Malapit na ako umuwi
Sunday, March 30, 2008 | 11 comments
April 3 2008 araw ng pagbabalik ko Manila..... Maasikaso ko n ng maayos ang blog ko.. nmimiss ko ng magbunot at magpasta na mimiss ko na mga kaibigan ko at pamilya ko.....
Sa aking pagbabalik....abangan ang aking kwentong pag ibig , adventure at katangahan.heheh=)
CLICK HERE TO READ MORE
Sa Aking Nalalapit na Kaarawan..
Monday, March 24, 2008 | 14 comments
Malapit na ang aking ika bente sais na kaarawan at kung sweswertehin nga naman ako ay dito ko pa sa probinsya gaganapin ito( sponsor ko lola ko..roundtrip ticket manila to davao to cotabato )....
Pangalawang beses ko ng macecelebrate ng birthday ko dito.. Una ay noong mag sisix years old ako at ngayong mag bebente sais ako..halos 20 years na din pala ang nakalipas…waahhhh!!!!nararamdaman ko na ang edad ko… hindi ko na masyado matandaan ang nag yari noong una kong celebrasyon ditto.. ang natatandaan ko lang ay hindi ko kilala ang mga bisita ko( ganun pala dtto sa probinsya kahit hindi imbitado ay pupunta..walang sinabi ang mga gatecrashers sa manila…..dito hindi lang nag gagatecrash…nag uuwi pa ng pagkain at eto pa hindi lang isang mymbro ng pamilya ang mag gagatecrash kundi LAHHAATTTT ng miyembro….pati aso nila!!!!!...Aneweis…baka ganun tlaga ang kalakaran dito..hehehehe…namamanol lang siguro talaga ako (manol= tanga) kitams natututo na ako ng salita nila….
Hmmm…..sa ika beinte sais kong nalalagi dito sa mother earth ano ano naba ang mga natutunan ko sa buhay at ano ano na ba ang nag iba sa aking lifestyle?
Nalaman kong mahirap makakita ng totoong kaibigan kaya kapag nakakita ka I treasure mo na at ingatan na parang diyamante!! Hindi gawa sa mga diyamante ang mga kaibigan ko isa lang silang ordinaryong taong pagala gala dyan sa tabi tabi pero para sa akin sila ang nagbibigay kinang sa buhay ko…( swerte ko at nakakita ako!) alam nyo na kung sino sino kayo!..pagnabasa nyo ito at feeling nyo isa kayo d2..totoo yun! Isa ka nga!...
Naranasan ko din ang mahalin at magmahal ng totoo…halos walong taon akong umiibig at inibig ng iisang lalaki lang…pwede tlagang maging faithful ang isang tao kung gugustuhin nito..Naging masaya, malungkot, nakakainis, nakakatawa,nakakapagod ang relasyon naming dalawa. Sa kasamaang palad may mga bagay talaga na hindi natin masasabing ito na…Minsan binibiro tayo ng tadhana at sa hindi inaasahang pagkakataon kailangan maghiwalay kami(sigh! Naiiyak na naman ako!)…Ang natutunan ko lang dito ay alam mo kung kelan ka lalaban at kung kelan ka na dapat sumuko….Alam mo kung kelan dapat ibigay ang pagmamahal mo at kung kelan dapat pakawalan ang taong minamahal mo(pati uhog ko tumutulo na!)…masakit at mahirap pero talagang ganun dapat!!..Kailangan naming mag grow separately!! (Move on rio!!....)
Kailangan ibalik sa kapwa ang mga biyayang natatamo ( Kahit palagi akong late sa dental service na pinupuntahan ko lagi naman akong present!) napakalayo naman kasi naman nun e..sa Binondo pa!!minsan out of town......Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera mas pipiliin ko nalang sumama sa mga dental mission na yan e at magbigay ng libreng serbisyo…Kahit ata gaano kadami ang nagiging pasyente namin sa maghapon hindi ko nararamdaman ang pagod!! ( lalo na kapag masarap ang pagkaing naghihintay sa amin!) yun yun e!! hehehe…
Napag alaman ko din na kapag pala tumatanda na ang isang tao hindi na masyadong pinupuna ng magulang ….hindi na ako binabato ng nanay ko ng tsinelas kapag telebabad ako sa telepono…( kung bakit kasi hindi pa masyado nauso dati ang cellphone at mga unlimited na kol and text n yan e..e di sana hindi ako bumubulong sa telepono at hindi nagtatago sa likod ng sofa namin wag lang ako mahuli ng nanay ko na nakikipag telelebabad…
Hindi na din ako ginigising ng maaga..ewan ko kung bakit??? At kapag ginagabi ako ng uwi hindi na ako nakakarinig ng mahabang homily ( sermon) galing sa nanay ko…tinatanong nalang ako kung may pasalubong daw sya!! Hehehe..dati dati ako ang nang hihingi ng pasalubong sa kanya..ngayon ako na ang hinihingian…kaya para iwas ako sa sermon kahit hopya inuuwiian ko ang nanay ko at mga kapatid ko…
Nagagamit ko na din ang salitang “ yang BATA kasi nayan e… hehehe..kala mo ang tanda ko na para gamitin ang salitang BATA pantukoy sa mga kapatid ko…
Humahaba din ang pasensya ko ..kung dati 5 mins lang e naiinip na ako ngayon, ay nagbago na ako 6 mins bago ako tuluyang mabadtrip! Sa kaaantay!!
May mga nagmamano na din sa aking mga bata..tulad ng pamangkin ko at mga inaanak ko…( dumadami na ang mga malas na bata….cannot be reach ako pag pasko!.hehehe)..kung bakit ba naman kasi trip na trip akong kunin ng mga kapitbahay namin bilang ninang ng mga anak nila…sa totoo lang wala akong pera!!
Hindi na din ako napipilit ng nanay ko na lagyan ng bangs..may picture akong para akong ewoks dahil sa lechugas na bangs nayan!..nasa baul na ngayong yung picture na yun! After hurtful break up ( singhot ng sipon) nalaman kong madami pa palang papabol na naglipana sa mundo.(big big grin) .
Natutong magchat, mag friendster( mag stalk sa friendster ng mga old crushes!), mag e mail, at recently mag blog! Umibig sa tao(kung tao nga ba yun?) sa loob ng cyberworld..(umiibig, natuwa, kinilig at nasaktan..bumangon at umibig ulit) hindi ba parang isang kabaliwan yun?? Umibig sa taong hindi pa nakikita?? Ewan ko!! Basta ang alam ko umibig ako at nasaktan( sus!! Paulit ulit na ako!!)..dapat 3 beses kong ulitin yun! 3 beses kasi ako umiibig sa cyberworld e…lahat naman yun mga pinoy..napatunayan ko na mas mabola ang pinoy sa cyberworld kaysa sa real world…
Naiba na din pala ang tawag sa akin kung dati ay simpleng rio o kaya ay e-yo lang ang tawag sa akin.. ngayon e may kaakibat na na doctor sa aking pangalan…(sa totoo lang nahihiya pa din ako pag tinatawag ako na dok!!) mas cool kasi kung yo! o kaya simpleng rio lang o kaya tol, pare, bruha ang itawag sa akin..mas feel ko yun..
Sa halip na holen, tex at goma ang aking hawak..ngayon ay highspeed( o yung tinatawag na barena ng aking mga pasyente),pliers para sa pambunot ng ipin light cure para sa pampasta.
Size 9 na ang paa ko…mas lalong mahirap maghanap ng sapatos na gusto ko..( idea lang baka may gustong magbigay ng regalo!!) hehehe
CLICK HERE TO READ MORE
1st tag!! ( by sis lilmispasaway)
Wednesday, March 19, 2008 | 7 comments
Rulez: Use the first letter of your name to answer each of the following. Your answers have to be real places, names, and things. Nothing made up! Use different answers if the person who answered the survey before you had the same initial letter. You can’t use your name for the boy/girl name question.
akala nyo madali lang ano? pwes.. wala lang haha.. eto na mga tanong at sagot ko
Your name Rio Four words resourceful,respectful,resistable,riot!! hehehe State/country Rome
Boy name Ron
Girl name Rina
Occupation Retailer ng load!! hehehe...occupation din naman yun db??
Word that describes you the best resourceful...hehehe
Something you can wear rug..lahat naman ng damit ko mukhang rug e...pulubi lang kasi ako!! lol
Something found in a kitchen red fork and spoon...
Name one object that is so valuable to you rosary
Something you shout rock on!!!
Something you do at school read!!read ng pocketbuk habang math class!! read ng love letter kapag filipino time..lol
Name of a friend/schoolmate ryan!! fren ko na naging crush ko..
Name of an animal rooster....
Name of a drink ready to dring milk!! wala ako maisip!!
Name of a holiday Rizal day
Name of a subject in school Reading Comprehension, Religion na laging tinutulugan!!
Name of a cousin REn,Ron....
Name of a fast food chain rosamistika KTV bar!! hehehe.....wala ako maisip
Name of a person you’re crushing or had a crush on Regie, Ryan, Ronald waahhhh..ang dami noh!! kumpleto ako sa pangalan simula A-Z parang centrum ako pagdating sa dami ng crushessssssss.................yang 3 yan crush ko at somehow may crush din sa akin..hehehe
Name of a food you like raw fruits!! hehe....
Name of a food you do not like red sili!!..awtz!!!
Name of a kid’s toy robot
Name of a flowering plant rose, rosal...
Name of a shopping mall Robinson's MAll...
Name of a person you like Regie
Name of a person you dislike Regie din...hehehe..confusing noh!!??
Name of place in your school Row 1-2-3-4..hehehe
Name of an object in front of you Ragnarok!! waahhhhh.hirap!!!
CLICK HERE TO READ MORE
Lo,Namimiss kana ni Lola..
| 13 comments
Isa sa mga dahilan ng pagbabakasyon namin dito ay ang pagdalaw sa puntod ng lolo ko...( alam ko holy week ang celebration this week at hindi all soul' day)..hindi naman nakakatakot ang i popost ko e...gusto ko lang i share ang nakakaantig na eksena sa sementeryo..... Pinagbihis kaming mag pipinsan ng lola at dadalaw daw kami ky lolo...
Naghapahanda na sya ng bulaklak at kandila para dadalhin namin..
may apat na taon na ding pumanaw ang aking lolo...akala ko naman at ok na ng lola ko..masayahin pa din naman sya after nung namatay ang lolo pero hindi kading masayahin nung buhay pa eto.. pagbaba ng sasakyan binati nya agad ng " hello papa" ( pa at ma ang terms of endearment nilang 2) ang puntod ng lolo...mag sisimula na kaming magdasal ng biglang gumagaralgal ang boses ng aking lola..naiiyak na sya...kinuha ko na ang rosaryo sa kanya at kaming magpipinsan nlang ang nagpatuloy sa pagdrasal...
Nalulungkot ako para sa aking lola...saksi ako sa pagmamahalan nilang 2 kahit minsan ko lang sila nakasama noon...halos hindi mo mapaghihiwlay silang 2..kung asan ang lolo andun din ang lola...minsan nga nakatulog ang lola sa upuan ng sala..kahit masikip ang upuan at maluwang ang kwarto mas pinili pa rin ng lolo ko ang tumabi sa lola ko sa masikip na upuan kaysa matulog sa maluwag na kama sa kwarto..( ang sweet noh!)...nag tatampuhan din sila noon...pero sandali lang..tumatahimik ang isa sa kanila pag galit na ang isa...hindi tumatagal ng oras ang away nila...
Sayang nga noon e...ready na kaming lahat para i celebrate ang kanilang 50th wedding anniversary ng atakihin ang lolo ng aneurysm...kita ko talga sa mata ng aking lola ang lungkot!!!
Tama na muna to!! naiiyak ako pag naalala kong nalulungkot si lola...
Sana ko din makakita ng lalaking tulad ng lolo ko...yung tipong kamatayan lang ang nakakapaghihiwalay...at kahit wala na sa mundo ang isa..mahal pa din nila ang isa't isa...
Sabi ng lola sa akin..kung gusto ko daw makakita ng tulad ng lolo...ipinagdadasl daw yun...
Isa yan palagi sa mga dasal ko ang makakita ng isang lalaking magmamahal ng totoo sa akin....
AT para sa iyo lolo...san ka man nandoon...mahal na mahal ka ni lola...maswerte ka din sa kanya dahil ikaw lang ang minahal nya hanggang ngayon....
Gagayahin ko din ang lola ko...mamahalin ko din ng lubos ang lalaking makakasama ko...ika ng nila' Till death do us part"....
CLICK HERE TO READ MORE
Hirap maging MAnilena
Sunday, March 16, 2008 | 10 comments
kakamiss mag blog kaya kahit andito ako sa province pinilit kong maghanap ng internet shop..ayaw ko naman matulog tong blog ko ng 2 Linggo no... Natatawa ako sa sarili ko dito..ang hirap talaga ng may language barrier!! hindi ko maintindihan mga salita ng tao dito..pinaghalong ilonggo at ilokan..may cebuano din ata!! Share ko mga nakakatawang nakakatnga experince ko dito!
Bumili ako sa tindahan ng tinapay..bago ako umalis ng bahay tinanong ko lola ko kung ano ang translation ng 'Magkano po ito? sa ilokano.. sabi nya: tigmamano ang pagkakaintindi ko: tigmamanol!
kaya nung bumili ako sa tindahan sabi ko sa tindera...miss tigmamanol?? with full of conviction pa yun!! bigla ba naman ako tiningnan ng tindera ng masama...sinungitan pa ako...nagatataka naman ako kung bakit??..naka smile naman ako nung nagtanong ako kung tigmamanol e2??...
pag uwi ko...kwenento ko sa kanila na sinungitan ako ng tindera..kwenento ko ang nangyari....sobrang tawa sila dahil bakit ko daw sinabi na tigmamanol?? dapat daw tigmamano!! ang manol pala is tanga!..hehehe.. sorry! di ko alam...akala siguro nung tindera sinasabihan ko sya ng manol...(peace miss!)..
eto pa...may batang dumating sa bahay...kinukulit ko yung bata....sabi sa akin...ate kusi-on kita ha!!..ako naman si tanga! umo-o..tapos bigla ako kinurot nung bata ng pagkapino pino...waahhh!! kung hindi lang bata yun baka nasapok ko yun e...sabi ko sa kanya bakit mo ako kinurot??!! sabi nya nagpaalam naman daw sya na kukusi-on nya ako at umoo naman daw ako!!..hehehe..oo nga naman!! with consent nga naman ang ginawa nya!
eto pa ang iba kong salitang natutnan:
tambok: mataba aguray: antay ( nung sinabi ng lola ko yan akala ko nagpapabili ng gulay sa akin) badtit: maliit (akala ko panget na ipin) banger: sa kabila ( hindi ba pang rakista na salita e2) uyab: bf or gf mingaw: na mimiss dili: hindi dagan: takbo
MANOL: tanga! TIGMAMANO: magkano!
hehehe...aalamin ko pa yung iba nilang salita....
till my next post!!
waahh.............paano pala ako uuwi?? hinatid lang ako dito ng uncle ko sa shop?? ano sasabihin ko sa driver?? " manong dyan lang po sa------..di ko alam lugar ng tito ko....badtrip!! pareho din kaya ang paraan ng pagpara nila tulad sa manila na " manong sa tabi lang po o kaya para"...
Umarte nalang kaya ako ng pipi at bingi....magbabayad nlang ako ng beinte tapos mag sisign language na dyan lang( pano ko kaya gagawin yun??) hay naku!! pag ako nabadtrip!! eenglishin ko sila...
teka ano ba english ng (para??) MAnong STOP!!! hehehe.....yun ba yun???
CLICK HERE TO READ MORE
Bakasyon MOde Muna Ako!!
Wednesday, March 12, 2008 | 11 comments
waahhhh........kailangan ko ng umalis bukas papuntang Davao...biglaan kasi ang alis na eto..ang usapan march.18 pa..Yung lola ko kasi e..nagmamadali!!...gusto nya nang makapunta sa probinsya.na mimiss na nya siguro yung kanyang tunubuang lupa..hehehe..galing kasi sa america si lola..bilib nga ako at mag isang nag byahe si lola galing america papuntang pinas...at the age of 80 plus! hehehe..di ko alam kung ilang taon na ang lola ko...(walang kwentang apo!!)...
Baka April pa ang balik ko..waahhh...sana uso ang internet sa bayan ng lola ko..para kahit andun ako nakakapag update ako ng blog..kapag walang internet baka kausapin ko nlang yung baboy na alaga ng uncle ko dun at dun ako maglalabas ng sama ng loob..lol...ma mimiss ko bestfriend ko at si...hehehehe..sana lang may signal ang sun dun!! ( asa pa ako kung d2 nga sa manila mahirap ang signal dun pa!)..
Para akong papasok sa bahay ni kuya nito ah!!( yung isang reality show sa TV kung san mag iiba ang buhay mo...soul searching ba??hehehe..)
Sana lang pagbalik ko dito sa manila...ok na ako...hehehe..ok naman ako e!! ( mukha mo rio!..dream on!)...nababaliw na ata ako at kinakausap ko na mag isa sarili ko..!!!
till my next post!!
CLICK HERE TO READ MORE
Nag magkomento ang mga Bloggers...
Tuesday, March 11, 2008 | 5 comments
6 comments...huh? kanino kaya galing?,,,whew!! may nagkomento na sa aking blog galing sa mga bloggers na binisita ko... Iba pala ang pakiramdam kapag may nagbabasa na ng mga ginagawa kong artikulo base sa madrama kong buhay...sobrang natuwa ako dahil hindi ko inaakala na may magtyatyagang magbasa ng blog ko...salamat sa mga nagkomento hindi nyo alam ang sayang naibigay nyo sa akin..kay itot54joni na nakachat ko na din kaso kailangan gamitin ang telepono ng bahay namin kaya sandali lang ang aming pag chachat Badtrip!!hehehe..sana maka chat ulit kita...,buhaybarracks na magka link na kami...kay buraot na nalaman ko na nag lolock pala ang 7-11 pag madaling araw!! lol..kay yeye..salamat po=) kay karmi na isa sa mga unang nag bigay ng komento sa akin dati...salamat din kay kuya bojie at sa bestfriend kong si lalaine=)... Nagyon alam ko na kung bakit napupuyat ang bestfriend ko dito sa blog world..ganito pala kasaya dito...nasasabi mo ang mga niloloob mo,problema at kuro kuro at nabibigyan ka ng mga payo galing sa mga di personal na kakilalang mababait na tao... Binalikan ko ulit ang mga bahay ng taong binigyan ko ng komento..natuwa din ako dahil sinasagot din nila ang mga komentong iniiwan ko sa kanila.... Salamat sa magandang teknolohiya....dumadami ang aking nagiging kaibigan...natututo din ako sa kanilang mga buhay buhay!!...sana lumaki pa ang pamilya nating mga nag bloblog!!....=)
CLICK HERE TO READ MORE
Arrow!
Saturday, March 8, 2008 | 2 comments
pag gising ko kaninang umaga eto ang text na nareceived ko galing sa isang colleague ko..
An arrow can be shot only by pulling it backward.. so when life is dragging u back with difficulties, it means that its goin 2 launch you into something great!!
baka nga hinahatak palang ako ng Diyos ngayon para sa magagandang mangyayari sa buhay ko..tigas din kasi minsan ng ulo ko e..baka nahihirapan ang Diyos na hatakin ako..minsan kasi gusto ko madalian..e mukhang hindi naman pwepwede yung gusto ko.. hay!! kelan kaya pakakawalan ng DIyos ang arrow ko?? mukhang malayo layo ang patutunguhan ko ah!! ok lang..antayin ko nlang ang araw na yun at kapag dumating yun.. at pag nangyari n ayun..e enjoy ko tlga bawat segundo nun!! baka kasi matagal na naman bago masundan..hehehe.
na e-excite naman ako...!!!
CLICK HERE TO READ MORE
Walang ma i -Post
Friday, March 7, 2008 | 0 comments
1. Why did you stop loving the last person you loved? ♥ e hindi ko alam na ganun pala sya kahirap at kasakit mahalin e..but i never stop loving him..until now love ko pa sya but he has to learn his lesson..
2. Are you usually the heart breaker or the heartbroken? ♥ heartbroken.. i dont wanna be a heart breaker!!..
3. What was the last thing you put in your mouth? ♥ water...nag wawater therapy pa ako until now!! hehe..
4. Name a quote from the song you are listening to? ♥ You mean to me What I mean to you and.. Together baby, There is nothing we won't do 'cause if I got you, I don't need money, I don't need cars, boy, you're my all...hehe...buong stanza na yan..
5. How is life going for you right now? ♥ difficult, pero ok nmn...
6.Are you keeping a secret from someone who needs to know the truth? ♥ nope...
7. Who was the last person to comment you? ♥ si the dong...
8. Regret(s)? ♥ regrets?? somehow meron pero mas marami ang lesson learned..
10. What was the first thing you said when you woke up today? ♥ thanks GOD!
11. Do you have a best friend? ♥ yes...andyan lang sa tabi tabi...
12. Have you ever hated someone, but ended up being friends with them? ♥ hehe..meron..tapos naging confidant ko pa!
13. What do you think of people who have sex before marriage? ♥ i can't judge them..
14. Do you own a pair of green pants? ♥ no...
15. Do you believe that what comes around goes around? ♥ yes...
16. What is your favorite fruit? ♥ mango
17. What is the last song to make you cry? ♥ one last cry..( brian mcknight!)
18. Is your best friend pretty? ♥ oo naman!! sexy pa! pang miss universe!!
19. Have you ever passed out? ♥ hindi pa nga eh...
20. Do you trust people easily? ♥ yes!! kaya ako naloloko e...
21. When was the last time you cried? ♥ last month..
22. What's the thing that always gets you through the day? ♥ my family!!
23. Who do you miss? ♥ kelangan p b i-memorize yan?? si CPA!! huhu!!
24. Do you give out second chances too easily? ♥ hindi lang seond chances.......umabot ako ng 1ooth times....
25. When was your last car ride to and from? ♥ sa kapitbahay naming pinasabay ako kaninang umaga..
26. Where is one place you want to visit? ♥ PALAWAN..
27. Do you like hugs or do you freak when people hug you? ♥ DEPENDE KUNG SINO ANG MAGBIBIGAY NG HUG....=)
CLICK HERE TO READ MORE
Songs By a Certified Public Accountant
Tuesday, March 4, 2008 | 2 comments
Hindi ako fan ni Ne-yo at Akon...ndi din ako mahilig tlga makinig ng RnB..Lakas pala ng naging impluwensya mo sa akin..Idol ko na si Ne-yo ( adik na ako sa kanta nyang Go on girl) pati tuloy si Mario nakilala ko na din ( ung kumanta ng how do i breath) pati pala kanta ni jay-R na bakit pa ba? gusto ko na din.. ewan ko kung anong gayuma meron ka at pati mga hilig mong kanta nakakahiligan ko na din sa mga panahong ito...bartender,smack that,i hate that i love you so, is it over, so sick...ilan lang kasi yan sa mga naririrnig kong kinakanta mo pag nag uusap tayo..
Natutuwa nga mga kapatid kong lalaki sa akin e at hindi ko na pinapapalitan ang mga kanta na yan kapag pinapatugtog nila sa sasakyan namin.. Tanong nila, " ate, kelan mo pa nagustuhan yang mga kantang yan?? di ba puro kanta ng freestyle ang gusto mo o kaya OPM? kelan ka pa naging tao??hehehe.... Sagot ko sa kanila; Simula ng may kumanta sa akin ng mga yan..na appreciate kong maigi ang kanta nila Ne-yo at Akon..Simula ng kinantahan mo ako( sa isip isip ko).. nag hahalucinate nga ako pag naririnig ko yang mga kantang yan e..kaboses mo kasi..ang galing mo kasing kumanta..feeling ko ikaw pa din ang kumakanta sa kapag naririnig ko yan pag pinapatugtog sa mga radyo.. Pero tulad din ng isang kanta kahit maganda may katapusan...
Kailangan ko ng tapusin ang nararamdaman ko sa iyo....ayoko kong tuluyang mahulog loob ko sau..ayokong for the second time around mag fafail ang relationship ko..kakatapos ko nga lang pala sa isang failed realtionship..hindi pa din ako ready mag commit for another one... i let you go...kahit hindi naman naging tayo..pakakawalan ko nalang ang feelings ko na eto..alam ko nag uumpisa palang akong makipaglaban pero talo na ako...dahil alam kong may mahal ka ng iba..problema lang yung mahal mo may mahal ding iba..ayoko pumasok sa ganyang ka kumplikadong sitwasyon... I don't deserve to be one of your choices...and i don't deserve to be treated like this..id rather stay single for a while rather than to be with you who doesn't appreciate and love me..tama na to..alam kong isang phase lang to ng buhay ko na magpapatatag sa akin..
At tulad ng isang kanta..may papalit na mas maganda..yung aakma talaga para sa akin..yung tipong ang bawat katagang nakalagay ay para lamang sa akin....
** For u CPA... thanks for adding colors to my life... i have fallen for you pero alam kong hindi mo kayang ibigay ang love na gusto ko..we better off as friends..ok na ako sa ganito...No Commitment!
CLICK HERE TO READ MORE
|