na pala ang naging usapan namin ng aking tatay.
At ngayon... eto na ang ika 101 kong entry na mababasa nyo. Natutuwa talaga ako sa mga naging kaibigan ko sa mundo ng blogging. Marami akong natutunan sa inyo.. salamat sa mga payo at komento nyo,salamat sa pakikipagkulitan, salamat at isa kayo sa mga dahilan kung bakit palaging may ngiti sa aking mga labi kahit pagod ang maghapon ko ... madami dami na din akong naging kachat sa inyo...
Wala na akong ibang masabi kundi SALAMAT... maraming salamat sa patuloy nyong pagbasa at pagdalaw sa aking blog.
Dahil sa ika-101 kong entry to... gusto ko tong ipagdiwang na kasama kayo... sana samahan nyo ako...
Gusto ko lang sana malaman kung anung bagay ang sa tingin nyong pwede nyong ihalintulad sa akin?
kung anu man ang napili nyong bagay eh nde ko kokontrahin... gusto ko lang malaman kung bakit yun ang naisip nyo para saakin?
Salamat uli.. at sana mag enjoy tayong lahat!
CLICK HERE TO READ MORE
Usapang Mag- Ama
Saturday, June 14, 2008 | 19 comments
Isang tawag:
Tatay: Hello, pwede ba sa mama mo?
Ako: Sino po ito? ( grin)
tatay: anak, tatay mo to!
Ako: huh? sige nga, testing nga kung ikaw tatay ko! (grin)
tatay: (laughing) sige...
Ako: sino ang pinaka maganda mong anak?
tatay: sympre! yung kausap ko ngayon..may gaganda pa ba sau, anak?
Ako:(laughing )..isa pang tanong...ano ang pentium ng laptop mo?
Tatay: pentium 500! (laughing)
Ako: ikaw nga tatay ko...hehehe...ikaw lang naman kasi tay ang may laptop na kakaiba e..pentium 500?? huwaw naman!! ikaw ba umimbento nun?
Tatay; loko -loko ka tlga! asan nanay mo?
Ako: wait lang...uii! PA!...love u( pabulong ko pang sinabi) happy father's day!
Tatay: love u2 anak!...malapit na pala ang june 23 ah...naghahanda ka na ba?
Ako: opo! sana makauwi ka..na urong pala tay yung date...june 30 na..
Tatay: ganun ba? mukhang makakauwi naman ako bago mag june 23 e.. wish u luck,anak!
Tay, sa lahat ng ginawa mong paghihirap para sa ating pamilya...Maraming maraming salamat=)
Hindi ka man namin palagi nakakasama pero alam namin ang hirap at sakripisyo na ginagawa mo...
wala akong ibang maibibigay kundi ang pagmamahal ng isang anak..
mahal na mahal kita, tay!
hindi lang obvious pero mahal tlga kita...
salamat sa pagmamahal na binibigay mo sa aming magkakapatid at higit sa lahat salamat sa pagmamahal na ibinibigay mo kay nanay...
kaya siguro hindi pa ako makapag asawa ay sa dahilang naghahanap pa ako ng isang kagaya mong (kalbo..lol..peace! tay..love u) masipag at mapagmahal..
CLICK HERE TO READ MORE
Tag By Beero
Wednesday, June 11, 2008 | 14 comments
Marami na akong utang na tag sa mga bloggers..
Pasensya kung hindi ko nagagawa pa yung iba..utang muna ha! lalo na yung kailangan may link..medyo hindi pa kasi ako sanay mag add ng link-link na yan...( computer illiterate kasi ako e..lol)
Unahin ko muna etong tag na pinasa sa akin ni beero.. Wag naman sanang magtampo ang iba... pramis! gagawin ko yun!
Here’s the rule: Answer the questions with song titles (your fave songs or songs that you like to play most of the times). No side comments please. Let the song titles explain your answer.
The questions and my answers: 1.) How am I feeling today? - Feels so Good ( Remy Martin )
2.) Where/when will I get married? - Maybe This Time (Michael Martin Murphy)
3.) What is my best friend’s theme song? - I Need You ( Leanne RImes)
4.) What is/was highschool like? - Overjoyed (Stevie Wonder)
5.) What is the best thing about me? - Dito sa Puso ko ( Ogie A.)
6.) How is today going to be? - Whatever We Imagine ( James Ingram)
7.) What is in store for this weekend? - Don't know what to do ( Ric Segretto)
8.) What song describes my parents? - Love of my Life ( South Border)
9.) How is my life going? - With A Smile ( eraserheads)
10.) What song will they play at my funeral? - Before I Let You Go ( Freestyle)
11.) How does the world see me? - Happy ( Square heads)
12.) What do my friends really think of me? - Irreplaceable (beyonce)
13) Do people secretly lust after me? - Yeah (Usher)
14.) How can I make myself happy? - Sing ( Carpenters)
15.) What should I do with my life? - Save The Best for LAst ( Vanessa Williams)
16.) Will I ever have children? - Someday ( sugar ray)
17.) What is some good advice? - Apologize (Timbaland)
18.) What do I think my current theme song is? - Over You ( Chris Daughtry)
19.) What does everyone else think of my current life? - Into The groove ( Madonna)
20.) What type of men/women do you like? - bubbly ( Colbie Calliat) -bartender ( Akon)
21.) Will you get married? - I'd still say yes ( Regine V.)
22.) What should I do with my love life? - Can You Help me( Usher)
23.) Where will you live? - Light and shades ( Fra Lippo LIPPI)
24.) What will your dying words be? - Lead Me Lord ( Gary V.)
CLICK HERE TO READ MORE
JUne 30 nalang daw!
Tuesday, June 10, 2008 | 20 comments
Time is the most playful element because... it lengthens the minutes when you wait... and rushes the hours when you enjoy the moment!
He decided to move the date from june 23 to June 30....
mas matutuwa ba ako?
siguro..
mas mahabang preparasyon...
mas madaming magagawa...
mas magiging handa ako...
pero...
mas lalo akong kinakabahan...
naiinip na din ako...
CLICK HERE TO READ MORE
June 23
Monday, June 9, 2008 | 21 comments
bakit kaya ako nagkakaroon ngayon ng mood swing??
huhu!!
nalalapit na kasi ang june 23 e...
kinakabahan na ako...
umatras nlang kaya ako?
hindi naman pwede...
naka schedule na yun e..
wag ko nlang kayang ituloy?
baka naman mapatay ako ng magulang ko..
sayang naman ang mahabang preparasyon na ginawa ko kung aatras pa ako..
bahala na..
come what may..
bahala na si batman sa akin..
buti nlang at napapangiti ako ni David cook sa kanta nya...
CLICK HERE TO READ MORE
=(
Sunday, June 8, 2008 | 11 comments
im tired..
im exhausted...
i want a break...
i need to be alone...
just for today, i want to be by myself...
i want to cry..
i want to scream as loud as i could just to ease the pain i have inside...
i want to take off the happy mask that i am wearing right now...
im not in the mood to talk with anybody...
right now, im just staring in front of the monitor hoping that it can answer all the queries i have in my mind!...
in short... nag iinarte lang ako...palagi nalang kasi akong puyat e kaya nawawala ako sa condition!..hehehe=)half meant
.. im not really feel good right now!
i think, i need to have a better sleep=)
CLICK HERE TO READ MORE
When She Cries
Saturday, June 7, 2008 | 9 comments
A girl wont cry easily, Except in front of the person who she love the most, she becomes weak. A girl wont cry easily, only when she love you the most, she put down her ego. Guys, if a girl cries bcoz of you, please hold her hands firmly, she's the one who would stay with you for the rest of your life. Guys, if a girl cries bcoz of you, please don`t give her up, maybe bcoz of your decision, you ruin her life. When she cries right infront of you, When she cries bcoz of you, Look into her eyes, Can u see n feel the pain n hurt she's feeling? Think. Which other girl have cried with pure sincerity, In front of you, And bcoz of you? She cries not because she is weak, She cries not bcoz she wants sympathy or pity, She cries, Because crying silently is no longer possible, the pain, hurt, n agony have become too big a burden to be kept inside.
Guys, Think about it, If a girl cries her heart out to you, And all because of you, Its time to look back on wat u have done, Only you will know the answer to it. Do consider it, Coz one day, It may be too late for regrets, It may be too late to say "im sorry". To my friends... Ponder this message seriously. Don`t do this to a girl, You may regret for the rest of your life. Maybe in your life, she's the only one that love YOU the most. Remember this lesson.. no one falls inlove by CHOICE, it is by CHANCE no one stays inlove by CHANCE, it is by WORK and no one falls out of love by CHANCE, it is by CHOICE.
CLICK HERE TO READ MORE
Part 1: Ang Pagtatagpo Namin ni Mr. CPA
Tuesday, June 3, 2008 | 36 comments
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kahapon at nagdesisyon akong makipag meet na kay CPA..
Kailangan na kasing mabigyan ng sagot ang mga katanungan ko ..
Pareho pa din kaya ang chemistry na mararamramdaman namin sa isa't isa kapag nagkita na kami?
Tama ba ang mukhang na pipicture out ko sa imahinasyon ko? Masasagot na ba ang mga tanong ko tulad ng: ano bang meron tau?
san ba ako lulugar?
itutuloy ko pa ba ang kahibangang ito??
Ano ba ang ending ng love story na eto? (kung love story ngang matatwag ito)
SA SKUL: Naisipan ko lang i text ka habang wala pa kami masyadong ginagawa..tinopak lang ako at parang gusto ko ng makita ka...
text ako:
Ako: busy ka ba?
CPA: may interview lang ako mamayang hapon sa makati...bakit?
Ako: available ka ba mamaya?
CPA: ok lang bakit?
Ako:wala...cge, never mind! ingat at gudluck s interview..
CPA: Gusto mo meet tau? pwede ako, kasi 3 to 4pm lang naman ang interview ko e..after nun wala n akong gagawin...san mo gusto? wat time?
Ako: sa Trinoma..kaso my class pa ako hanggang 6 pm. baka 7 na ako makarating
CPA: okies..mauuna nalang ako dun..text kita pag andun na ako...ingat sa byahe..
Ako: C u later...( na di sigurado kung tutuloy ba)
Tawag ako sa bestfriend ko...sabi ko na samahan ako sa trinoma...di ko na muna sinabi ang dahilan at baka mabatukan lang ako...
Umuwi ako ng maaga..hindi ko na tinapos ang klase ko...2:30 palang umalis na ako ng skul..( hindi ko na kasi naiintindihan ang tinuturo ng prof ko dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko..) Wala talaga akong planong i meet si Mahiwagang CPA..pero dahil na din sa mga opinyon nyo mga kaibigan ko sa blogosphere..."i think, i need to face my fear"...at eto na nga ang araw na yun..its now or never..
Preparation: Naligo ulit ako pag dating sa bahay kahit na naligo na ako nung umaga... Bihira lang ako mag shampoo pero dahil sa kanya 3 beses akong nag shampoo with conditioner pa...lols Halos maubos na ang tubig ng NAWASA dahil sa tagal ng pagligo ko.. Feeling ko kasi ang linis linis nya.kakahiya naman kung mas malinis pa syang tignan kaysa sa akin...
Namili ako ng presentableng damit na feeling ko ay babagay sa suot nyang galing interview from makati...( hindi ako naka gown noh!) OA naman yun...nag pink ako..ayon kasi sa librong nabasa ko..mas ok daw ang carnation pink sa unang date...
At kung ilang beses rin akong tumingin sa salamin para sipat sipatin kung malinis nga ba akong tignan at mukhang mabango..hehe
Limang beses din ata akong nag toothbrush..para pearly white teeth ang ipin ko kapag ngumiti ako sa kanya..lols
Nagpractice din ako ng aking pagkatamis tamis na ngiti sa salamin(halos mapagod na ang 17 muscles ko sa mukha kakangiti , feeling ko din ay mag lolock jaw na ako sa tensyon na nararamdaman ko...tinandaan ko din ang nabasa ko sa isang libro na keep an eye contact during conversation...
Bitbit ko ang Bestfriend kong si lalaine at ang isa ko pang kaibigan para i meet itong si Mahiwagang CPA...
HIndi ko maintindihan nararamdaman ko...gustong gusto ko ng mag back out pero pinipigilan lang ako ng mga kaibigan ko...harapin ko na nga daw..kung ma reject ako, ok lang ...at least, nakita ko na yung taong kumakanta sa akin sa with you ni chris brown tuwing madaling araw...hehehe..
Sobrang mixed emotions ang nararamdaman ko...dinaig pa ata nito ang kabang nararamdaman ko nung mag tatake ako ng board exam..
AT TRINOMA
quarter to 7 palang ay nasa loob na kami ng Trinoma..alam kong mauuna sya dahil MRT lang ang katapat nya pero nag text sya na ang dami daw tao sa MRT kaya nag decide nalang syang mag bus ..( kelan ba kasi kumonti ang tao sa loob ng MRT station?)
henewies, wala akong magagawa kundi ang antayin sya sa trinoma..pero everytime na tinatanong nya kung saan na kami..sinasabi lang namin na malapit na kami...ayaw din kasi ipaalam ng mga kaibigan ko sa kanya na nag aantay kami sa kanya. baka mamaya i one way lang nya kami...hindi naman kami papayag...
palapit ng palapit ang oras na magkikita na kami...
padagdag ng padagdag naman ang kabang nararamdaman ko...
wish ko lang na hindi ako maging speechless pag nakita ko sya..
wish ko lang na hindi sya ganun ka pogi para hindi ako maintimidate..
8:15 pm (nagtext sya) CPA:malapit na ako..saan na kayo? Ako: malapit na din ( pero nasa trinoma na kami)
8:20pm CPA: medyo matraffic pero malapit na ako. Ako: ok lang.
8:23pm CPA: andyan na ba kau Trinoma? Ako:( no reply)
8:25pm CPA: bat hindi ka nagrereply? nandyan kanaba trinoma Ako: hinahanap ko lang si lalaine ( pero kasama ko)
8:30 pm CPA; Trinoma na ako! Ako:ok..san ka? (wwaaaahhh!!!! this is it!)
8:32 CPA: malapit ako sa mercury drug at kenny rogers..asan ka na? puntahan nalang kita..
(lalaine: tanong mo anong kulay ng suot..tignan muna natin) Ako: ano kulay ng suot mo? ako nalang pupunta sau...
CPA: long sleeves na blue ang white pinuntahan muna ng isa kong kaibigan at tinignan..pagbalik nya..
ako at si lalaine: ano itsura? friend 2: ok lang..
Ako: tara..meet na natin.. friend 2..iwan nalang ako dito..
si lalaine lang ang kasama kong humarap sa kanya..
tatawag pa sana ako ng biglang...
CPA: r u mia? Ako: yup! CPA?....hi! ( naglaho lahat ng kaba ko nung nakita ko sya!) sabi ko sa sarili ko...carry eto ng powers ko ...hehehe ( sabi ni lalaine nakipag shake hands pa daw sa akin...pero wala na akong natatandaang ganun nangyari..nag lapse ba ako nung mga sandaling yun?) pinakilala ko sila...
Kahit na malayo ang itsura nya sa iniisip kong sya e ok na din.. Sobrang laki lang talga ang expectations ko na mala papa Piolo Pascual ang itsura nya.. Paano ba naman hindi ako mag iimagine na ganun sya kagwapo e tuwing magkausap kami nyan sa phone, feeling ko ay ang gwapo gwapo nya..varsity daw sya ng skul nila sa basketball..e nung makita ko ang height nya ..napapangiti lang ako dahil mas matangakad pa ako sa kanya..5'3 lang ako pero pag kausap ko sya e hindi kami mag ka eye level...at yung kinekwento nya na nag sawa na sya sa mga babae dahil daw nung highskul at college days nya e ang dami daw naghahabol sa kanyang mga babae dahil sikat sya..hindi ko tuloy mapigilan mapangiti kapag naaalala ko yang mga sinasabi nya ngayong kaharap ko sya...iniiisip ko nga kung varsity ba ng basketball ang nasabi nya o varsity ng sepak takraw! hahaha... Mas lalo akong naintriga dun sa sinasabi nyang "si mahal"..yung babaeng gustong gusto nya na sobrang ganda, maputi, sosyalera at head turner na may gusto din sa kanya... parang mas na curious ako dun kay mahal ngayon kaysa sa kanya..
Ok lang sana kung kahit hindi sya ganun kagwapuhan( yan ha! mabait pa din ako sa kanya.." medyo hindi kagwapuhan" ang term ko na ginamit ko) e kung gentleman lang sana sya..carry na yung itsura nya..kaso hindi ata naturuan ng proper ways kung paano mag treat ng isang babae e..
ok lang kung hindi nya ako type dahil hindi ako maputi...pero hello!!!! naman....pareho lang naman kulay namin...mas maputi pa nga ako ng isang ligo sa kanya..
itutuloy.....................
CLICK HERE TO READ MORE
|