The one (poem)
Tuesday, February 26, 2008 | 0 comments
I've searching him everywhere praying someday I'll be in his arms forever And we will be together
I been through so many hurtaches I've done so many mistakes I'm tired of all this stuff Being alone was so tough
Then you came A person who was so fame A tears stop falling from my eyes When you say you will never say goodbye
CLICK HERE TO READ MORE
A Poem to my EX simple guy.....
Monday, February 25, 2008 | 0 comments
I love you the word I want to say I’m asking you to please stay Tears in my eyes are like Rains fall from the sky A day without you Makes my life so blue
I’ll cherished the things we had I’ll never forget the happiness we had Maybe its right Maybe it’s not But I know deep inside my heart That no man can ever replace you In my heart…
CLICK HERE TO READ MORE
New Template
Thursday, February 21, 2008 | 0 comments
Yehey!! bago na ang template ng blog ko..salamat sa bestfriend ko at sa kanyang boyfriend..pinag tyagaan nilang gawin tong blog ko..gustong gusto ko yung kulay at font na ginamit nila..alam na alam na talaga ng bestfriend ko ang gusto ko...hehehe...sarap maglagay ng mga bagong articles....
CLICK HERE TO READ MORE
No turning back!
Tuesday, February 12, 2008 | 4 comments
Pag nag break kasi..wala ng turning back..Tama na ang second chances na tinatawag,hindi na nga second chance ang tawag dun e!! Nth times na..Alam ko malapit na ang Valentine's Day wag ka ng mag text ng mga quotes..para ano pa?.. hirap na nga akong mag move on..magpaparamdam ka pa..Kaya mo naman pala gumawa ng paraan na makapagtext kapag wala kang load e..pwede ka naman palang manghiram ng phone ng iba at makitext..dapat noon ginawa mo yan baka sakaling ma appreciate ko pa..E pano ba yan?? talagang nasa process ako ngayon ng buhay ko na naninindigan na "NO TURNING BACK"..sorry ha!! mahal pa din kita problema ayaw ko ng magmamahal muna..Ikaw kasi e..masyado mong pinagod ang puso ko..masyado kang naging kampante na hindi ako mapapagod, na babalik at babalik ako sa iyo kahit patuloy mo akong sinasaktan.. walong taon mo din naman naging pag aari ang puso ko e..sana pinahalagahan mo kahit papano..sana inaalagaan mo ng hindi sya ganun napagod..sana tinulungan mo tuwing nadadapa sya..sana iniwasan mo ng saktan...sensya kung binawi ko na puso ko ha..baka kasi meron namang taong gustong mag alaga nito..antayin ko nlang kung sino yun...pero hindi ko na ipapahiram ulit sa iyo puso ko..pinagod mo lang e.. nyway!, happy valentine's day!.
CLICK HERE TO READ MORE
Puso Day!!
Monday, February 11, 2008 | 0 comments
Valentine's Day na namana sa Feb.14. Maglilipana na naman ang mga tsokolate, bulaklak,cards,stuff toys at kung ano anu pang mga bagay na hugis puso at kulay pula.. Magsasaya na naman ang mga magkakasaintahan... Natanong ko lang sa sarili ko na ang Valentine's day ba e para lamang sa dalawang taong nag iibigan o may kaibigan?? Paano naman ang mga katulad kong single?? Magtatago nalang ba ako sa bahay at aantaying matapos ang Valentine's day?? Unfair naman ata yun? Magdiriwang ang mga magkakasintahan,mag sising irog, nag iibigan, nagmamahalan, partners samantalang ako maglulugmok lang....
Nakakaingit ang mga kababaihan na aalayan ng mga lalaki ng bulaklak, tsokolate, stufftoys, cake at kung ano anu pa...
Kakaingit din kapag mapapadaan ako sa mga restaurant na may mga nag iibigan na kakain with matching candle light,magsususbuan ng pagkain....
HAy...mapapabuntung hininga nalang ako kapag makakakita ako ng magkasintahan na HHWWPSP ( holding hands while walking pa sway- sway pa), ung mga nag kikiss ,nag ha hug.. Kakaingit yung mga nag iibigan sa jeep na natutulog yung babae sa mga bisig ng lalaki..bisig nga ba tawag dun?? basta ung sa shoulder ng lalaki...tapos makikita mo bigla nalang kikiss nung guy yung noo ng girl..hay!! ang sweet!...
Kakaingit yung mga magkasintahan na sobrang sweet..ung kahit sa mga mata lang sila nag uusap..malalaman mong nagpapalitan sila ng mga sweet nothings..tulad ng i love u, mahal kita, sumpaman, peksman, magpakailaman, ikaw lang ang mamahalin ko 4ever and ever, your my everything,my world, my universe, my mars..neptune, pluto, jupiter, saturn, lucifer! ay anu ba yun lucifer??hehehe......star..moon...sun...lahat nlang ng mga impossible..hehehe...tapos kikindat bigla yung guy...ibig sabihin nung kindat..mwah..o kaya tsup!! hehehe...kakakilabot no??
Teka? Bat ba kasi ako maiingit?? Hindi bat itong ito rin ang eksenang nakikita sa akin nuong ako'y may kasintahan pa noong nagdaang araw ng mga puso??
Nabawasan ang lungkot at inggit na nararamdaman ko.Hindi naman pala ako dapat malungkot at maglugmok dahil minsan isa rin pala ako sa naki celebrate ng araw ng mga puso..
Wala din namang batas na nagsasabi na bawal magcelebrate ang mga single tulad ko sa Araw ng mga puso!!
Kaya para sa ating lahat na single at loveless ngayong araw ng mga puso!!! cheer up!! who cares kung loveless tayo? care bears??
May ilang araw pa naman ang nalalabi para sa darating na Valentine's day..malay natin..swertehin bigla tayo..may mapana si kupido na lalaki para sa atin?? kung wala talga..wag ng mag alala..may next year pa naman..baka naman next year..isa na naman tayo sa milyong milyong taong hindi na loveless na makikipagsaya sa Araw ng mga Puso.....
Happy Puso!! :)
CLICK HERE TO READ MORE
Joy ride sa MAkati
Sunday, February 10, 2008 | 0 comments
Badtrip pag wala kang sense of direction..... Magkasama kami ng bestfriend ko kagabi papuntang Makati..sinamahan nya ako para sa isang symposium...Pareho kaming hindi alam kung papaano pumunta sa Dusit Hotel kung saan gaganapin ang symposium na yun... 6:00 pm ng gabi ang start ng symposium....
5:30..binabagtas namin ang kahabaan ng Roxas boulevard..... May nagbigay naman ng direction sa aming dalawa kung papaano makapunta dun..kaso ang mali ko lang...tinandaan ko lang kung paano makapunta ng Makati at di ko na tinandaan ang direksyon papaunta sa Dusit..feeling ko naman kasi pag nasa Makati na kami ay madali na lang namin makikita ang Dusit.....ngunit hindi ganun ang nangyari....
6:00pm na...paikot ikot pa din kami sa MAkati....madami na din kaming taong napagtanugan kung papaano makapunta sa Dusit! tama naman ata ang sinasabi nila..problema lang ang daming one way sa MAkati...
Nakarating na kami ng greenbelt 4..Parksquare....hay naku....pagod na din yung bestfriend ko sa pagdridrive...
Paikot ikot nalang kami...may nakapagsabi sa amin na mas mainam kung lumabas kami sa EDSA para mas madali naming makita ang Dusit hotel....
Sa sobrang tense namin dahil late na kami...at sobrang excited nung nakita namin ang Dusit Hotel...hindi namin namalayan na nakapsok pala kami sa lane ng mga bus....
PAg minamalas ka nga naman.OO!!... e di nahuli pa tuloy kami ng MMDA... buti nalang at nakuha sa pakiusapan...akalain nyo ba naman na 750 hundred daw ang kailangan namin para matubos ang lisensya ng friend ko...badtrip talga o!!..buti nalang at matapang tong bestfriend ko..hindi talga nagalabas ng pera..nakuha naman sa pakiusapan...
7:00 pm...dating namin sa hotel..nag aantay na sa lobby ang isa ko pang kaibigang dentist...buti nalang at Filipino time,,,hindi pa simula ng symposium....
Kumain lang kami dun...hehehe..konting kinig sa symposium....sabay alis din...buti nalang at libre yun kahit papaano hindi nasayang ang pag punta namin...buti din at nakapasok ung bestfriend ko ..para lang kaming nag dinner sa hotel nung gabing yun..hehehe..
CLICK HERE TO READ MORE
|