Another Quote
Wednesday, April 30, 2008 | 13 comments
Sometimes you need to experience everything so that you would learn..there's no easy way in living life..so live it as it is..cry,laugh, be crazy..And don't miss the chances life is giving you because the most important things ARE NOT " THINGS" at all...most of the time they are "PEOPLE" making your life worth living..=)
CLICK HERE TO READ MORE
URGENT: TYPE AB (-)
Saturday, April 26, 2008 | 21 comments
Madaliang Blog lang 2...may pupuntahan din kasi ako... May mamang pumunta dito sa clinic at naghahanap ng type AB (-) na Dugo... Gustuhin ko mang makatulong ay hindi ako pwede dahil unang una anemic akong tao at pangalawa type A ang dugo ko...Kaya ako'y nanawagan sa inyong aking mga kaibigan kung sino man ang may dugong type AB (-)..pwede nyo po bang tulungan si MAng Edwin..e2 po ang kanyang numero..09276354481...Hindi ko po personal na kakilala ang taong 2..Ayon po sa kanya ang kanyang anak na si Rosita Abad apat na taong gulang ay naka confine sa LAgro Hospital dahil sa dengue..Wala daw pong stock ang Red Cross sa ngayon na type AB (-) na dugo kaya kahit may kakilala syang may gustong mag donate ng dugo ngunit ang mga ito ay hindi naman TYpe AB o yung tinatawag na palit dugo ay hindi din makakatulong dahil walang pampalit ang Red CRoss na Type AB (-)...Sana ay may tumulong sa kanya..Nagtanong na ako sa aking pamilya ngunit tatay ko lang ang may Type AB na dugo sa amin..Pero wala ang itay ko ngayon...=) Ako'y may pupuntahan pa...Lunes na ang aking balik=)
** UPDATE Kung wala talaga..A Prayer can do=)..thanks=)
CLICK HERE TO READ MORE
Just A Quote
Friday, April 25, 2008 | 15 comments
For Every Girl with a broken heart there's always a boy with a scotch tape..Adhesive is nice ..but time will come when the paste would wear off and the roll of tape would be empty..then the broken pieces of your heart would start falling again.. What you really need is a man who lovingly take the time to gather the fragments put them in a pot to melt ..only to reshape it with his heart as a mold..=)
CLICK HERE TO READ MORE
U N I B 4....I N X now
Wednesday, April 23, 2008 | 19 comments
Hindi na ba talaga pwedeng ibalik? Hindi mo na ba talaga ako mapapatawad? Ganyan ka na ba katigas ngayon? Ano ba ang dapat kong gawin para bumalik ka lang? Ano bang status ko sa iyo ? Mahal mo pa ba ako?
Yan ang mga tanong na nagpapahirap sa akin ngayon…Mga tanong na may sagot pero mahirap bigkasin..
Akala ko ba nagkasundo na tayo na kailangan nating maghiwalay para mag grow tayo pareho…
Akala ko ba tangap na natin na hindi talaga tayo para sa isa’t - isa..
Akala ko ba wala ng lingunan pabalik kapag humakbang na tayo ng pasulong..
Halos pitong taon mong hawak ang puso ko…Hindi ko hinayaang makuha ng iba dahil ikaw ang mahal ko at ikaw ang gusto ko makasama habang buhay.. Tiniis ko ang lahat ng pwede kong tiisin para lamang hindi mapunta sa wala ang ating pagmamahalan..Minsan na ding akong sumuway sa aking mga magulang upang ipagtanggol ka..Ikaw lang ang minahal ko at alam kong alam mo yan.. Pero dumadating din pala sa buhay ng tao ang mapagod..nakakapagod din pala ang magmahal..nauubos din pala ang pasensya.. dumadating din pala na magsasawa ako sa pag titiis at pipiliing umalis kahit ito’y mahirap..
Masaya naman na ako ngayon e kahit wala ka na..Naging Malaya ako matapos ang pitong taon na nakakulong sa iyo.. Libre na akong makikisalamuha sa ibang lalaki na walang iniisip na may magagalit o makakaapekto sa isang relasyon.may nakilala na nga akong CPA e..at sa unang pagkakataon pumayag na akong magpaligaw sa iba..malaya ko ng nagagawa ang mga bagay na hindi ko noon nagagawa nung tayo pa..Naging magulo man ang buhay ko nung nawala ka pero naging masaya naman ako . Pero aaminin ko ikaw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa din ako nagmamahal ng iba tulad ng pagmamahal na binigay ko sau noon..Ikaw din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay takot akong makipag komit..Takot na kasi ulit akong masaktan.. Takot na hindi na naman magiging maganda ang kahahantungan..
Madami na ang nagbago sa akin..Tapos na kasi ang mga araw na halos lingo lingo akong umiiyak dahil hindi ko nararamdaman na mahal mo ako. Lumipas na ang mga araw ng pambabalewala mo sa akin..Naging kampante ka kasi na kahit anong gawin mo babalik at babalik ako sa iyo dahil alam mong mahal kita pero tulad nga ng sabi ko..pwede din pala akong mapagod sa pagmamahal ko sa iyo…
Kagabi, tumawag ka habang umiiyak at itinatanong ang mga tanong na hindi ko alam kung paano sagutin ..Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman…tanong ko lang..Bakit mo kasi hinayaang mawala ang pagmamahal ko sa iyo? Bakit mo kasi inubos ang natitira kong pasensya? Bakit pa kasi kailangan mangyari ito?? Hindi ko makapa sa aking puso kung mahal pa kita…naawa ako sa iyo dahil ngayon mo lang na pagtanto na mahal nga kita kung kelan huli na…Naiiyak na ako… Dapat pa ba kitang pagbigyan? Hindi lang pangalawang beses o pangatlo o pang apat na beses kang humingi ng pagkakataon….at hindi ko din mabilang sa dami kung ilang beses kitang pinatawad..hindi ko na din mabilang kung ilang beses mo ako sinaktan at ilang beses kitang tinaggap ulit at minahal…
Tama na muna eto…mag iisip muna ako kung ano bang mas magandang gawin… May matindi ka kasing tanong na iniwan sa akin e??
“GUSTO MO PA BA AKONG PAKASALAN???”
Hindi na kita nasagot sa tanong mong yan..napabulong nalang ako sa aking sarili ng…..Gusto ko namang makasal kaso ang problema hindi ko alam kung gusto ko pa rin ikaw ang makasama ko sa harap ng altar at sa iyo sabihin ang mga katagang ‘I do”
** pasensya na..medyo madrama..kailangan ko lang mailabas kahit man lang sa pamamagitan ng pagsusulat=)
Plugging pala..tulad ng pinangako ko kay DONG HO…paki bisita po ang kanyang super nice blog na naglalaman ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa ating kapaligiran=)…hindi ako marunong maglagay ng link kaya paki hanap nalang po sya sa blog roll ko…=) salamat=)
CLICK HERE TO READ MORE
Mga Una Kong Larawan sa Blog
Tuesday, April 22, 2008 | 23 comments
Try ko lang mag upload=) Pictures ko sa outing!=)



CLICK HERE TO READ MORE
Emergency Daw
Monday, April 21, 2008 | 3 comments
Medyo maganda ang aking gising ngayong Lunes dahil nakapagpahinga(nakapagbakasyon na naman) ako ng 2 araw..Galing kami sa isang Private Resort sa Pampanga kasama ang aking pamilya at mga close family friends ng aking nanay..Matagal na nilang plano ang swimming na e2 at palagi na nila akong niyaya noon..Palagi din naman ang tangi kong sumama dahil nga sa feeling ko e mas mag eenjoy ako sa harap ng computer kaysa mag swimming..
Pero nung Sabado...last minute nagdesisyon akong sumama dahil na din siguro sa tindi ng init dito sa kamaynilaan..last minute ko din tinawagan ang bestfriend ko na sumama..tawag ako kay bestfriend....
KRINNGGGGGGG!!!!!! ako: hello gud morning tita, pwede po ba kay lalaine.. tita( lalaine's mom): tulog pa sya e.. ako: tita! pwede po bang pakigising..importante lang po ( sympre dapat medyo parang emergency ang dating ng boses ko para gisingin nya si lalaine. at kailanagn with conviction ang pagkakasabi ng EMERGENCY LANG PO!!..Kung matulog kasi etong bestfriend ko parang mantika ng baboy e..lols..)
gising ka! si rio nasa kabilang line...emergency daw!!( naririnig ko sa bakground)
Lalaine: hello, bakit?( halatang bagong gising ang boses)
Ako: tara! sama tau sa swimming nila mama...ngayon na aalis..mag bihis kana..may 5 oras ka pa para makapag ayos...
Lalaine: ano??!! ( halatang nagulat)..hindi pa ako naliligo..bat naman ngayon na agad? san daw pupunta..blah blah blah...( daming katanungan)
Ako: Lam mo mas mabuti ng biglaan dahil mas natutuloy..Kamusta naman kasi yung plano nating swimming?? Nung nag aaral pa ako sa kolehiyo natin balak yun ah.hanggang ngayon balak poa din..kaya sige na..mag bihis, maligi at mag empake ka na...
After 1 hour may tumawag na isa pa naming kaibigan si Lei...
Lei: Kmusta? Ako: oist! magbihis at mag empake ka na din...sama tau kina mama sa swimming.. ( Eto ata ang kaibigan ko na ever ready e!) isang simpleng sagot lang ang binigay sa akin.
Lei: Sureness!!..( hindi na pinag isipan ang sagot...hehe)
Tinawagan ko pa ang isa kong kaibigan kaso hindi sya makakapunta...magtatawag pa sana ako ng 3 pang kaibigan ng maalala kong sabit nga lang pala ako sa lakad na eto...hindi na din kasi magkakasya sa sasakyan kung mag aaya pa ako..dami ko pa naman sanang gusto isama para mas masaya...try kong i post sa next artik ko ang mga pics..=) Madalas na mas natutuloy ang mga lakad naming magkakaibigan kapag hindi namin plinaplano..tulad nitong Emergency daw!
CLICK HERE TO READ MORE
From Friendster Bulletin
Friday, April 18, 2008 | 15 comments
1. say something about ur lovelife. ◘ check operator service at under construction
2. fave song/s as for now? ◘ Someone to love by 3T
3. fave tv show as for now? ◘ im not into it...
4. last movie you saw? ◘ 10,000 B.C. sa SM Davao pa!! hehe..
5. most expensive object you bought with your own money? ◘ wala..wala akong pera e...
6. yosi or beer? ◘ wala...ano gagawin ko dyan??
7. what happened last night? ◘ meeting with an accountant...pero hindi yung si CPA na binabanggit ko d2 sa blog.. business yung pinuntahan ko kagabi hindi lovelife..hehehe
8. You've fallen in love? ◘ fell =(, fail=(
9. What song is currently playing? ◘ someone to love by 3t
10. any pets? what are their names? ◘ si Putot...kamamatay lang nung nanay nyang si Puti e...
11. do u have a bestfriend? ◘ yes
12. crush?? ◘ dami..kaso hindi nila alam...
13. which do u prefer? jollibee or mcdo? ◘ jollibee
14. favorite sports?? ◘ volleyball
15. ever broken someone's heart? ◘ i think so...sori di sadya=(
16. ever had your heart broken? ◘ ABSOLUTELY YES!!!!!
17. what did u do to the person who broke your heart? ◘ wala,,,deadma nlang...
SURVEY II
1. ANY PROBLEM?? ◘ sino ba ang wala??
2. YOUR MAIN RINGTONE? ◘ uhmm meme uhmm meme......
3. WHAT U DID AT 12 LAST NIGHT? ◘ tulog na ako nun habang nagtetext..hehe..ndi ko alam kung na send ko..
4. WHO WAS THE LAST PERSON U WENT OUT WITH? WHERE? ◘ si grace at si lester...last night..starbucks..
5. THE COLOR OF THE T'SHIRT YOU'RE WEARING? NOw ◘ pink..
6. THE LAST THING U DID? ◘ check e mail
7. 3 OF YOUR EVERYDAY FAVORITE ITEMS? ◘ keys, celphone, hanky
8. BESTFRIENDS? ◘ dami e..baka may hindi pa ako mailagay at magtampo....
9. HOW MUCH MONEY IN YOUR WALLET NOW? ◘ wala nga e...
10. How's life? ◘ wonderful....
11. HIPHOP or EMO? ◘ wala
12. WHAT WILL U DO NEXT WEEKEND? ◘ workworkwork!..
13. WHEN WAS THE LAST TIME U SAW UR EX? ◘ yesterday...kapitbahay ba naman kasi e...
14. WHERE IS SHE/HE NOW? ◘ sa work nya...ata!
15. WHEN WAS THE LAST TIME YOU TALKED TO YOUR BESTFRIEND? ◘ last night...maya maya mag kausap n naman kami nun...o kaya mag k chat..
16. WHO IS THE LAST PERSON THAT TEXTED U? ◘ si dok ivy
17. WHERE DID U HAVE UR DINNER LAST NIGHT? ◘ sa bahay lang
18. THE LAST SURPRISE YOU GOT? ◘ wala ngang nag susurprise sa akin e...
19. LAST THING U BORROWED FROM UR FRIENDS? ◘ ears..kailangan ko ng kausap
21. WHAT WILL BE YOUR WEDDING SONG WHEN YOU GET MARRIED? ◘ e di yung teng teng teteng...teng teng teteng....hahaha
22. WHY IS THAT?? ◘ everytime i hear that (song??) kinikilabutan ako...
23. WANNA SHARE WITH WHO? ◘ waaahh......kung sinong may gusto....
24. WHO KNOWS UR SECRET? ◘ me and my bestfriends
25. THEY KEEP UR SECRET? ◘ oo..jombagin ko sila kapag ndi! hahaha!
27. ARE YOU ANGRY WITH SOMEONE? ◘ nope...
28. WHAT DO YOU ORDER AT MCDO? ◘ cheeseburger and fries or nuggets
29.THE LAST TIME YOU FELT SO SAD? ◘ today
30. WHAT IS UR WISH FOR TOMORROW? ◘ sana maging maayos ang bukas..at sana mag text na sya...=(
...sensya na at wala tlaga akong sa mood magsulat ngayon...ginawa ko lang eto para may ma i post ako...hindi kasi maganda pakiramdam ko=) pwede nyo din tong gawin kung wala kayong magawa at ma i post..galing to sa bulletin ng friendster ko..=)
CLICK HERE TO READ MORE
Walang Maisip
Thursday, April 17, 2008 | 14 comments
Blangko ang isip ko ngayon ( as if naman nagkaroon ito ng laman!)..ilang araw na din akong nag iisip ng magandang gagawin sa buhay ( puro kasi kasamaan ang alam!)lols.. Wala rin naman akong maisulat na maganda dito sa aking nagiging sikat na blog..lols Natutuwa lang ako dahil sa loob lamang ng ilang buwan simula ng aking simulan ang aking kalokohan sa pagsusulat nararamdaman ko na unti unti na akong naadik sa pagbabasa ng ibang blog..hehe..para kasing walang kabuluhan ang pinagsusulat ko dito e..parang walang na iinspire( wala nga!..asa pa ako!)wala naman kasing ka inspire inspire sa mga sinusulat ko..kaya simula sa araw na ito napagdesisyunan ko ng isara....
Isara ang aking clinic at magconcentrate sa bawat artikulong gagawin ko.lols.. Palitan ko kaya ng Title ang bLOg ko...gawin ko kayang " The Diary Of a Hopeless Romantic Dentist" o kaya The misadventure of a Dentist...kung ilalathala ko dito ang mga nangyayari sa akin araw araw..malamang wala kayong ibang mababasa kundi puro pasakit,paghihirap at hinagpis ng isang pasyente ang mababasa nyo..hehehe...( hindi noh!) wala pa naman akong pasyente na naghurumintado at nagrekalamo sa barangay!..wala pa din naman akong natatanggap na death threats at wala pa naman kumukulam sa akin...lols.. pero mukhang may nagsumpa na sa akin at ang masaklap pa sa lovelife ko ata...(waahhhhh!!! walang ganunan....) Kung bakit ba naman kasi ako kumuha ng ganitong kurso? ewan ko din sa sarili ko..Pag tinatanong naman ako nung bata ako kung ano gusto ko paglaki ko sagot ko lang naman ay " Gusto ko paglaki ko hindi na ako pipiliting matulog sa hapon" ..badtrip kasi yung inday na nagbabantay sa akin nung ako'y musmos pa lamang e..pinipilit akong matulog kahit kagigising ko lang...naiistorbo ko kasi sya pag nakikipag tong its sa isang inday sa kabilang bahay e..kaya pilit akong pinapatulog para walang iistorbo sa kanya...pag nanalo naman sya ng tong its nililibra naman nya ako ng fishbol..yun ang naging dahilan kung bakit ako na ospital...nagLBM kasi ako sa fisbol na pinakain nya e..kaya simula nung araw na yun...Bananaque nlang ang nililibre nya sa akin... hay...wala na talaga akong masulat....=) babawi tlaga ako sa susunod...epekto pa din kasi eto ng isang pasyente ko kahapon na may alien na ngipin e..ang HIRAAPPPP BUNUTAN...
CLICK HERE TO READ MORE
Pasalubong na Tag ni sis lilmispaway
Wednesday, April 16, 2008 | 11 comments
You Are Boyish Sexy
|

You're the kind of girl who gets along with all the boys
Whether it's holding your own in a game of touch football...
Or kicking some major butt while playing Xbox.
You hang with the guys easily, while still keeping your girly sexiness.
|
sakto yan..mukhang ako nga yan..=) pasalubong na tag ni lilmispasaway..hehehe...tag ko naman si lalaine, karmi, de lyzius,eloiski at ifoundme....
CLICK HERE TO READ MORE
April 15
Tuesday, April 15, 2008 | 16 comments
HUH? April 15 na pala at halos tatlong araw na din pala akong walang bagong post..Paano ba naman 3 araw na din akong naiinis sa friendster..ayaw mag upload ng mga pictures ko...ang dami pa naman nun 550 pics..hehe( hindi naman ako adik sa pic!)..tinulungan na nga ako ni sundalo para mapadali ang pag uupload ko e kaso kailangan ko pang mag down load ng flash achu chuchu....kakainis talag friendster..isang pic lang ata ang kayang i upload nito sa isang araw e..at isa rin pala sa mga dahilan kung bat ngayon lang ako nakapag sulat ay dahil na aadik ako.....
na aadik ako sa pag babasa ng ibang blogs..natutuwa ako sa mga kwento ng kanilang buhay, naaliw ako sa mga commento, nagagandahan ako sa mga litratatong i pino post nila, nag update din pala ako ng blog roll..whew! buti at nagawa ko din!..halos lahat ng nasa blog roll ko ay binibisita ko araw araw..may nakakalungkot na kwento, nakaka inspire, nakakatakot at minsan may mga blog pa na bastos, may malapit ng magsara na blog..( wag naman sana nila ituloy ang pag dedelete ng blog nila!) kakalungkot e.. ....kaya hangang ngayon hindi ko pa matapos tapos ang assignment ko sa ortho class ko..hehe..nakakabaliw naman kasi yang tracing namin..d bale bukas baka...baka simulan ko na..sa lunes pa naman kailangan e..
April 15 nga pala ngayon..sweldo na naman ng mga empleyado..huhu..ako wala pa ding sweldo galing sa magulang ko..hehehe..
Hmm...April 15 ngayon..ngayon ang araw ng huling pag fifile sa BIR ng income tax..ngayon ang huling araw na magiging busy ang mga CPA...hehehe..naalala ko na naman si CPA..tawagan na nya kaya ako bukas?? ( wee..asa pa ako!)..
hmp! tama na nga to...magbabasa nlang muna ako ng ibang blog at mag upload ng mga pics...sana naman umokey na ang friendster..sana mag upload na..wag sana akong abutin ng 10 years sa pag u upload...
CLICK HERE TO READ MORE
I Just Did
Saturday, April 12, 2008 | 21 comments
Nag uumpisa na ako kaninang gumawa ng aking i popost tungkol sa iba't ibang pangalan ng mga ipin ng maisipan kong napakahirap palang mag explain kung walang picture kaya eto nalang post ko at dahil na rin sa init ng panahon tinatamad akong mag type ng aking entry ..naaliw lang ako dito kaya share ko nlang sa inyo....
dude : I love her more than the air I breath chick : well im always here for you. dude: I know. chick: What's wrong??? dude: I like her so much. chick: Talk to her. dude: I don't know. She won't ever like me. chick: Don't say that. You're amazing. dude: I just want her to know how I feel. chick: Then tell her. dude: She won't like me.
chick: How do you know that? dude: I can just tell. chick: Well just tell her. dude: What should I say? chick: Tell her how much you like her. dude: I tell her that daily. chick: what do you mean? dude: I'm always with her. I love her. chick: I know how you feel. I have the same problem. But he'll never like me. dude: Wait. Who do you like? chick: Oh some boy. dude: i'm sure he'll love you. chick: naa.. he won't like me. dude: Oh... she won't like me either. chick: She does. dude: How do you know? chick: Because, who wouldn't like you? dude: You. chick: You're wrong, I love you. dude: I love you too. chick: So are you going to talk to her? dude: I just did.
... alam nyo kung san ako naaliw?? dun sa linya ng guy na... "i just did"....hehehe..(oo na!! alam ko mababaw akong tao!).. sana .sana....waahhhh....sana may ganitong eksena rin ang buhay ko...
CLICK HERE TO READ MORE
Halo Halo ang Sagot sa Summer
Friday, April 11, 2008 | 13 comments
ang iniittt!!!!!!!!!!!!!!.... sobra naman ata ang summer ngayon? nanunuot sa aking kalamnan ang init ng sikat ng araw..mukhang tratrangkasuhin na nga ako e. may sipon at ubo na ako..sana ubo nalang wag nlang sipon..ayaw na ayaw ko kasi yung sipon na basta basta nalang dadaloy sa aking naglalakihang butas na ilong ..tapos kung ayaw nya lumabas sa ilong sa mata naman sya lalabas..itsura ko tuloy parang babaeng nag let go ng isang CPA na natutunang mahalin kahit hindi pa nakikita...( huh!? parang ako 2 ah!) hehe...nyway, isa ata ako sa mga taong naniniwala na mas maganda pa rin ang water theraphy kaysa inuman agad ng gamot..umiinom lang kasi ako ng gamot kung talgang malapit na akong maging bedridden..pasaway din talga ako e..oo, doktor nga ako pero pag nagpapakonsulta ako pasyente pa din ako na matigas ang ulo ( wag sana mabasa eto ng mga pasyente ko baka gayahin ang katigasan ng ulo ko)
Heto ngat kahit may ubo at sipon na ako e panay pa din ang kain ko ng halo halo ni aling tina dyan sa canteen malapit dito sa clinic..ang sarap kasi e..habang tinutunaw ko ang yelo ramdam ko na kung anong lamig ang maihahatid nito sa aking lalamunan at kung papaano nya palalalain ang aking ubo't sipon..kalimutan ko na muna ang huling nasabi ko basta ang importante kahit man lang lalamunan ko e malamigan...daming sangkap ng halo halo ni aling tina..may langka, ube,mongo beans ba 2?, mais, mangga,sago,kamote,saging, madaming gatas at madaming yelo..at ano etong kulay itim na malaki??? huh?? langaw??waahhhh....bat may langaw?? kainis naman o!! isusubo ko nlang naudlot pa..pero d bale...carry to..wala pa naman isang oras e..sayang naman kung itatapon ko...kaso..hmp! bahala na..masama naman ang sobrang linis sa katawan e..hindi ko na tatapusin etong artik ko..bahala na kayong mag isip kung kinain ko ba yung halo halo o hindi...
CLICK HERE TO READ MORE
Nang Maalala ko Ang Aking mGA Nilalaro
Thursday, April 10, 2008 | 6 comments
Parang masaya ang mga laro noong bata pa ako kaysa sa mga laro ngayon…pisikalan ang laro noon dahil talagang pagpapawisan ka sa mga laro.Dapat lagi kang may handang band aid at mahapding alcohol (aarrraaayyyy!!!!!! Halos isumpa ko ang kalaro ko sa hapdi ng alcohol na nanunuot sa aking malalim lalim na sugat sa tuhod! dulot ng pagkakatulak sa akin sa larong mataya taya).Patago kong ginagamot noon ang mga sugat ko dahil kapag nalaman ng nanay ko siguradong hindi na ako papayagang lumabas ng bahay… Bawal ang hikain at payatot!! Walang gustong kumampi sa iyo pag mahina ang katawan…kaya minsan sila ang tinatawag na saling kit!!o saling pusa..Yung tipong sinasali nalang wag lang kaming sugurin ng mga nanay nila at sisihing bakit hindi namin sinasali ang anak nila… Kailangan mo din gumamit ng mentalidad..dapat marunong ka ding manduga!! ( salitang kanto!) Kundi mabuburot ka sa mga laro!.. Dapat emotionally prepared ka din….dahil kung hindi!!.... palagi ka nalang iiyak pag nag umpisa ng magtuksuhan at malapit ka ng matalo sa mga laro.
Piko ang pinakapaborito kong laro.. may nalalaman pa akong mas maganda ang pamato ng balat ng saging kaysa sa manipis na bato.. (pipilitin kumain ng saging at kunwaring mapagbigay sa kapatid at hahatian ng saging para lang mabilis maubos ito at magamit ang balat ng saging para maging pamato..sasabihin ko pa sa kapatid ko na “ sabi ni mama kainin mo daw ang kalahati nitong saging kundi papaluin ka! Ang kawawa kong kapatid kakainin naman!!(big grin akong ate nyang sadista!) Habang labas pasok ang uhog sa ilong nya at pinilpilit nyang ubusin eto..)
May mga koleksyon din ako tulad ng holen (mas makulay mas maganda!)goma ( mas makapal mas malamang ka sa larong pitikan!..mas manipis mas may pag asang manalo sa larong dampa!.at pag nakaipon na ako ng madami gagamitin ko na ito para sa laro kong 10-20 at Chinese goma! Ndi Chinese garter!..hehehe)natatandaan ko pa na halos mapuno ang aking bisig sa dami ng gomang nakasabit sa akin..pinagagalitan nlang ako ng nanay ko dahil hindi ko talaga eto tinatangal kahit maliligo na ako!!153 ang gomang meron ako ( e pano kung magkulang?) pawis, dugo at maingat na pandaraya ang puhunan ko para lang makaipon ng ganun karaming goma..at tex( kailangan alam mo kung paano mag bilang ng i-sa tsa, da-la-wa tsa..kasama sa bilang ang tsa.., reject ang tex na may hati ang gilid kapag hinipan mo.) nakukumpleto ko ang isang set ng tex noon..para kasing isang telenovela ang laman ng isang set ng tex..may calicature at script ang bawat tex..nakumpleto ko ang tex tungkol kay Joe Pring part 1 hangang part 3, Zuma, Kaptain Barbel, Maging Sino ka Man, Kambal Tuko,jack ang jill at madami pang iba..
Trip na trip ko din ang larong pamela one,sasara ang bulaklak,langit lupa(ano ba ba yung kanta nun?? Hmm..langit lupa impeyerno..im im imperno!..di ko na memorize ah..samantalang dati ako ang pinakamalas kumanta nyan..)save 1-2-3( yung tipong magpapahabol ka sa kalaban at pag hinabol ka ng kalaban hahabulin naman sya ng isa mong kakampi..kailangan mas mabilis tumakbo ang unang nagpahabol ,kailangan wag hahayaang walang bantay ang inyong base kundi talo kayo!).
May ibat ibang paraan kung paano kami mag grugrupo…. Tulad ng maiba,iba, dalawa lang naman yan e..pagnakataob ang kamay mo itim yun kapag nakalahad ang palad mo puti naman yun…sympre hindi pwedeng walang dayaan dun..bago pa mag umpisa ang maiba iba nayan nabulungan ko na lahat ng gusto kong kakampi na puti kami…kahit anong mangyari wag itataob ang kamay para kami-kami ang magkakampi..e kaso minsan may nakakatiktik sa strategy namin at alam nila na malakas ang grupo namin kaya naman hindi din patitinag ang gustong grumupo sa malakas na team lagi din puti ang pinipili..aabutin nlang kami ng halos 10 minuto pero walang natitinag..kaya ang isang solusyon e ang walang kamatayang bato bato pik…pag panalo equals puti pag talo equals itim…( lubdublubdub!!.... nanalangin na manalo upang di mapunta sa mahinang grupo! ) halos lahat sisigaw ng bato bato pik! … Papel ang kalaban at ako??? Guntiing!!! Hahaha!! Daing ko pa noon ang nanalo sa lotto dahil ibig sabihin nun dun ako sa gusto kong grupo!...
Nakapaglaro din naman ako ng larong di kailangan masyadong mag effort..tulad ng SUMPIT!! Materyales na kailangan sa larong sumpit: a. Buto ng mongo-huwag pahuhuli kay inday na binabawasan mo ang supply nya ng mongo sa kusina kundi kurot sa singit ang abot mo.. b. Matigas na straw- makikita sa mga fastfood chain..kumuha na ng madami para may extra kang straw pang sumpit! c. At higit sa lahat!! Biktima- trip na trip kong gawing biktima ng sumpit ko ang aso ng kapitbahay namin na katali lang…kawawa yun sa sumpit ko…wala syang magawa dahil nakagapos sya..kaya minsang nakawala yun ako ata ang unang hinabol..waahhhh..buti nlang bibo ako nung bata ako at di ako inabutan…pag nagkataon, San Lazaro Hospital ako at 24 injection sa pusod ang katapat ko ay!! 25 injections pala including anti tetanus!!.
Bakit ko ba nasulat ang artikulo eto?? Dahil d2 sa loob ng computer shop di ko alam yung nilalaro nilang ragnarok, counter strike at DOTA…di ko maintindihan bakit adik n adik ang kapatid ko dito..Siguro ayaw nyang maranasan ng kapatid kong sumunod sa kanya na kailangan pakainin muna ng saging para lang may pamato sa piko…
Mas gusto ko pa din ang mga laro nung panahon ko….lakas lang ng resistensya ang kailangan at pagalingan lang ng strategy o mas mainam na sabihin na pagaling lang ng paraan ng pandaraya ang kailangan para sumaya..libre pa!!..di kailangan magbayad ng 10piso kada oras para makapaglaro!.
CLICK HERE TO READ MORE
Tag ( By Rachel)
Wednesday, April 9, 2008 | 2 comments
This was a tag from rachelle. post the list, invite 5 bloggers, and add your blog to the list. It’s really like the pyramid concept except that you don’t have to pay anything.
Abie - Journey to Life • Abie- MyPlanetPurple • Bela • Kaptyurb by Howell • Vannie • Vannie2 • Aggie • Apols • Apple • Thea • Jacqui • Jane • Jody • Joy • Kelly • Mich • Peachy • Vien • Nick • Meeya • Meeya’s Memes • Meeya’s Parties • Munchkin Mommy • Mapped Memories • Cafe Munchkin • Heart of Rachel • Evi’s Butterfly Journal• Life is fun by Rachel • Jepoy • Pinoy Showbuzz • Eating & Sleeping with Mocha • Pinoy Raket • GameOPS • Lalaine • Diary of a Dentist
tag ko si karmi, sundalo, Dong, linglingbells and lilmispasaway * lalaine..na tag kana ni rachelle..gawin mo din 2..hindi ko alam kung tama ang pagkakagawa ko..hehe..
CLICK HERE TO READ MORE
|