Shawarma
Friday, January 25, 2008 | 2 comments
Ang ma-late bukas manlilibre ng shawarma..
Sus! ako pa malalate?? baka di na ako matulog sa sobrang excitement.. Paanong hindi ako ma eexcite e ikaw ang "ultimate crush" ko..Pag sineswerte nga naman o! yayain mo pa akong mag jogging..
Tamad akong gumising ng maaga para mag jogging at hindi kasali sa routine ng buhay ko ang pag jojogging pero dahil ikaw ang nag aya kahit ata simula Novaliches hanggang PICC kakayanin kong mag jogging basta ikaw ang kasama ko.
Dininig ata ng Diyos ang dasal ko na makasama ka kahit limang minuto lang.Sobra pa nga ang binigay dahil wala naman sigurong nag jo jogging na limang minuto lang..
5:30 ha!..sa gate one..ang ma-late manlilibre ng shawarma...sabi mo na nakangiti.
OO ako pa..kelan ba ako nahuli sa lakad..sige bukas agahan mo lang...sabay ngiti ko ng pa sweet na ngiti ...feeling ko nag beubeautiful eyes pa ako habang nakangiti sau..
Kinabukasan, hindi pa man nagbubukas ang bukang liwayway gising na ako.. akalain mong alas tres ng madaling araw ay gising na ako ..di naman talaga ako nakatulog e at kung hindi lang ako natatakot na tumayo at maligo sa banyo ng ganun kaaga malamang 3;30 palang ng madalaing araw ay nakahanda na ako..Inip na inip na ako kaaantay ng alas kwatro ng umaga para maligo.
4:00 am...pwede na siguro akong maligo..Para may oras pa akong magpatuyo ng buhok..
Dapat ko bang bilisan?? hindi naman siguro dahil 5:30 pa naman ang usapan natin eh! kaya naman halos malapnos na ang balat ko sa kahihilod at kasasabon .Sinisiguro ko lang na wala kang makikitang libag sa aking katawan..At 3 beses din akong nagsipilyo baka kasi kausapin mo ako ng malapitan..hehehe...
5:05 am..umalis na ako ng bahay...baka kasi mag antay ka ng matagal..Ang lamig sa labas..madilim pa.
5:10 dating ko sa ating tagpuan..nakakatakot..wala pang tao s kalsada..
5:15 Nakikita ko na ang unti unting pag sikat ng araw..naririnig ko n din mga tilaok ng manok
5:20 maaga lang talaga ako dahil wala ka pa..kumakanta pa ako ng " I think im in love"
5:30..Di ko maintindihan ang pagtibok ng aking puso..parang tyan na nagugutom..ang bilis ng tibok..parang may kung ano sa loob nito..Nagkape lang ako dahil baka mabusog ako at matae pag nakita ka..ma unsyame pa ang first date ko sau..hehehe...
5:35...hahaha...late ka na...ligtas ako sa panlilibre..
5:40.. nakakahalata na ako na ang tagal mo..konting antay pa...sayang naman ang gising ko kung uuwi nlang ako basta basta..kung bakit ba naman kasi hindi pa nauso ang celphone noon e. Di ko tuloy alam kung tutuloy ba tau..
5:45...naririrnig ko na ang kahol ng mga aso...Akalain mong darating ka pa din pala...
Sorry ha...na late ako ng gising e..yaan mo na lilibre kita mamya ng shawarma....
Susme!! kahit maaga pa tumatalab na ang karisma mo sa akin...mas gwapo ka pa nga ata kapag umaga dahil namumungay pa ang mga mata mo..
Ok lang kahit walang shawarma..basta makasama lang kita..sa loob loob ko.... Ano tara?? jogging na tayo..baka abutan pa tayo ng sikat ng araw..sakit na kasi sa balat ang sikat ng araw pag tangahali na...
30 mins palang tayong nagjojogging e parang buong taon na akong tumatakbo...sabi naman sau na hindi ko talaga hilig ang pag jojogging e..pero di bale natutuwa naman ako sa nararamdaman ko dahil kinikilig talaga ako..lalo kapag magkalapit tayo habang tumatakbo...naglalakad...
8:30 am: nagpahinga na din tayo sa lakad- takbo na ginagawa natin pero mas madami atang lakad ang ginawa natin..
May pabor ka palang hiningi sa akin kanina habang naglalakad tayo..Ano ba yun??
Nag alis ka pa muna ng bara sa lalamunan bago ka nagsalita??
Hmmm.....kinakabahan naman ako sa sasabihin mo .....
Eto na at nagsisimula ka nang magsalita....ahh....kasi...hmmm....ano kasi....pwede bang......
Ano??? ano ka ng ano e...sabihin mo na nga..kung uutang ka wala akong pera..pero pwede siguro akong mag ipon..hehehe...ano na kasi yun...?? "Kinikilig na ako sa mga sususnod na sasabihin mo..nabibitin na talaga ako.... hoy!!! ano ba???? sabihin mo na....kanina ka pa tahimik dyan... Ano kasi...pwede bang ilakad mo naman ako sa kaibigan mo???tagal ko ng crush yun e..
TOINK!!!!!!!!......Lechugas!!! pagkatapos kong magising ng maaga..pagtapos kong di makatulog..pag tapos kong maligo ng muntikan pang malapnos ang aking balat sa kakahilod..matapos kong mag toothbrush ng 3 beses...matapos kong mag mapagod sa kakajogging......waaahhhhh....... gusto kong himatayin....
E ano pa bang magagawa ko?? Alangang sabihin ko na anak sya ng tatay nya bat ako pa ang naisip nyang maglakad para sa kanya..alangang mag walk out ako dahil sa inis?..sympre compose pa din ako....at eto nlang ang nasabi ko....
Yaan mo mamaya pag tapos mo muna akong ilibre ng shawarma..ilalakad na kita..sana lang may lechugas ang shawarma...hehehehe.. Tara na...punta na tayo sa shawarmahan...masaya ka naman na e..masaya na din ako dahil kakain na din ako...ngayon ko lang napansin ang gutom ko...napansin ko din na napupupo na ako...dahil sa shawarma...
CLICK HERE TO READ MORE
The Main Purpose of my Blog
Wednesday, January 23, 2008 | 1 comments
Ano b e2ng napasukan ko?? writer??!!! huh!!? d ko talga naisip s tanang buhay ko n magsususlat ako...ung besfriend ko kasi e..lakas makaimpluwensya..binigyan nlang ako siguro nun ng magagawa para di ko maistorbo..pano b naman kasi..umaga..hapon gabi,madaling araw, holiday, rally, brownout,peak hours,off peak at kahit n ata s pagtulog nya e sumisingit pa din ako s oras nya..sumbong dito..kwento dun..mangulit..mangasar..taga sagot sa mga math problems ko..magkwento ng buhay ko..naiinip kasi ako s buhay ko e,hehehe..bahay -clinic lang ang puntahan ko..minsan date..dati yun..ngayon,wala n akong k date..kaya lalong dumami ang oras ng pangungulit ko sa bestfriend ko..Pag hindi ko sya makontak s landline tatawag ako s celphone pag ayaw sagutin celphone..buzz ko naman s Ym nya..pag ayaw p din sagot..hahanapin ko n sya s boyfriend nya..hahahaha... kaya eto binigyan niya ako ng pagkakaabalahan s buhay..ang gumawa ng sarili kong blog.. Kahit ano daw pwede isulat d2..dito ko nlang kwento ung talambuhay ko n memorize n ng bestfriend ko..ung mga hinaing ko sa buhay na nsolusyunan n din nya..ung mga agam agam ko sa buhay na na ipaliwanag n din nya kung bakit..ung mga tanong ko sa buhay n nabigyan n din nya ng kasagutan.. Sabi nya pwede daw mabasa eto ng maraming tao...sabi nya pwede ko daw dito ma share lahat ng saloobin ko...kaya naisip ko na ito ang magandang pagkakataon para malaman ng buong , ng buong universe at sa lahat ng makakabasa ng blog ko na isa ako sa pinaka maswerteng taong nabubuhay dito sa mundo dahil nagkaroon ako ng "BESTFRIEND n tulad ni "LALAINE".... Salamat bestfriend sa iyong walang sawang pag intindi sa akin...salamat sa mga ngiti n binibigay mo..(kahit naka braces ka!) I would not trade you for anything in this world!!!...Again, a million thankssss..........mwah.
CLICK HERE TO READ MORE
Hello World!
| 16 comments
This is my first post!
=)
CLICK HERE TO READ MORE
|